Laine's Point of View
"What! Sigurado ka ba dyan sa sinasabi mo? Hindi ka pa nakakapag-enroll sa University na papasukan mo, ni hindi ka pa nga nakakapili kung saan ka papasok.You have to decide Laine dahil start na ng enrollment..And besides, matatagalan kami dun dahil aasikasuhin namin ni mommy yung business at properties natin dun kaya nga maiiwan kayo dito ng mga kapatid mo sa tita Baby nyo.Tapos ngayon sasabihin mo sasama ka? Anak naman masyado namang magastos yang gusto mong paglimot." mahabang litanya ni dad na parang gusto ng maubusan ng pasensya.
" Okey dad, sasama ako bukas sa paghatid sa inyo sa airport then mag-eenroll ako sa University na malayo dun sa school ni Nhel, then susunod ako sa inyo ni mommy sa States kahit mga one month lang ako dun then babalik ako dito before ng school opening.At sisiguraduhin kong hindi malalaman ni Nhel na nakabalik na ako.Magpapakita lang ako pag ok na ako.What do you think dad?"tuloy-tuloy kong banat sa kanya.
" Grabe ha, na-plano mo na pala lahat, wala na akong choice nyan kung hindi umayon dyan sa kalokohan mo.Naku! Bakit ba naipangako ko pa na susuportahan kita sa desisyon mo? Mababaliw ako sayo baby.Siya sige, ihanda mo na lahat ng kakailanganin mo bukas at sabihin mo kay tita Baby na sasama ka sa States para yun ang sabihin nya sa mga magtatanong." sabi na lang ni dad.
" Thanks daddy.Pasensya kana po.Gusto ko lang i-relax ang puso't isip ko, nakakapagod pong umiyak na lang ng umiyak.Sa ngayon kasi dad hindi ko pa talaga kayang makita si Nielsen ng hindi nakakaramdam ng sakit.Please understand me dad, I'm hurting so much." malungkot na sabi ko.
" I understand baby.Please be strong it will end soon.We're here for you." pag-alo ni dad sa akin.
Lumabas na si dad at sinimulan ko ng mag-impake ng mga dadalhin ko sa States kung saan magtatago muna ako pansamantala para makalimot.
I know it's not fair kay Nhel pero nasasaktan ako eh.Yung pakiramdam na ngayon ko lang naranasan sa tanang buhay ko.Parang kinukurot at binubudburan ng asin ang puso ko lalo na kapag naaalala ko yung tagpong nakita ko sa pagitan nila ni Peachy.
KINABUKASAN ng madaling araw, nagpaalam na kami sa mga kapatid ko at hinabilin na sila ni dad at mom kay tita Baby.Sinabi rin ni dad kay tita na isasama ako at hindi na nagdetalye kung bakit.Nang masabi na lahat ni mommy kay tita Baby ang lahat ng gagawin nya ay lumulan na kami ng kotse at umalis na.
Hindi ko napigilan ang luhang pumatak sa mata ko ng mapadaan na ang sasakyan namin sa bahay nila Nhel.Nakatanaw pa rin ako kahit ng lumampas na kami.
" Hindi na ba magbabago ang isip mo anak?" tanong ni mommy ng makalampas na kami sa bahay nila Nhel.
Marahan akong umiling.
Hindi pa.Hindi pa sa ngayon.
Sa bahay namin sa Dasma kami tumuloy dahil after lunch pa naman ang flight nila dad.Si kuya Fred na ang maghahatid sa airport at ako naman ay mag-eenroll muna then susunod ako sa kanila pagkatapos kong maayos ang lahat at si kuya Fred din ang kasama ko dahil may business trip din sya.
Pinili ko ang University na medyo malayo sa school ni Nhel at sa tingin ko naman mas maganda ito kaysa dun sa isang malapit dun sa kanya.Ang paaralang ito ay isa sa pinakamatandang unibersidad na naitala sa kasaysayan ng bansa.
Natapos akong mag-enroll at sinamahan naman ako ni kuya Frank sa pag-aayos ng mga kailangang documents sa pagpunta namin ni kuya Fred sa States sa susunod na araw.
Hapon na ng makauwi kami ng Dasma at nandun na si kuya Fred galing sa paghatid kila dad sa airport.
Maaga akong nagpahinga kinagabihan dahil napagod din naman ako sa byahe at mga ginawa ko sa maghapon.Madali akong nakatulog marahil dahil sa pagod.Mabuti na yung ganon para hindi ko maisip si Nhel at iiyak na naman ako panigurado.
Hindi na ako nainip sa mga sumunod na araw dahil sa sobrang dami ng inaasikaso ko at namalayan ko na lang na nakasakay na kami ni kuya Fred sa eroplano na magdadala sa amin sa lugar kung saan pansamantala akong magkakanlong para makalimot.
———
Nhel's Point of View
" Anong sabi mo tita Baby, saan po nagpunta si Laine? tanong ko uli sa kanya dahil hindi magrehistro sa utak ko yung sinabi nya kanina na wala si Laine.
" Ang sabi ko, sumama si Laine sa mommy at daddy nya sa States at kanina yung flight nila.Kami nga lang dito eh, six months sila dun."
sagot nya.
" Bakit hindi nya sinabi sa akin na aalis sya eh magkasama naman po kami nung mga nakaraang araw?" tanong ko pa.
" Ewan ko nga dun bakit biglaan, ang alam ko sila kuya lang ang aalis dahil mag-aaral si Laine sa Maynila di ba? May kinalaman ba ito dun Nhel sa hindi nya pag-uwi nung isang gabi at umuwi ng umiiyak kinabukasan? Hindi ba nag-usap na kayo ni kuya tungkol dun, hindi ba binanggit sayo ni kuya na sasama si Laine sa kanila?" tanong din ni tita Baby.
" Wala pong nabanggit si tito Franz tungkol dun.Ang sabi lang po nya hayaan ko lang muna si Laine na makapag-isip muna.Baka po nagdesisyon lang si Laine pagkatapos naming mag-usap ni tito." sagot ko.
" Oo ganun nga siguro kasi nung mag-usap kayo ni kuya hindi lumabas si Laine ng room nya hanggang hapunan, pinuntahan lang sya ni kuya at kinausap.Baka kahit si kuya nabigla rin sa desisyon ni Laine." sang-ayon ni tita Baby.
Hindi ako kumibo, nasasaktan ako sa mga nangyayari.Ayaw tanggapin ng sistema ko ang katotohanang umalis si Laine at iniwan ako.
Lalong naragdagan ang sakit na aking nararamdaman ng magsalita uli si tita Baby.
" Ano ba kasi ang nangyari Nhel? Sa tingin ko nagdesisyon na si Laine na duon na mag-aral sa America base sa pag-uusap nilang mag-ama, sobrang naging balisa si kuya pagkatapos."
Wala na, hindi ko na kaya ang mga naririnig ko.Nagpaalam na ako kay tita Baby at sinabi kong balitaan na lang ako kung may balita galing kila tito Franz.Dali-dali akong sumakay ng bike at mabilis na pinatakbo pauwi sa amin.
Ang sakit ng nararamdaman ko, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.
Pagdating ko sa bahay ay pabagsak kong isinara ang gate ng makapasok ako gayun din ang pinto na naging dahilan ng pagkagulat nila mama.
Pumasok ako ng room ko at pabagsak na humiga sa kama.
Kinuha ko ang picture ni Laine na naka frame sa bedside table ko.
At sa pangalawang pagkakataon umiyak uli ako na sya rin ang dahilan.
Ang kaisa-isang babae na dahilan ng kaligayahan ko ay siya ring dahilan ng kalungkutan ko ngayon.
Bakit ganon? alam kong nasaktan sya sa nangyari pero hindi ko naman intensyon na masaktan sya.Mas nasasaktan ako ngayon sa ginawa nyang pag-iwan sa akin ng walang paalam.Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan nyang lumayo ng hindi kami nakapag-usap man lang.
Bakit binalewala nya ang isa sa mga rules namin? Bakit hindi nya hinayaan na pag-usapan na lang namin kung ano ang problema?
Bukod ba dun sa sinabi nya kay mama, may mas matindi pa ba na nangyari na hindi nya sinasabi at sobra-sobra syang nasaktan kaya mas pinili nya ang lumayo?
Gaano ba kalaki ang kasalanan ko bakit nya ako iniwanan ng ganito? Biktima rin ako ng pangyayari.Alam naman nya kung gaano ang pag-iwas na ginawa ko sa babaeng yun dahil ayoko syang masaktan.Alam nyang mahal na mahal ko sya bakit hindi yun ang pinanghawakan nya?
Ang daming katanungan na bumabagabag sa isip ko at hindi ko alam ang sagot.Wala ako sa tamang huwisyo nun at sya lang ang makakasagot ng lahat ng ito pero mas pinili nyang takasan na lang dahil nasaktan sya.Dalawa naman kaming nasaktan ah.Sa tingin nya ba nagbubunyi ako ngayong iniwan nya ako?
Ang unfair lang.
Grabe ang sakit.Lalake ako, dapat hindi ako umiiyak, nakakabakla.. pero bakit hindi ko mapigilan ang hindi masaktan.Mahal na mahal ko sya.She's my strength and also my weakness and I don't know if I can go on living without her.
Napatingin ako ng biglang bumukas ang pinto.Hindi na ako nag-abalang punasan pa ang mga mata ko na tigmak ng luha.
" Anak ano ba ang nangyari?" tanong ni mama na palapit na sa akin at niyakap ako.
Pakiramdam ko para akong bumalik sa pagiging bata ng maramdaman ko ang yakap ni mama.Nakaramdam ako ng comfort sa ginawa nya.Medyo nabawasan ang sakit na nararamdaman ko.
" Ma, umalis na si Laine, pumunta na sya ng America, iniwan na nya ako."
So sad....anyways,Thanks for reading..
God bless you always!?