@ International_Pen
((( SENA )))
Ako ata itong huling nakaalam na nakauwi na si Sean… Dahil pag-gising ko… halos magulat ako sa katabi ko. Si Sean, at malalim ang tulog niya. Quite Sena. Pagod yung tao… Namiss mo no?. Kaya napaharap ako sa kanya… pinagmasdan siya. Oy panaginip! Wag mong sasabihing panaginip to!Kaya lang parang di nakapag-bihis si Sean… at agad siyang tatanda nito kapag walang proper grooming bago matulog. Wala na ba talaga siyang oras? Kawawa naman ang asawa kong to. Andito lang ako Sean. Nang maalala ko, yung nangyari noong isang linggo. Yinakap siya ni Chelsea. Pero lagi na lang kahit saan kami magpunta parating may Chelsea na nakabuntot sa amin, susulpot na parang kabute, kung bakit ba napapasulpot na lang. Kabuteng Canang yun. Sa kabuti ata talaga pinaglihi. Yung tipong nakakalason.Tss...