@ International_Pen
((( JANINE )))
Ganito ba talaga ang mga Madrid? Si Aaron… ganito din ba siya? Inaangkin ang di sa kanila? Makukuha ang gusto nila dahil sa pananakot ng kapangyarihan nila na impluwensya nila sa lipunan?
Nang umagang yun, hinatid niya ako sa hospital… saka lumisan din kaagad. Ngunit naiwan ang sekretarya niya para sa akin. Halata ko rin ang dalawang lalaki na naka-unipormeng iniwan para sa akin.
Tanging sinunud ko lang ang nasi nila, wala akong reklamo dahil wala silang gagawin sa mag-ama ko kung mananatili akong ganito. Sa tingin, maaring magbago pa ang isipan ng Elder.