@ International_Pen
((( SEAN )))
Umakyat na nga ang asawa ko na parang bata ang attitude. Tsk. Haist, saan ko kaya talaga napulot ang babaing yun.
" Kung ganoon ipaliwanag niyo sa akin kung bakit ginugulo tayo ng Pamilyang Madrid na yan!" naubuhos ko bigala ang timping naipon sa akin. Kagabi pa ito… tungkol kay Luis.
Hindi makapag salita ang dalawa.
" Sa tanong na yan tayo magsisimula. Bakit?"
" Aaron, hindi rin namin alam kung ano ang dahilan nila." Yun ang isinagot ng aking ama na napatitig naman ako sa aking Ina.
" Wala rin akong alam Sean, anak. Sa totoo lang, alam ito ng iyong ama kung bakit ako umalis. Tinakot nila ako na maari nilang patayin kayo."
" Yeah, I heard that already. Natakot naman kayo? Nadala naman kayo sa pananakot na yan."
" Sean, Kaya ko yun nagawa dahil, kailangan. Ayoko kayong mawala. Saka sa ginawa kong yun… kaya ko kayo protektahan. Di ko inaasahan na magkakaganito ka."