Download App
75% Carving History / Chapter 12: Kabanata Sampu

Chapter 12: Kabanata Sampu

Nagpaalam muna kami kay ma ma na pupunta kami kina Lolo Pablo. Mabuti na lamang at pumayag si ma ma. Sabi niya'y 'wag lang akong magtagal o magabihan.

'Di pa kami nakakalapit sa bahay nila Lolo Pablo ay may naririnig na kaming halakhak ng pamilyar na babae. I tried to recall the owner and it was too late for me to realise it was from Ate Marianne.

Ate Marianne. She's here. Ibig sabihin, hanggang ngayon ay girlfriend pa rin siya ni Kuya Gilau.

But I thought that was three years ago. Paano nila napagtibay ang kanilang relasyon? Katulad lang din ba 'yon sa pagkakaibigan namin ni Tzu En?

"Totoo, lo!" Boses ni Ate Marianne iyon na sinundan ng mahinang tawa. "Dapat po talaga si Gillaume ang mananalo. Kaso hindi."

"Solaire?" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na 'yon. Nakita ko kaagad si Kuya Gilau na naka white sando, boxer short at tsinelas. Napuna ko rin ang pananahimik ng tao sa loob ng bahay.

"O, Kuya Gilau!" Si Philia ang bumati. Lumapit naman sa amin si Kuya Gilau nang nakangiti. "Dadalawin lang namin si Lolo Pablo."

"Ah, sige. Pasok kayo. Nandoon din ang Ate Marianne niyo."

"Sige, kuya!" Maligayang sagot ni Philia. Tipid na ngiti naman ang isinukli ko.

Pumasok kami sa loob. Nasa pintuan pa lang kami ay nakita na namin si Lolo Pablo na nakaupo sa kanyang wheel chair. Katabi niya si Ate Marianne na nakaupo sa kahoy na upuan.

"Hello!" Ate Marianne greeted with a friendly smile.

"Hi, ate! Napadalaw ka rito?" Si Philia ang kumausap.

She changed a bit. Hanggang baywang na ang kanyang tuwid na buhok. Pantay ang morena niyang balat. Her eyes, still nangungusap and her lips, they were in a shade of red. Natural na pula. At ang kanyang katawan, her curves were in perfect places. Kulang nalang ay iisipin kong isa siyang modelo. Maganda siya! Tapos napakabait pa.

Maayos ang pananamit niya ngayon, 'di kagaya noong una kong kita sa kanya. Isang puting manipis na damit at shorts na hanggang tuhod ang haba.

"Ah, sinamahan ko lang si Lolo Pablo," sagot ni ate. "Wala rin naman akong magawa sa bahay dahil tinapos ko na kahapon kaya dumito muna ako. Busy si Gillaume kaya walang magbabantay kay Lolo Pablo."

Siguro closed na sila ni Lolo Pablo. Kasi sa loob ng ilang taon kong wala, sigurado akong lagi siya rito. Lagi silang nag-uusap ni Lolo Pablo.

"Mabuti naman kung ganoon, ate. Si Solaire pala nandito kasi bibisitahin namin si Lolo Pablo."

Saka lang ako natauhan nang narinig ko ang pangalan ko. Nagmano ako kay Lolo Pablo at tipid na ngumiti kay Ate Marianne. Maganda talaga siya at kung ako si Kuya Gilau, 'di ako magsasawa na titigan ang babaeng pinakamamahal ko.

"Where's Kuya Saturnine?" I asked.

Halos 'di ko na nakikita si Kuya Saturnine. Nasaan kaya siya ngayon?

"Lumuwas ng Maynila, apo. Nagtatrabaho na 'yon doon." Si Lolo Pablo ang sumagot.

"Talaga po, lo? Anong trabaho niya roon?"

"'Di niya sinasabi sa amin, apo. Pero nakikita ko namang marangal. Umuuwi siya rito katapusan ng buwan. Maaabutan mo pa 'yon."

Napaisip ako sa narinig ko. Katapusan ng buwan ay uuwi si Kuya Saturnine dito. Malapit na rin dahil third week na ngayon ng April.

"Ah sige po, lo." Sagot ko. Wala na akong ibang maisip na sasabihin.

We stayed for an hour until I decided to go home. 'Di tumutol si Philia sa gusto kong mangyari kahit pa namimilit si Ate Marianne na mag-stay muna kami. Sabi ko'y kailangan ko ng magpahinga dahil galing pa ako sa flight. In the end, wala silang nagawa kung 'di ang payagan akong umalis.

"I'm glad you're home, sweety," bungad ni ma ma sa 'kin nang makita ako. Nagtaka pa ako sa una pero nang nakita kong may hawak siyang cellphone, I immediately assumed it's all about Tzu En. "Mr. Huang called again and he told me Tzu En will talk to you later."

"At what exact time, Ma?" I asked immediately. Gustong gusto ko ng makausap si Tzu En. Gusto kong makasiguro na maayos na talaga ang kalagayan niya.

"Around eight, sweety." Tanging sagot niya. Tumango nalang ako at pumasok sa loob ng kwarto. I was tired. Sobrang bigat ng katawan ko.

I fluttered my eyes open when someone woke me up. Ang imahe ni ma ma ang bumungad sa akin. She's holding a phone na may tumatawag sa kabilang linya. Nang rumihistro sa akin na tatawag si Tzu En ay nagising ang diwa ko. Bumangon kaagad ako.

"Tzu En..." ma ma said and handed me the phone. Nagkusot ako ng mata saka tinanggap ang telepono.

"Tzu En?" I called. Isang buntong hininga ang natanggap ko mula sa kabilang linya.

"I'll just leave you here, sweety," ani ma ma at hinalikan ako sa noo. And I smiled at her. Tumayo siya at lumabas ng kwarto.

"Tzu En?" I called again. There was a sob from the other line. It was too late for me to realise he was crying. "What's wrong, Tzu En? Tell me what's wrong."

"We left Shanghai, we left Beijing. I'm sorry I left, Lian Wan. I didn't know how things happened. Our men took me from you." His voice broke.

"Shsh," I shushed him down. "It's okay, Tzu En. I understand. I just hope you're safe. I miss you already."

Nalulungkot ako ngayon. I want to hug Tzu En. I want to assure him everything is fine. Na ayos lang ako rito sa Romblon kaya sana ayos lang din siya kung nasaan man siya ngayon. All I think right now is him. I want to be by his side pero ang layo ko sa kanya. Ang layo niya sa 'kin.

"I miss you more, Lian Wan. I wish I can stay by yourside but I can't." Then he sobbed. My heart crumpled upon hearing those whimpers.

"We'll meet again, Tzu En. I promise you that," I said.

Sana dumating 'yong araw na makita ko siya nang harap-harapan. Iyong sigurado talaga akong humihinga siya. Na kita ko 'yong ngiti niya. Iyong kinang sa kanyang mga mata.

"I'll hold on to that, Lian Wan. I miss you so much. I wish I can fly to wherever you are now. Sadly, I have to live somewhere else."

"Ma ma told me you're in Chengdu. Do you have any relatives there?"

Chengdu is quite far from Beijing and Shanghai. Wala naman akong alam na may kamag-anak siya roon.

"None, Lian Wan. And it's the safest place Papa can think of. People don't know about us."

"Okay, Tzu En. Keep safe, okay? Call me anytime."

"I will, Lian Wan... for you I will. But for now, I'll take a rest. I'm tired." He sighed.

"Sure. You rest now. Have a sweet dreams, Tzu En. Keep safe. Worry less about things. It's gonna be fine."

"Tai xiexie le, Lian Wan. Wufa yong yanyu lai xingrong wo dui ni de ai ." (Thank you so much, Lian Wan. Words can't describe my love for you.)

I smiled bitterly. There was a pang in my chest as he completed his line. It was utterly overwhelming. Mixed emotion.

"Goodnight, Tzu En. Ni dui wo eryan ruci zhongyao." (You mean so much to me.)

I sighed heavily as I ended up our call. 'Di ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. I didn't even know how to react. Pakiramdam ko'y habang tumatagal, mas lalong lumalalim 'yong pagmamahal niya sa 'kin. 'Di ko naman kayang suklian dahil bukod sa kaibigan ko siya, wala pa sa isip ko ang bagay na 'yan.

Matapos ang tawag ay pumasok muli sa loob si ma ma. She looked worried and questioning at the same time. Tipid na ngiti ang iginawad ko sa kanya at ibinalik sa kanya ang cellphone.

"How's Tzu En, sweety?" She asked and sat next to me. Nag-aalala ang kanyang mata.

"He's fine now, Ma. Nagpapahinga na."

She smiled bitterly. "That's good to hear. Ikaw, magpahinga ka na rin. It's getting late."

"Okay, Ma." I said at humikab. She smiled and kissed my forehead. Humiga ako sa kama at kinumutan niya kaagad ako. 'Di namin kailangan ng electric fan dahil mahangin sa labas at nakabukas naman ang ibang bintana. Ang kailangan lang ay insect repellent.

Kinabukasan ay nagising ako nang tanghali. Napasarap ang pagtulog ko lalo na't wala ng gumagambala sa isipan ko. Kampante na ako ngayon na nasa mabuting kalagayan si Tzu En.

Pagkalabas ko ng kwarto ay nakita ko sa sala si Lola Tharri na abala sa pag-uukit. Biglang nabuhay ang interes ko sa ganoong bagay. I almost forgot about it.

"La!" Sambit ko at lumapit sa kanya. Huminto siya sa pag-uukit para harapin ako, then she smiled at me. "You're carving, la?" I asked and sat next to her.

"Yes, apo. Do you want to try it?"

I froze for awhile. I was thinking if I'll give it a try. Pero dahil iyon ang udyok ng puso ko, tumango ako kay Lola Tharri saka ngumiti nang malawak.

"Be careful in using this V-chisel," she started. Maingat niyang pinahawak sa akin ang tool. "This might cut your hand if you don't handle it with care."

Every word she said was kept in my mind. I focused on it. Lalo pa't matagal ko ng interes ito.

Itinuro ni Lola Tharri sa akin ang tamang paghawak ng V-chisel. Ang isang kamay ay sa handle, ang isa ay sa bakal mismo. It's like it was made for the hand. Sa dulo nito ay V shape. Matalas at medyo nakakatakot para sa 'kin.

Habang nakadikit ang dulo ng V chisel sa kahoy ay nakadikit din 'yong isang palad ng kamay ko roon, silbing suporta.

"Keep the side of your palm touched to the wood so it will keep your movement controlled." Ani Lola Tharri at huminto kami sa pag-uukit. I looked straight at her dark brown eyes. "You gotta have a control of everything you do, Solaire. It's very essential. You cannot finish anything without it. You'll always commit the same mistake."

Nanatili ang mata ko kay Lola Tharri. Kung sa ngayon ay 'di ko pa lubusang maintindihan ang sinasabi niya, maybe at some time. Iyong ako na mismo sa sarili ko ang gagawa.

"How did you learn this thing, lola? May nagturo rin ba sa 'yo nito or namana mo sa pamilya mo?"

Kasi si Kuya Gilau, impluwensya ng pamilya niya 'yon. Maliit nilang negosyo ang paggawa ng mga muwebles na yari sa kahoy.

"I learned it from my late husband." She replied with a smile. May kakaibang kinang sa kanyang mata. "He's doing a woodcarve, too. Magaling siya. Pinsan siya ni Pablo."

"Lolo Pablo po?" Pagkaklaro ko.

Pinsan ng asawa niya si Lolo Pablo?

"Oo, apo. At alam mo bang si Pablo talaga ang first love ko?" She giggled. Mukhang kinikilig. Napangiti naman ako dahil nahahawa ako sa reaksyon niya. "Siya ang una kong nakilala. We became friends and I fell in love with him. Sobra kasing maalaga. Palakaibigan at may sense of humor. Gentleman at alam mo bang sa panahon niya, maraming nagkakagusto sa kanya. Bukod sa maganda ang ugali e... kaguwapuhan din naman." She chuckled.

"But how you ended up loving your late husband, la?" I asked.

"Si Jacob kasi ay may ganoon ding ugali. Consistent siya sa panliligaw. 'Yong seryoso talaga sa 'kin kaya noong nakaramdam ako ng kakaibang pagmamahal sa kanya, hinayaan ko na ang sarili kong mahalin siya. 'Di naman ako nagsisi dahil pinatunayan niya sa 'kin na totoo siya."

"Ah," I nodded. "Ang swerte niyo po pala kasi natagpuan niyo 'yong taong para sa 'yo talaga."

Lola Tharri smiled sweetly at me. Iyong ngiting namamangha at proud sa 'kin.

"You'll find the right man at perfect time, apo. Don't rush it. Don't find it; it will find you. At kapag dumating na 'yong taong para sa 'yo, 'wag mo ng pakawalan pa. 'Wag mong ipagpalit sa panandaliang kaligayahan. Walang kahit na anong mas masarap sa pakiramdam kung 'di ang makasama mo habambuhay 'yong taong mahal mo at mahal na mahal ka."

I smiled. Nakakakilig. May kakaibang sensasyon akong naramdaman sa puso. It felt foreign.

"And always remember na 'di puwedeng mahal na mahal. Magtira ka para sa sarili mo. Know your worth so you won't end up questioning your value once they'll leave."

"Yes, la. Thank you so much." I replied.

Pinagpatuloy namin ang pag-uukit. Magaling si Lola Tharri. 'Di alintana ang edad niya ngayon na tantiya ko'y nasa early 70's na. At pagkatapos ng eksenang iyon ay nagpaalam ako kay lola na sa baybayin muna ako. Pumayag naman siya.

Tumambay ako sa loob ng kubo. I was alone but with the calm sound of the waves. Kumikinang ang dagat na animo'y diyamanteng natatamaan ng ilaw. At ang araw, sikat na sikat. May iilang ulap pero 'di ganoon ka kapal para matakpan ang sinag.

"What are you doing here, Sol?" I heard a familiar voice from behind. Bahagya pa akong nagulat dahil bigla biglang magsasalita. Sa sandali pa'y pumasok si Kuya Gilau sa loob ng kubo with his usual friendly smile. "Mukhang malalim ang iniisip natin, ah?" He teased. Tipid na ngiti naman ang iginawad ko.

"Where's Ate Marianne? 'Di bumisita?" I asked him.

O wala ba siyang pinagkakaabalahan ngayon kasi nandito siya sa harap ko?

Pero imbes na sumagot ay humalakhak siya. He looked amused while looking at me.

"She's busy, e. Baka 'di pa ulit makakabisita 'yon dito."

"Do you miss her?" Agap kong tanong. Napuna ko ang gulat na ekspresyon sa kanyang mukha pero kaagad ding nakabawi. He smiled meaningfully. I can see adoration in his eyes. Parang kay Tzu En kapag tumitingin siya sa 'kin.

"Of course, I do. Who wouldn't miss someone you love the most?"

"Hmm," I nodded. May pait akong nalasahan sa lalamunan ko. But I'm happy for him at the same time. "Swerte niya sa 'yo, kuya."

"Pero mas swerte ako because I have her, Sol," makabuluhan niyang sagot. "You know you'll understand this when you get more mature."

I didn't respond. Wala akong maisip na sabihin. Ngumiti ako nang tipid. It was all I can do... at that moment. I was confused. I knew I was.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C12
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login