@international_Pen
((( LUIS )))
Nang sinipa na nga ni Elaine palabas kami… naunang naglakad sila Sena at Sean sa akin. Sa ganito bang Angulo malungkot akong tignan? Dahil wala akong kasama?
Sila pa lang ngang tatlo sakit na sa ulo… magdadagdag pa ako ng Isa? No way!
Pero masaya ako kay Sean… na parang gumaganda na ang takbo ng buhay niya. Lalo na naging positibo nang malaman niyang kapatid niya si Elaine. Haist… ako na lang ata ang walang kakampi dito.
Ahem… pero sa gwapo kong to… di ko kailangan maghanap. Nakakapaghintay ako.
Papasok na ako ng silid ko para magpahinga na… dahil sa wakas makakatulog din ako ng matiwasay. Nang may tumawag sa akin… at ang kawawa ko ngang sekretarya na kahit anong gawin ko na pagtataboy noon sa kanya.. heto parin siya. Nakaka-amoy na ako sa totoo lang kay Josh… bakla ba to?
" Sir luis… nagawa ko na ng maaos yung pinaplano niyo."
"huh?"