Download App
30.29% Kiss of Death and Shadows / Chapter 103: Lilith’s reason

Chapter 103: Lilith’s reason

TILA PUSA SA SOBRANG gaan na lumapag ang mga paa ni Night sa balcony. Mabilis siyang nagtago sa gilid ng bintana nang matanaw ang paparating na mga lethium demon. Nilibot niya ang mga mata. Maraming nakakalat na mga lethium at ravenium demon sa paligid ng buong simbahan. Kailangan niyang mahanap si Lexine at maitakas sa lugar na ito sa mas mabilis at payapang paraan. Hindi siya maaring basta na lang magwala dahil kahit pa alam niyang malakas ang kanyang kapangyarihan ay mas mahihirapan at matatagalan siya sa paghahanap sa dalaga kung masyadong marami ang haharang sa kanya.

He summoned his slave. "Master," anito.

"Go find Lexine."

"Masusunod master," mabilis na naging itim na usok ang itim na balabal at pumasok sa loob ng bintana.

Maingat na pumasok si Night sa nakabukas na pinto ng balcony at alertong binaybay ang malawak na corridor. Panay ang likot ng kanyang mga mata sa paligid. Narinig niya ang papalapit na mga yabag at mabilis siyang nagtago sa likod ng pulang kurtina sa gilid. Dumaan ang dawalang lethium demons.

"Nagsisimula na ba ang ritwal ng kamahalan?" sabi ng isa.

"Oo, nandoon na sila sa bulwagan kaya hindi pwedeng abalahin ang kamahalan dahil siguradong magagalit `yun sa oras na maistorbo ang orasyon."

"Mukhang tuloy na tuloy na talaga ang plano ng kamahalan. Siguradong hindi na siya mapipigilan."

"Tama ka riyan—"

Nahinto sa pagsasalita ang lethium demon nang biglang lumitaw si Night sa harapan nito at sinakal ito sa leeg. "Where is that bitch?"

"M-mahal na prinsipe—" Ginalaw ni Night ang hintuturo at gitnang daliri at may pwersang mabilis na pumilipit sa leeg ng isang demon na tila basahan. Napunta sa likod ang ulo nito. Mabigat na bumagsak ang katawan nito sa sahig.

Muli siyang bumaling sa demonyong hawak niya. Hindi paawat ang pangangatog ng buo nitong katawan. "Sasagot ka o papatayin kita?"

"A-alam ko po k-kung nasaan sila. S-sa w-west wing, sa ikalawang p-palapag, sa kahoy na p-pinto," utal-utal nitong sagot.

Tumaas ang sulok ng bibig niya. "Good. I'll see you in hell." Binali niya ang leeg nito. Bumagsak ang katawan ng lethium sa sahig. Tinupok iyon ng apoy at mabilis na naging abo kasama ng isa pa nitong kasamahan.

Dali-daling hinakbang ni Night ang mga paa upang puntahan ang tinutukoy nito. Matapos ang ilang minutong paglalakad at natunton niya ang pakay. Subalit may dalawang lethium demons ang nagbabantay sa labas ng pinto. Naningkit ang kanyang mata. Kailangan maging maingat siya sa mga galaw niya.

Sakto naman na lumitaw si Ira sa kanyang tabi. "Master, nasa loob ng pintuan ang mortal. Kasalukuyang nang isinasagawa ang ritwal na ginawa ng inyong ina—"

"She's not my mother!" gigil niyang sambit.

Natigilan ang anino. "Paumanhin, Master."

"I want you to kill those fucking dogs. Make it silent and quick."

"Masusunod, Master."

Mabilis na naging usok si Ira at nagpalit anyo bilang isang maganda at seksing alipin. Nang-aakit na lumapit ito sa dalawang lalaking lethium. Her face was as fierce as the lion and graceful as a tiger. May dala-dala itong isang tray na may tatlong kopita ng alak.

"Hey, loverboys! Who likes some booze?" nang-aakit na tanong nito.

Ngingisi- ngisi na nagpalitan ng tingin ang dalawa demonyo. Sinipat ng mga ito mula ulo hanggang paa ang demonyita. Lumaki ang pagkakangisi ng dalawa.

"Sige ba," sagot ng isa.

Sabay na inabot ni Ira ang dalawang baso ng wine sa dalawang lalaki. Kumuha rin si Ira ng isang baso at buong pang-aakit na tinignan ang dalawa sa mga mata. "Cheers!" saad ng demonyita.

Sabay na ininom ng dalawang demonyo ang alak. Sarap na sarap ang mga ito habang nagtatawan pa. Maya-maya at nabilaukan ang mga ito. Binalot ng puti ang mata ng dalawa bago nangingisay na natumba sa sahig. Tumaas ang kilay ni Ira at nilingon ang prinsipe ng dilim.

Agad lumapit si Night. "Fucking losers," aniya at naiiling na pinagmasdan ang dalawa na kasalukuyang binabalot ng apoy.

"Master, protektado ng demon spell ang pintuang ito. Hindi basta-basta mabubuksan," paliwanag ni Ira na nanatili pa rin sa anyo ng babaeng alipin.

"No problem." Pinalabas ni Night ang espadang si Gula. Agad niya itong hinumpas sa pintuan pero agad nag-bounce ang espada niya at tumalsik sila pareho ni Ira sa kabilang panig ng corridor. Masyadong malakas ang kapangyarihan na bumabalot sa pinto.

Night cursed under his breath. "I mean. . . it's a problem."

***

PATULOY NA NAGLALAKBAY si Lexine sa nakaraan habang tahimik na nanonood. Hindi siya makapaniwala na naranasan ni Night ang lahat ng karumadal-dumal na bagay. Sa murang edad nito ay nasaksihan nito kung paaano walang awang kinitil ng sarili nitong ama ang ina nito. Kung kaya naman pala ganoon na lang magalit ang binata noong nakita siyang hawak-hawak ang painting. Masyadong sensitibo ang lalaki pagdating sa alaala ng ina nito.

Sumama si Alexis at Luwinda kay Lucas. Ginawang demonyo ni Lucas si Luwinda at naging kabiyak nito ang babae. Lumaki si Alexis na malayo ang loob sa ama. Ginugol niya ang lahat ng panahon upang magpalakas at magsanay sa pakikipaglaban.

Pagdating ni Alexis sa edad na labing anim na taon ay nakilala niya ang makapangyarihan demonyo na si Valac—ang dating Tagasundo. Sinabi ni Alexis kay Valac na gusto niyang maging isang makapangyarihang demonyo. Si Valac ang naging mentor ng binata sa pakikipaglaban at paghasa ng kapangyarihan.

Mula umaga hanggang gabi ay nagsasanay ang dalawa. Tinuruan siya ni Valac ng iba't ibang klase ng technique sa pag-gamit ng itim na kapangyarihan at kung paano pa niya lalong mapapalakas ang katawan at isipan. Naging mahigpit at malupit ito sa pagsasanay sa binatilyo. Ilang beses nang muntik na malagay sa panganib ang buhay ni Alexis sa mga pagkakataon na naaabuso ang katawan niya. Ngunit, likas na malakas at buo ang kanyang determinasyon. Kahit nahihirapan ay hindi siya sumuko, matapos ang limang taon at gumaling nang husto si Alexis. Hanggang sa dumating ang araw na handa na siya. Pinagkaloob ni Valac sa kanya ang kapangyarihan nito bilang Tagasundo. Doon nagsimula ang pagsilang ng makapangyarihang prinsipe ng kadiliman. Siya na ngayon ang bagong Tagasundo at mas nakilala sa pangalang "Night." Si Valac mismo ang nagbigay ng bago niyang pangalan. Dahil ayon dito, ang buong pagkatao ni Alexis ay maihahantulad sa magandang at malamig na gabi. Nababalot ng dilim ngunit nakabibighani rin.

Sa paglipas ng maraming panahon, iba't ibang nilalang ang nakasalamuha ni Night. Una niyang natagpuan ang makapangyarihang Babaylan na si Ira. Tinulungan niya ito noong panahon na sinugod ito at walang awang pinagsamantalahan ng mga bampira. Pinaslang ni Night ang lahat ng bampira. Dahil sa malaking utang na loob ay nangako si Ira na magiging tapat sa kanya habang buhay. Nagpasailalim ang babaeng babaylan sa kamay ng prinsipe ng dilim. Si Ira ang una niyang naging alipin.

Namuhay si Night sa mundo ng mag-isa at walang kahit sino ang pinapasok niya sa kanyang buhay. Si Luwinda na nagpalit sa pangalang Lilith ay tuluyang nilamon ng kadiliman nang maging isa itong demonyo. Naging malayo ang loob ni Night sa kanyang tiyahin lalo na at naging sunud-sunuran ito kay Lucas.

Umibig si Lilith kay Lucas. Paulit-ulit nitong ginamit ang kanyang katawan. Binigay ni Lilith dito ang buong puso at kaluluwa niya. Subalit isang bagay ang hindi niya kayang ipagkaloob dito.

"Wala kang silbi! Anak lang `di mo pa ako mabigyan!" malakas na sigaw ni Lucas. Pinukol nito bote ng alak sa pader at nabasag iyon.

Nagmamakaawa na lumuhod si Lilith sa harap ni Lucas. "Mahal ko, gagawin ko ang lahat. Lalapit ako sa mga magagaling na babaylan. Matutulungan nila tayong magka-anak."

Mapait na humalakhak si Lucas. "Noon mo pa sinasabi sa `kin `yan, Lilith. Pero ano? Walang nagyayari at kahit ang sutil mong pamangkin hindi mo mapasunod. Anong klaseng tiyahin ka?"

Nagdilim ang mukha ni Lilith. Lumaking malayo ang loob ni Night sa kanya. Hindi ito sumusunod sa kanya lalo na sa Ama nito. Higit pa na naging sutil ang prinsipe ng kadiliman simula nang makuha nito ang kapangyarihan bilang bagong Tagasundo.

"Mabuti pa si Eleanor, nabigyan ako ng anak. Eh, ikaw? Walang kang silbi! Dapat si Eleanor na lang ang binuhay ko. Di hamak na mas napaliligaya naman niya ako sa kama."

Tinusok ang dibdib ni Lilith sa narinig. Iniwan siya ni Lucas na mag-isa sa silid. Labis na galit at sakit ang nararamdaman niya sa mga sandaling iyon. Noon pa man ay alam na niyang katawan lang ang habol sa kanya ng hari ng kadiliman. Dahil ang totoong mahal nito ay si Eleanor. Maraming pagkakataon na ang pangalan ng kapatid niya ang binabanggit nito sa tuwing nagsisiping sila. Isang bagay na kinaiingit niya ng lubos.

Patay na si Eleanor, siya ang nandito at nagsisilbi rito pero bakit hindi siya nito nakikita? Gusto ni Lucas na magkaroon sila ng panibagong anak nang sa ganoon ay ito ang magpapalaki sa bata at mapapasunod nila ito. Sa kasamaan palad ay hindi niya ito mabigyan ng supling.

"Hindi ka na kailanman magkakaroon ng anak kamahalan sapagkat simula nang nagpasakop ka upang maging demonyo ay tuluyan nang nasira ang kakayahan ng katawan mo upang bumuo ng supling," paliwanag ng matandang babaylan.

Nagwawala sa galit si Lilith. Sinira niya ang lahat ng mga bagay na kanyang nahawakan. Nawasak ang mga kasangkapan sa maliit na tahanan ng babaylan.

"Hindi! Hindi pwede! Kailangan kong mabigyan ng anak si Lucas! Iyon lang ang tanging paraan para tuluyan niya akong mahalin."

Nanginginig sa takot ang Babaylan. "Ngunit, k-kamahalan, m-may isa pang paraan," anito.

Lumingon siya pabalik sa matandang uugod-ugod at amoy lupa. "Ano? Sabihin mo!"

"Kung maibabalik mo ang katawang tao mo ay maaari kang makabuo ng bata."

Mapakla siyang tumawa. "Edi gawin mo na ngayon! Ibalik mo ang katawang tao ko!"

"Ipagpamaumanhin mo kamahalan ngunit walang kahit sinong babaylan sa mundong ito ang makakagawa ng nais mo. Sa oras na nagpasailalim ka na sa kadiliman ay kailanman hindi ka na nito lulubayan."

Nanggagalaiti na sinakal ni Lilith ang babaylan. "Tinatarantado mo ba `ko!? Bakit mo pa sinasabi sa `kin ang bagay na `yan kung wala naman palang kayang gumawa! Wala kang silbi! Papatayin na lang kita!"

Binuka niya ang isang kamay at pinalibutan iyon ng itim na usok. Nag-form ang usok sa itim na ahas. Lumapit ang alaga niya sa mukha ng matanda at nakahanda na itong manuklaw.

"S-sandali kamahalan may isa pang solusyon!"

Natigilan si Lilith. "Sabihin mo at naiinip na ako." Nanliliit ang mala pusa niyang mga mata.

"Ang p-propesiya."

Napakunot ang noo niya. "Anung propesiya?"

Pinakawalan niya ang leeg ng babaylan. Habol-habol nito ang hininga habang nakahawak sa leeg nito na halos baliin na niya. Umayos ito ng upo at natulala sa kawalan habang binabalikan ang nakaraan.

"Ayon sa isang propesiya. Ipapanganak ang isang babaeng itinakda. Ang babaeng ito ang magsisilang ng panibagong Nephilim."

"Nepihilim? Matagal nang walang Nephilim sa mundong ito," wika niya.

"Subalit isang natatanggi at bawal na pag-ibig ang uusbong. Isang makapangyarihan nilalang mula sa liwanag ang iibig sa itinakdang babae. Magbubunga ang kanilang pagmamahalan at ipapanganak ang panibagong Nephilim. Ang sanggol na ito ay magtataglay ng isang natatanging kapangyarihan at magkakaroon ng malaking papel sa mundong ito. Maari mo siyang magamit upang maisakatuparan ang mga plano mo."

Sumilay ang magandang ngiti sa labi ni Lilith. "Kung ganoon, hindi na `ko makapag-antay na ipanganak ang panibagong Nephilim."


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C103
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login