@ International_Pen
((( SENA )))
Di ko namalayan… tumulo yung mga luha ko. Nagkaroon na ko ng lakas na loob na tumayo… at pasamantala atang kausapin ang sarili ko. Heto nga diba… tuluyang mawawalan ako ng kwenta kay Sean. At di na nga ako hinabol ni Sean… tinwag man lang para pag-usapan nga ang bagay na ito. Kahit ata siya, walang lakas na loob na harapin ito.
Di ako umakyat ng silid namin ni Sean… dahil di ko namalayan kung saan ako dinala ng aking paa… Nang mapagod ako. Naitukod ko ang aking kamay sa isang kahoy… tuluyang napaluhod doon at naiyak.
Hindi lang ito sa akin masakit… lalo na sa kanya. Aanihin niya ako kung di ko man lang maibigay ang gusto niya. Anong pakinabang ko sa kanya… wala na nga akong kwenta. Walang-wala na.
Anong binabalak ni Sean sa nalaman niyang ito… at ikaw Sena anong balak mo?
Ang swerte ko no? At ano to ngayon…
" Sena…"