(Sean POV)
Abala itong kumuha ng glue ata. Tinitignan niya ang price tag, at kinukumpara sa iba.
"Mister this is a low-quality glue kahit nga po mura lang." He is talking to me. Wow, tinuruan ba sila ni Sena na makipagdaldalan sa mga taong di naman sila kilala. I know they are cute at walang makakatangi sa kanila. But it makes their safety in risk.
Sena, wag mong sasabihin na hinayaan mong mamana nila ang ugali mong magpapasakit ng ulo ko ng husto. Hindi ka na nag-iisa ngayon, kundi… apat na talaga kayo.
"This one Mister, if your looking for a good quality, though it was expensive." Ngunit napangiti ako sa kanya. He was talking to his Dad na di niya alam. His sweet voice. Naupo ako para nga maging kalevel ko lang ang taas nito. Nagkatitigan kami mata sa mata.