@ International_Pen
((( Sena )))
Alam mo baby, pinakamaswerte sa mundong to… tayong dalawa na ata. Ayan si Daddy na walang bisyo sa buhay. Medyo adik nga lang magpaka-kamkam ng kayamanan sa mundong ito. Pero ang importante binabayaran niya yung tax at higit sa lahat marami ang nabibigyan niyang trabaho. Kaya naman alam kong maraming gustong gusto makapasok sa company ni Daddy. Iwas nga lang sakit sa ulo… dahil wala yang pasensya.
Kinuha ko yung isang Tissue at ako itong nagpunas ng pawis na namumuo sa noo niya. Hirap magpaka daddy no Sean? Pero thank you talaga… since ikaw itong nagmamahal ng ganito sa amin. Never ka sumuko…
" Yan lang. Nakalimutan na ng isa dyan ang tatay niya."
" Kailangan ba kita subuan?"
Tanong ni Sean.
" Hindi. Nilalangam na kasi ako dito. Haist." At gagong Sean tinignan nga yung ilalim ng mesa.
Natawa ako bigla. May isa pala dito na di marunong sa idiomatic expression.