@ International_Pen
((( SEAN )))
Sinalubong ako ng personal kong katulong, Ibinigay sa akin ang pinapakuha ko. Magulang ni Sena, na si George mismo ang pinakilos ko para alamin ang family Background nila. Kamukha ni Sena ang kanyang Ina. Kailangan ito makita ng aking ama… na ngayon naghihintay sa pagkikita nila muli ng kanyang asawa.
Tignan nga natin kung may kinalaman ba ang mga bagay na ito tungkol sa aking panaginip.
Umakyat na ako ng aming silid.
Wala akong Sena na nadatnan sa higaan kundi nagkakagulo sa loob ng banyo. Nang makita ako ng mga katulong, agad nila ako binigyan ng daan… at meron ding doctor.
Si Sena nagsusuka… at napapaiyak sa di ko maintindihan kung bakit ganito kagulo ang babaing to.
Napatitig siya sa akin habang nakaalalay sa kanya si Cecile. Saka muli na namang nasuka.
Lumapit sa akin yung Doctor… may kailangan ba akong ipag-alala?
" Master Sean, Morning sickness at natural na po yan."