@ International_Pen
((( SENA )))
Nang magising ako… napaunat ako ng kamay ko. Babangon na sana ako ng… Nay ko po… hubad si ako… at napatakip ako ng kumot… Paglingon ko sa tabi… Si Sean na tulog na tulog… hubad din siya. At naalala ko nga yung kagabi.
Anong nangyari at nauwi kami sa ganito. Nagkalat yung damit namin sa sahig at parang wala nang oras si Sean na bumangon para ayusin ang mga yun. Nang may humila sa akin pabalik. Niyakap ako na parang unan… inamoy ang aking buhok…
" Sean… anong ginawa mo kagabi?"
"… gusto mo detalye kong ikwento?"
Masasapak ko talaga ang lalaking to.
Pinakiramdaman ko na lamang siya sa tabi ko. Hangang sa di ko namalayan… nakatulog ulit ako.