@International_Pen
((( SENA )))
"Aching!" Yun ang bati ko sa buong mundo ng magising ako. Mabigat ang ulo ko na parang may init at lamig sa katawan ko. Kapag nagsalubungan nga ang init at lamig… kulog ang i-uuwi niyan sa atin.
Bago ako bumangon,napalingon ako sa katabi ko. Sarap na sarap ang tulog dahil nakayakap ito sa akin. Inalis ko kamay niya… pero bumalik ulit. Kaya kinuha ko yung unan ko… saka yun ang pinayakap ko sa kanya. Sorry kung may amoy laway, akin naman yan Sean eh…. kung trip mo nga akong yakapin.
Saka nga ako tumakbo na ng banyo.
Pagbalik ko… arap kumuha ng pang video… nang umibabaw si Sean sa unan … ahahaha… ano ginagawa ng lalaking to?... Tulog na parang… napakamot ako. Pero mabuti na nga bumangon na ako… bago pa man magising ang kalandian niya. Ganito ba Baby ginawa namin ikaw? May sinasabi si Sean… habang niayayapos niya yung unan na may kalakihan talaga eh…
Nang may bumukas ng pinto… sila Cecile!