@International_Pen
((( SEAN )))
Di ko mapigilan ang sarili ko… na kahit paano, silipin siya. Umakyat ako… At may dalawang bantay sa pintuan ng silid niya. Nakuha nila kaagad ang ibig sabihin ng titig ko. Binuksan nila… at nang pumasok ako… Dim ang liwanag ng silid dahil sa mga ilaw na nakapaligid sa labas. Hinakbang ko ang aking paa… papunta sa higaan… ngunit naalarma ako na wala si Sena. Wala rin liwanag na nangagaling sa banyo. Ngunit sinubukan ko paring tignan… wala siya. Lumabas ako.
"Nasaan siya?"
"Master Sean…" na ang mukha nila tanong na parang di alam ang ibig sabihin ko.
"Wala siya sa loob."
Kaya napapasok sila. Pinailawan nila ang buong silid… wala siya.
"Master Sean, simula ng pumasok si Miss Sena, hindi na siya lumabas pa."
"…" magsasalita na sana ako ng may naninag ako sa labas ng Terrace. Bukas ito… kaya nagmadali akong pumunta…