Download App
1.58% I Can't Go On Living WITHOUT YOU / Chapter 4: Pagbabalik Tanaw sa Nakaraan 3

Chapter 4: Pagbabalik Tanaw sa Nakaraan 3

" Ok na ba lahat ng gamit mo?"

Bungad ni mommy sa akin habang pinapanood nya akong mag-unpack ng things ko sa bagong room ko.

" I'm almost done , mom".

" So, how do you find your new room?"

" It's nice and quite comfy mom"...

Totoo yun sa loob ko kasi super cute naman talaga nung room parang pinaayos nga muna nila dahil pang kikay ang design., may built in closet sya and bathroom, hindi sya kasinglaki nung room ko sa Manila but it's fine with me, may aircon din naman sya.

"O sige baby, punta lang ako ng palengke para sa stocks natin dito sa bahay at kakausapin ko na rin tita Baby mo para sya na ang mag- aasikaso sa inyo pag nasa work ako."

" Ok mom, ingat po"..

AFTER  a couple of hours, natapos din ako sa pag- aayos sa room ko, naisipan kong lumabas ng bahay at nakita ko si daddy na pinapanood ang mga brothers ko na naglalaro sa garden.

" Hi! Dad," bati ko sa kanya sabay yuko ko at yumakap sa likuran nya dahil nakaupo sya sa wheel chair nya.

" Hello,baby!" how's your day?"

" I'm perfectly fine dad, no worries".

" Buti naman anak, sana magustuhan mo rin dito, kasi look at your brothers, I think they like it here."

" Mukha nga po dad, nag- eenjoy nga sila oh"...sabi ko habang tinitignan kong nagkakatuwaan ang mga kapatid ko.

" Huwag po kayong mag- alala mukhang magugustuhan ko rin po dito, konting adjustments lang siguro." dugtong ko pa.

" Salamat anak, alam namin na hindi magiging madali agad sayo dahil nasanay kana sa buhay dun sa Manila pero sa nakikita ko sayo ngayon mukhang ok naman yata na."

" Oo nga po dad, yung lugar lang ang nagbago pero yung luxury and comfort nandun pa rin naman kaya ok naman na, mami- miss ko lang po siguro sila ate at kuya at pati yung mga pinsan ko,sila Elize.

" Masasanay ka rin baby, makikita mo".

" Opo naman,kasama ko naman ang gwapo kong daddy eh".

" Hahaha, binola mo na naman ako."

natawa na lang si daddy sa kapilyahan ko.Sanay na sila sa akin, kumbaga ako kasi yung pinaka makulit sa bahay pero pinaka-malambing sa lahat.

THAT night.,medyo nahirapan akong matulog dahil na rin siguro sa bagong room ko, namamahay ika nga pero alam ko kailangan ko na rin na masanay sa pagbabago, after this summer panibagong adjustments na naman dahil magiging iba na ang school ko, pero ok lang, kakayanin ko dahil kasama ko ang pamilya ko.

With that thought, nakatulog na rin ako after kong umusal ng panalangin ng pasasalamat sa Lord and ask Him to make things easier for me...


Chapter 5: Pagbabalik Tanaw sa Nakaraan 4

MAAGA pa rin gumising si Laine kinabukasan kahit medyo puyat sya. Sunday kasi at kaugalian na nilang mag- anak na mag attend ng mass...After nyang gawin ang kanyang morning rituals ay lumabas na sya ng room para mag breakfast.

Nasalubong nya ang tita Baby nya sa sala at binati nya ito..Pinsan ito ng mommy nya at dalaga pa, mga nasa mid thirties na ang edad nito.

" Good morning tita! Sila mommy po?" tanong nya at sabay nagmano dito.

" God bless anak, nasa dining sila nag- aalmusal na" sagot ni tita Baby... "ang laki mo na ah parang kailan lang baby ka pa, dalagita kana at napaka ganda katulad ng mommy mo." dugtong pa ng tita nya.

Medyo nag blush siya sa pagpuri ni tita Baby sa kanya kasi ayaw na ayaw nya ang ganong mga papuri although marami nga ang nagsasabi na maganda talaga sya, combination kasi sya ng mommy at daddy nya..yung matangos na ilong at magandang mga mata ay nakuha nya sa dad nya, yung kissable red lips, maputi at makinis na kutis ay sa mommy nya naman nakuha.Biro nga ng marami ay sobrang in love daw siguro ang mga magulang nya sa isat- isa kaya ganun ang physical features nya...

" Tita naman, wag nyo naman po akong purihin ng ganyan, nakakahiya po..hehe!"

" Hala, eh totoo naman sinasabi ko at bukod sa maganda ka ay consistent honor student kapa! Swerte ng magiging boyfriend mo kung sakali.." biro pa ni tita.

" Naku! Tita wala pa po sa isip ko yan bata pa po ako."

" O eh sabi ng daddy mo, marami daw gustong manligaw sayo."

" Wala naman pong makalapit sa kanila sa akin dahil sobrang intimidating ni Dad, papayag lang daw sya kung may maglalakas ng loob na magsabi at magpaalam sa kanya na ligawan ako."sabi nya..

" At palagay ko po tatanda akong dalaga kasi tingin pa lang ni daddy takot na ang mga lalaki at dadaan pa sila sa dalawa kong kuya.." dagdag pa nya.At totoo nga yon dahil nakita nya kung gaano ka- strict ang dad nya sa mga nanliligaw sa mga ate nya...

" Hahaha, wag naman ,sayang ang magandang genes mo anak.."

"Hahaha!, sige tita punta na po ako sa dining room.Tara po kain tayo."

" Tapos na ako mag breakfast kanina pa.Sige Laine dito lang ako sa garden magdidilig ng halaman." at lumabas na si tita Baby.

DUMIRETSO na siya sa dining room para mag breakfast at inabutan nyang masayang nagkukwentuhan ang mga magulang nya at ang mga bisita ng mga ito...

" Morning dad, morning mom!" bati nya sabay halik sa pisngi ng mga ito.

" Morning din anak"...sagot ng mommy nya..."baby sila nga pala si Mareng Bining at Pareng Phil, natatandaan mo pa ba sila?" tanong  ng mommy nya..

"Ay opo, kumusta po kayo?" pagbati nya sabay nagmano sa mga ito.

" Kaawaan ka ng Diyos anak" sabi ni Mareng Bining..

" Ito na ba si Laine, yung panganay nyo? Dalagita na pala ano pareng Franz? tanong ng Pareng Phil kay dad.

" At napaka gandang bata, ano mareng Paz?" tugon naman ni mareng Bining.

" Hindi naman sa pagmamalaki mare, muse yan ng buong school nila sa Maynila at consistent honor student din sya, napaka swerte namin sa batang yan"...proud na sabi ng kanyang mommy.

" Kung ganon mare, tuloy pa ba yung usapan nating apat nuon kapag nagdalaga na si Laine?" tanong ni Mareng Bining.

Natulala ang mag- asawa sa tanong na yon..

At si Laine napanganga sa nakitang reaksyon ng mga magulang..

Ano nga kaya ang kasunduang yon?

tanong ni Laine sa sarili.

NATAPOS ang misa ng parang walang naunawaan si Laine dahil ang isip nya ay natuon dun sa usapan ng mga magulang nya kanina.Ano nga kaya yung sinasabi nilang kasunduan? tanong nyang muli sa isipan.

Medyo nalimutan na lang nya nung magyaya ang dad nya na kumain na lang sila sa labas.Ayaw naman nyang tanungin ang mga ito baka kasi sabihin na usapan iyon ng matatanda kaya pinilit na lang nyang kalimutan yun., tutal sasabihin din naman siguro sa kanya yun ng mga magulang dahil siya naman yung involved.

THREE days na simula nung dumating sila ng bisitahin sya ng kababata at pinsan nyang si Candy.

" Insan, musta na, ikaw na ba yan?"

" Wow ganda natin ah at mukha ka ng dalaga" excited na sabi ni Candy.

" Ikaw din naman insan, ang ganda mo rin kahawig mo yung artista na si Lanie Mercado!"

" Hindi naman, ang ganda kaya nun, pareho lang kaming morena nun."sagot ni Candy.

" Oo kaya, wala ka namang bilib sa sarili mo Candy."sabi nya.

" Naku!naku!naku! Nagsalita ang may bilib sa sarili, ikaw nga dyan umaapaw kana sa magagandang katangian parang hindi ka naman aware..kung ako ang ganyan malamang nag audition nako bilang regal babies"..litanya ni Candy.

" Hahaha! Grabe ka naman insan, lika nga dito sa loob magmeryenda muna tayo." pagyaya nya sa pinsan.

" Laine, totoo ba na dito na kayo titira?" tanong ni Candy habang kumakain sila.

" Yap, at dito na kami mag- aaral, may branch pala dito yung exclusive school na pinapasukan ko sa Maynila, dun na daw ako para hindi na magpapalit ng uniform." sagot nya sa tanong ng pinsan.

" Ay masaya yan, marami akong kaibigan dito at ipapakilala kita sa kanila.,at sigurado magkaka-crush sayo ang mga binatilyo dito, kamukha mo kaya si Phoebe Cates." ani Candy.

" Uy grabe ka naman, ang ganda kaya nun, hindi naman ako ganun kaganda noh! "sabi nya.

" Hoy! Insan tumingin ka nga sa salamin ng makita mo, kahit sino tanungin mo iyon din ang sasabihin nila"..

" Hay, naku! Kumain ka na nga lang dyan at baka gutom lang yan, kung ano-ano sinasabi mo"..

" Hay naku rin, Alyanna Maine  Guererro, napaka humble mo talaga kahit kelan"..napapailing na sabi ni Candy.

Napangiti na lang sya sa pinsan, ayaw na nyang makipagtalo dahil binanggit na nito ng buong- buo ang pangalan nya, alam nyang naiinis na ito dahil ganun na ito nung mga bata pa sila.

" Hahaha! suko na po Lanie Mercado".

"Tse!" at pinandilatan sya ng pinsan.

Kung ano- ano lang ang napag- usapan nilang magpinsan kaya hindi nila namalayan ang oras dahil komportable talaga sila sa isat- isa, mga bata pa lang sila ay close na talaga sila.

Hinatid na lang nila si Candy pagkatapos ng hapunan at nangako ito na babalik na lang ulit..

Natulog syang may ngiti sa labi dahil alam nya magiging masaya ang paglipat nila sa probinsya dahil sa pinsan at kababata nyang si Candy...


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C4
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank 200+ Power Ranking
Stone 0 Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login

tip Paragraph comment

Paragraph comment feature is now on the Web! Move mouse over any paragraph and click the icon to add your comment.

Also, you can always turn it off/on in Settings.

GOT IT