Download App
85.71% Friendly / Chapter 12: Not Going

Chapter 12: Not Going

Halos itapon ko na 'yung hawak ko ng bote ng tubig habang umiiyak ako. Hamahagulhol na nga ako sa iyak eh. Hindi ko alam kung paano ito titigilin kasi sobrang gusto talagang makawala ng luha ko sa mata ko ngayon.

"Joan?"

Bigla kong pinahid ang luha ko at tumigil sa kakaiyak ko ng biglang tawagin ako ni Althea. Tumalikod ako sa kanya at pinahid ang luha ko bago ako humarap sa kanya. "B-bakit?" sabi ko sa kanya at may pasinghot-singhot pa akong nalalaman.

"Oh? Bakit ka umiiyak? Sino nag-away sa 'yo?" tanong niya sa akin na nag-aalala.

"Wala. Napuwing lang ako," sabi ko sa kanya.

"Ano'ng napuwing ka diyan!? Umiiyak ka eh! Bakit ba? Sabihin mo na kasi kung bakit. Parang hindi mo ako pinsan eh." sabi niya sa akin.

"S-si Ethan," paunang salita ko sa kanya. "...sila na ni Jenny Mae." tapos tuluyan na ulit akong umiyak. Tinakpan ko ang mukha ko ng dalawa kong kamay habang umiiyak na naman ako.

Naramdaman ko naman na hinahagod ako ni Althea sa likuran ko. "Tama na yan. Magiging okay rin 'yan." sabi niya sa akin. Tumingin ako sa kanya bigla.

"Hindi magiging okay 'yun para sa akin. Kasi dito," tinuro ko ang puso ko. "...dito sa puso ko, m-masakit eh. G-ganito pala ang feeling kapag nasasaktan. Nasa first level pa lang ako ah. Paano na lang kaya kung nasa final level na ako sa lovelife ko."

Ang ibig kong sabihin sa first level ay 'yung level na kung saan nandoon pa ako sa part ng pagseselos. 'Yung final level naman ay 'yun 'yung kapag in relationship na ako at biglang naghiwalay. Kung may lovelife ka kasi hula ko may mga stages or levels 'yan eh. Kaya pala mahirap magmahal kasi first level pa lang, basag na ako. Paano na lang kaya kung nasa fina level na ako diba.

"Shh, tama na yan. Nandito ako. Huwag mo na kasi isipin pa si Ethan. Maghihiwalay rin 'yun, tignan mo." sabi pa ni Althea sa akin para gumaan ang loob ko. Sira ulo rin itong pinsan ko eh 'no!

"Hindi ko kinaya, Althea. Hindi ko kinaya." umiiyak na sabi ko sa kanya tapos naramdaman ko na biglang niyakap ako ni Althea.

"Shh, okay lang yan. Tama na. Alam mo, sayaw na lang tayo. Makakalimutan mo rin yan." sabi pa niya sa akin pero hindi ako pumayag.

"Ayoko. Makikita ko pa siya doon." sabi ko sa kanya.

"Joan, magiging maayos rin ang lahat. Kalimutan mo na lang muna si Ethan. Kalimutan mo ang lahat na nalaman mo ngayon. Makaka-move on ka rin, okay." advice niya sa akin habang nakatingin ako sa kanya sabay nag-nod ako sa sinabi niya. Tapos bigla na naman niya akong niyakap para i-comfort ako.

* * *

Five days had passed pagkatapos ng Acquaintance Party na nangyari noong Friday night, hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na sila na ni Jenny Mae.

Sabi ni Althea sa akin na makaka-move on rin ako pero kahit ano'ng gawin kong move on, naaalala ko pa rin siya at naiiyak ako kapag nagkataon.

Sa school, lagi ko siyang nakikita. Nilalapitan niya nga ako eh pero ako naman itong umiiwas sa kanya. Minsan kinakausap niya ako pero ako na itong unang magdadahilan para maputol na ang pag-uusap namin dalawa. Paano naman ako makaka-move on sa kanya kung lagi ko siyang nakaka-usap at nakikita diba.

Atsaka, I realized na para rin akong tanga sa sarili ko. Bakit kailangan ko pang mag-move on kung hindi naman kami nagka-ON! Diba!? Wala ngang kami eh! Ehh bakit ako nagmo-move on ngayon!?

Tsk. Pero kahit na, gusto ko talaga siya kalimutan muna eh. Magpakasaya muna siya sa girlfriend niya na si Jenny Mae habang ako ay malungkot at nagpapalimot sa kanya.

Five days ko na siyang hindi nakikita at feeling ko mukhang masaya naman siya ngayon. Good to him diba.

Minsan nasasaktan talaga ako pero ginagawa ko naman busy ang sarili ko sa mga studies ko kasi malapit na rin ang 1st Quarter Test namin at kailangan kong magpursige para makapasa sa exam.

Sa three days na hindi ko siya pinansin noong school days, wala na rin akong contact sa kanya. Ni hindi na rin ako nagcha-chat sa kanya at katulad ko rin, hindi na rin siya nagcha-chat sa akin. Kapag online siya, ini-expect ko talaga na magcha-chat siya sa akin pero wala talaga. Siguro ka-chat niya si Jenny Mae kaya hindi na niya ako nacha-chat.

Sa school, nagkikita rin kami. Ayun nga, pinapansin niya ako pero hindi ko naman siya pinapansin. Umiiwas kaagad sa mga tingin niya kapag nandiyan siya.

Sa three days ring iyun, ako lang palagi ang kumakain sa canteen. Wala akong kasama, wala akong karamay. Kung si Althea naman ang kasama ko eh hindi ko talaga sila makakasama kasi hindi sila palagi kumakain sa canteen eh. Ewan ko ba kung bakit. Ganyan naman palagi eh kaya nasanay na ako sa pinsan ko.

Sa three days rin iyun, wala rin akong natanggap na sulat galing kay Lyle Spencer. Ewan ko rin kung bakit pero matagal na talaga siyang hindi nagpapadala ng sulat sa akin simula noong nagsimula ang Intramurals. Alam niyo, namimiss ko rin 'yung mga letters niya para sa akin. Nakakagaan kasi ng loob kapag binabasa mo ito.

Kaya nga nag-aalala na ako doon sa Lyle Spencer na iyon eh kasi baka katulad rin kay Ethan, nagbago na siya. Huwag naman sana diba!

Sa ngayon, nasa classroom ako. Kumakain ako ng cheese burger na binili ko doon sa canteen kasi breaktime namin ngayon ng biglang may isang lalaki ang tumawag sa akin at nakita ko naman siya na nasa tapat lang siya ng bintana. Nakita ko si Ethan 'yung tumatawag sa akin.

Napatingin ako sa kanya at nagtataka na nagtanong kung bakit. "Bakit nandiyan ka?"

"Wala lang. Gusto lang kita makita." sabi niya sa akin.

Inirapan ko siya. Iniwas ko na ang tingin ko sa kanya at ipinagpatuloy na lamang ang pagkain ko ng cheese burger ko. Maya maya bigla na naman siyang nagsalita. "Punta ka sa sabado sa amin ah."

Napatingin naman ako sa kanya. "Huh? Ano'ng meron?"

"Tsk, kakasabi ko lang sa 'yo noong friday tapos ngayon nakalimutan mo na. Birthday ko, punta ka ah. Kakain tayo." sabi niya sa akin na napaka-seryoso.

"Ayoko."

"Huh? Bakit?"

"Basta."

"Bahala ka basta i-invite kita sa birthday ko. Mage-expect ako na pupunta ka kasi... m-may sasabihin ako sa iyo."

Hindi na naman ako nagsalita pa. Kumakain lang ako doon habang pinapakinggan ko siya. Pagkatapos ay bigla siyang umalis ng walang paalam. Ano ang problema ng lalaking iyun? Bakit parang himala naman na hindi niya kasama ang girlfriend niya ngayon? Kapag breaktime kasi ay nakikita ko na palagi silang magkasama. Baka naman absent si Jenny Mae ngayon.

Atsaka kanina, napaka-seryoso ng mukha niya. Hindi ko alam kung bakit pero ngayon ko lang talaga siya nakita na naging seryoso ang mukha niya.

Aish, ewan ko ba doon sa lalaking iyun. Bahala siya. Kahit ano'ng pilit niya sa akin na i-invite sa birthday niya, hindi ako pupunta. Bahala siya'ng mag-expect, siya rin naman ang masasaktan diba.

Mga ilang minuto pa lang ay time na. Nagsibalikan na naman ang mga classmate ko sa room at dumating na naman ang teacher namin. Nagsimula na kaming mag-klase ngayon. Habang nagdi-discuss ang teacher namin ng new lesson, sobrang lutang ko masyado sa klase kasi may iniisip ako sa ngayon.

Sabi ni Ethan sa akin may sasabihin daw siya sa akin sa birthday niya. Ano kaya 'yun?

* * *

Araw ng sabado...

Hindi pa rin ako nakakapagdesisyon kung pupunta ba ako sa bahay nila Ethan para mag-celebrate ng birthday niya. Pupunta ba ako o hindi?

Kasi kung pupunta ako doon, baka makita ko 'yung girlfriend niya na si Jenny Mae. For sure nandoon 'yun kasi nga girlfriend niya 'yun.

At for sure rin na kapag nakita ko silang dalawa, baka atakihin na naman ako ng selos nito. Ehh ayoko na talagang masaktan. Sawa na ako! Sawa na akong umiyak ng dahil sa kanila.

Kaya this is my final decision, HINDI AKO PUPUNTA! BAHALA SILA! HAPPY BIRTHDAY NA LANG SA KANYA NGAYON!

Habang nakahiga ako ngayon sa kama ko, biglang pumasok si Althea sa kwarto ko na bihis na bihis na. "Oh, eh bakit hindi ka pa nagbibihis diyan? Magbihis ka na at hinihintay na tayo ni Ethan sa kanila."

"Ayoko pumunta. Ikaw na lang," matamlay kong sabi sa kanya. Naramdaman ko naman na lumapit siya sa akin at umupo doon sa kama ko habang nakatalikod akong nakahiga sa kama ko.

"Bakit ayaw mong pumunta? Ano'ng meron?"

"Pagod ako. Masama ang pakiramdam ko. Meron pa ako ngayon." pagdadahilan ko sa kanya kahit ang totoo ay wala naman talaga akong regla ngayon.

"Sayang! Marami pa naman sanang handa. Oh siya, sasabihin ko na lang kay Ethan na hindi ka makakapunta. Diyan ka na. Babye." paalam niya sa akin at lumabas na naman siya sa kwarto ko.

Pagkalabas niya ay doon naman ako umayos sa pagkakahiga. Tumingin ako sa kisame at nagbuntong hininga. May kung ano'ng bagay kasi na gusto akong idala para ipapunta sa bahay nila Ethan ngayon. Pero meron din naman na ano'ng bagay ang pumipigil sa akin na huwag pumunta doon. Aish, yun na nga diba. Yun na ang final decision ko. HINDI AKO PUPUNTA! HINDI AKO PUPUNTA!

Dahil sa sobrang frustration ko, ginulo ko ang buhok ko at nagtabon ng unan para matulog. HINDI NGA AKO PUPUNTA DOON EH! ANO BA!


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C12
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login