@International_Pen
((( SENA )))
"Thank you sa gift na yan Sean… kung ano man yan. Hehehe. Byeiii!"
"In Ten Minutes!"
"Yep.."
Sabay tingin niya sa wrist watch niya. Kaya napatakbo na ako. Nakasunod si George sa akin, pero pinaki-usapan ko na five meters away. Baka kasi bukingin niya ang regalo ni Elaine para sa kapatid niya.
Gusto ni Elaine ng Scarf para sa kapatid niya. Itatangi ko ba? Yung parang sa Team kawayan, para ala Korean ang dating. Thank you Bamboo at pina-uso mo ito.
Bakit ba Scarf ang gustong iregalo ni Elaine? Lagi naman naka Business Suite si Sean, pero nga may style siya.
Dahil Ten minutes lang… kumuha na ako ng belt para kay kuya, wow, may kamahalan din… at isang set na pormal attire para sa kanya… in case na may ligawan si Kuya… saka naman sapatos para kay Tolits. Ayan…
Nang… ang haba ng pila!