"Ma ma," I called my mother, who was putting some of my clothes inside the bag.
"Yes, sweety?" She replied and took a quick glance from me.
I was sitting on the edge of our bed while watching mother packing our things up. I was also playing with my curly hair.
"What about ba ba, ma ma? Won't he come home?"
Laging nasa China si ba ba. Kung uuwi man siya rito, ilang linggo lang and he'll just visit ma ma's family. Ang pamilya niya kasi ay nasa China rin. Si Lola Amaya Nadella ay Filipino samantalang si Lolo Lee Chuatoco ay isang intsik.
Ma ma sighed and stopped for awhile then continued doing her stuff again.
"I don't think so, sweety. You know he's always busy with our business."
I sighed. I miss my ba ba but I love living here. Mas masaya rito. Sa China kasi kontrolado niya ako. Kapag nandito ako sa Romblon, I can be myself; I can do things I love to do. As long as I know my responsibilities, walang problema iyon kay ma ma.
"Why can't he have his business here, ma ma? Romblon is beautiful. He can build his own resort here, or any business like restaurants or just like Kuya Gilau, they make their own furnitures."
That would be great kasi matututo akong mag-carve. Baka matutuwa pa si ba ba sa 'kin kasi tumutulong ako sa negosyo namin.
"Family business, 'nak, e. He can't leave it lalo na't may umaasa rin sa kanya."
Ngumuso ako at 'di na nagsalita pa. Inabala ko nalang ang sarili ko sa palda kong mabulaklak. Naalala ko bigla 'yong gawa ni Philia kahapon.
"Ma ma," tawag ko ulit at nag-angat ng tingin sa kanya. She looked at me with concern and gave me a small smile. Lumapit siya sa 'kin at umupo sa tabi ko.
"May problema ba, sweety?" She asked and held my chin. "Why are you so sad?"
Nakatingin lang ako kay ma ma. I was lucky enough to have her as my mother. She loved me so much and I can't thank her enough for giving me her whole life.
"Kasi po, ma ma... kahapon po ay tinuruan ako ni Kuya Gilau about the woodcarving. I like to try, ma ma. Puwede po?"
I gave her a puppy eyes. I want to ask her permission bago ako magpapaturo kay Kuya Gilau kung paano gamitin ang mga tools doon.
Mom smiled tightly and kissed my forehead.
"Of course, sweety. Kung saan ka masaya, I will always support you." She smiled sweetly.
Lumawak kaagad ang labi ko, revealing my small teeth. I was so happy upon hearing her answer. Yes! Mas lalo akong naging agresibo sa pag-aaral ng woodcarving. I can't wait for it!
"Thanks, ma ma!" Niyakap ko siya sa baywang. Tumawa naman siya at niyakap ako pabalik. She propped her chin on my head and kissed my hair.
Pagkatapos naming maghanda ng gamit ay lumabas na kami ng kuwarto. Sa sala ay nadatnan namin si Philia na busy sa pagguhit ng kung ano sa isang papel. Lumapit ako sa kanya while mom placed our things on a wooden chair.
"Ano 'yan?" I asked and sat next to her.
"Flower, Solaire." She replied with a grin as she glanced at me then turned again to her paper. "Kuya Gilau will help me to carve this."
"Really?" I can see my eyes twinkle in excitement. "Ma ma gave me the permission to carve, too."
"Talaga?!" Bulalas niya. Tumango naman akong nakangisi. "Great! Mag-aaral tayo ng ganito."
"Oo nga," I smiled sweetly. "But for now, bibisita muna kami kay lola at lolo sa Batangas."
"Okay! Ingat ka!" Maligaya niyang sagot.
Matapos magpaalam ni ma ma na aalis na kami ay tumulak kaagad kami papuntang Odiongan Port. Sumakay ulit kami sa sinakyan namin papunta sa Romblon nang galing kami sa airport.
"Excited na sila lola at lolo mong makita ka, Solaire." Balita ni ma ma na nakaupo ngayon sa tabi ko. Nakaupo ako malapit sa nakabukas na bintana while watching the view outside.
I turned to ma ma and smiled at her. Iyon lang ang naging tugon ko dahil abala ako sa panonood ng tanawin sa labas. Mahangin kaya masarap sa pakiramdam at sumasayaw din ang buhok ko.
Nang nakarating na kami sa tamang lugar ay pinakiramdaman ko ang paligid, maging ang galaw ni ma ma. Bagaman nakailang beses na akong magpunta sa port na 'to, 'di ko pa rin pinagkakatiwalaan ang sarili ko. Baka maligaw ako.
Lumabas si ma ma at sumunod kaagad ako. Kinuha ng drayber ang mga gamit namin saka nagsimulang maglakad papunta sa isang malaking barko. May nakalagay na tatak ng barko, which is Vega, na kulay ginto.
Ma ma held my hand as we followed the driver. Habang naglalakad kami ay 'di ko maiwasang manood sa paligid. Maraming tao ang abala. Mayroon ding mga malalaking sasakyan at maging mga kabahayan.
Maraming puno at may bundok na makikita sa paligid. At siyempre ang mismong dagat kung saan lalayagan ng barko papuntang Batangas port.
"You okay, sweety?" Tanong bigla ni ma ma. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at tipid na tumango saka tinuon muli ang tingin sa paligid.
Malapit na kami sa malaking barko. May iilang tao na akong nakitang nakasampa na. Mayroon namang halos kasabay lang namin.
"Here you go, sweety." Ani ma ma. Pinauna niya akong umakyat sa hagdan pataas ng barko. But she eventually carried me in her arms. Tahimik naman ako while looking at other passengers. Some smiled at me, some didn't.
Nang nakapasok na kami sa loob ay saka lang ako pinababa ni ma ma. Hinawakan niyang muli ang kamay ko at iginiya ako sa loob.
Sa gilid ay mayroong hagdan pataas. Umakyat kami roon hanggang sa naging patag ang daan. Sa dingding ay may nakapaskil doon na "Vega" na kulay ginto. At pagliko mo, may isa na namang hagdan papunta sa pangalawang palapag. Ma ma told me isa siyang lobby but for me, it seemed like we were in a mall. Maganda, maaliwalas at malinis ang paligid. Mayroong mga sofa kapag sa left ka dadaan at sa right naman ay 'yong mismong desk ng barko. And since we took the left way, nadaanan namin 'yong parang sala kung saan may mga malalambot na sofa. Mayroon din silang canteen dito. Puwede kang bumili kung nagugutom ka.
"Wanna eat, sweety?" Tanong ni ma ma. Umiling kaagad ako. Kumain kami ng kanin bago kami tumulak papunta rito kaya busog pa ako. "Okay," she said.
Diretso ang lakad namin papasok sa makitid na daan. Tama lang na parang papasok ka lang sa kwarto mo. Mayroong staff na tinitignan ang ticket namin para maituro kung saan ka dapat pupunta. Kung saan 'yong cabin mo. Ang pinto ay kulay blue at may disenyong salbabida o kung ano man ang tawag nila sa kulay kahel na donut. Mayroon ka ring madadaanang comfort room in case you want to use it.
Matapos ang ilang minutong paglalakad ay nahanap din namin sa wakas ang suite namin. Pagkapasok namin sa loob, ang malamig na hangin ang sumalubong sa akin. May malaking higaang kulay puti. Sa gilid nito ay may bedside table na may lampara sa ibabaw noon.
Mayroong makapal na kurtinang kulay brown ang silbing panakip ng bintana. Sa ibang corner ay mayroong pinto kung saan paglabas mo roon ay para kang nasa balcony. Puwede kang tumambay kung gusto mong manood ng dagat.
"Thank you," sabi ni ma ma sa drayber. Tumango naman si manong saka umalis na. 'Di naman siya kasama sa amin dahil may sasakyan siyang kailangang iuwi. Isa pa, may sasakyang sasalubong sa amin sa port ng Batangas.
"Ma ma," I called at kaagad niya akong hinarap.
"Yes, sweety? What's wrong?"
Umiling ako. Nakaayos na ang mga gamit namin sa gilid ng kama.
"I want to sleep, ma ma," sabi ko.
"Okay, sweety. Matulog ka na muna. I'll wake you up kapag nakarating na tayo, okay?"
"Ma ma," I called.
"Yes, baby?" Umupo siya sa gilid ng kama at marahan akong hinila papunta sa kanya. Pinunasan niya ang mukha ko gamit ang puting panyo. "Are you okay?"
"Wo ai ni, ma ma." Sabi ko at dahan dahang ngumiti. Ngumiti rin si ma ma at hinagkan ako sa noo. (I love you.)
"Wo ye ai ni, Lian Wan." She said and hugged me tight. (I love you, too.)
Umidlip muna ako pagkatapos ng ganoong eksena. Pagkagising ko, nanghingi kaagad ako ng pagkain. At pagkatapos kong kumain, lumabas muna ako ng suite namin para manood ng tanawin sa labas.
Matulin ang paglayag ng barko. Kalmado naman ang alon kaya nakasisiguro akong ligtas kami hanggang sa pagdaong namin sa port ng Batangas. It will usually take seven to nine hours of traveling.
After the long hours of traveling the sea, dumaong na ang barko. Madilim na ang paligid at mayroon ng mga ilaw ang nakasindi. And this time, si ma ma na ang nagdala ng bagahe namin. Ang isa niyang kamay ay sa gamit, ang isa ay nakahawak sa kamay ko.
Pagkababa namin ng barko ay may sumalubong sa aming pamilyar na lalaki. Siya 'yong driver nila lolo at lola. Nang nakita niya kami ay kinuha niya kaagad ang gamit namin. Binuhat naman ako ni ma ma saka sumunod kay manong drayber.
Buong biyahe ay nakayakap lang ako kay ma ma. She was talking to other line, baka kay ba ba kasi Mandarin ang gamit niyang wika.
My head was aching when we reached the house of old Vegas. Pero kahit na ganoon, tumakbo ako papasok ng bahay. Bukas ang gate kaya dire-diretso ang takbo ko.
"Lola! Lolo!" Masaya kong tawag, 'di alintana ang masakit na ulo. Nahihilo ako pero kaya pa naman.
May sumalubong sa aking isang babae. Si Manang Lirika ito. Mukha siyang nagulat sa nakita niya.
"Solaire!" Masaya niyang bati sa 'kin nang nakabawi. Tumalon akong nakangisi at kinarga niya ako. "Ikaw talagang bata ka, ay oo."
"Hello po!" I smiled sweetly. Namiss ko si Manang Lirika.
"Aba'y kailan laang kayo dine?" Tanong niya saka ako binaba.
"Kahapon lang po, Manang Lirika." Sagot ni ma ma. I turned to her and smiled. Ngumiti naman siya pabalik.
"Ma ma, I wanna see lolo and lola now." Paalam ko.
"Okay, sweety. Mag-ingat ka."
"Yes, ma ma! Wo ai ni!"
"I love you more, sweety!" Pahabol ni ma ma. Kumaway lang ako saka tuluyang pumasok sa loob.
"Wo hui lai le!" bungad ko sa loob. I was so excited to see my grandparents.
'Di nagtagal ay may lumabas na dalawang matanda. They were astonished as they saw me. I grinned and waved at them.
"I'm home!" Pag-uulit ko sa sinabi ko kanina. Tumakbo ako papunta sa kanila at niyakap sila.
"Lian Wan!" Natatawang sambit ni Lola Martina. Binuhat naman ako ni Lolo Vicenzo at hinalikan sa pisngi. I giggled as my reaction.
"You're home, darling. Where's your ma ma?"
"I'm here, Mama." Sagot kaagad ni ma ma. Lumapit siya sa amin para magmano sa dalawang matanda.
"Kailan pa kayo rito, Kenya?" Tanong ni Lolo Vicenzo.
"Kahapon lang, Papa. Sa Romblon kami pumunta kaagad kasi gustong gusto na makita ni Solaire si Philia."
"Naku..." si lola. Binaba naman ako ni lolo. "Nagkakamabutihan na sila ng second cousin niya. Kumusta naman si Tharri roon?"
Lola Tharri is the grandmother of Philia. Anak niya si Tatay Ismaelito na ama ng second cousin ko.
"She's fine, Mama. Masigla pa naman si Lola Tharri roon sa Romblon."
"That's good to hear, then. O siya, gutom ba kayo? We'll cook for you."
"I'm still full pa naman, Mama. Si Solaire, kumain na rin kanina pero 'di ko alam kung gusto niya bang kumain ulit."
"I'm full, ma ma." I said. "I just want to rest again."
Lumuhod si ma ma at hinawi ang kulot kong buhok. She smiled and kissed my left cheek.
"Okay, sweety. Magpahinga ka na."
"Xie xie, ma ma." I replied.
I went to my room and made myself comfortable in my bed. I closed my eyes and smiled. I was six years old when I had my first lesson in woodcarving. Sobrang saya ko kasi bagaman mahirap sa umpisa ang pag-aralan iyon, kapag masanay na ay magiging maayos din ang pagkagawa.
"Ni hao!" I greeted in Mandarin language. I was referring to my boy seatmate who happened to be lonely and silent at the same time.
He looked up and immediately tear off his gaze. Umusog siya nang kaonti at tahimik pa rin. He was pouting like he wasn't comfortable of his place or maybe he's mad.
"Ni hao ma?" I asked. (How are you?)
'Di pa rin siya umiimik. Nanatiling nasa baba ang kanyang tingin. Napansin ko rin ang panay kurot niya sa kanyang daliri.
"Wo jiao Solaire, ni ne?" (I'm Solaire, you?)
Dahan dahang niya akong nilingon. Ngumiti naman ako nang malawak sa kanya. I want to make him feel comfortable with me. 'Di ko naman siya kakainin.
"Wo... jiao... Tzu En." Mabagal niyang sagot. Parang ayaw niya pang magsalita.
"Great! Ni hui shuo Yingwen ma?" (Can you speak English?)
Tumango siya, making me snap my eyes open. Great! He can speak English!
"Really?" I smiled widely. Mas mabuti na 'yong makipag-usap ako sa isang Englishero kesa sa instik. Si ba ba lang naman ang nagpupumilit sa 'kin na 'yon ang gamiting kong lenguwahe.
"Friends?" Inabot ko sa kanya ang kamay ko para makipagkamayan. Nakita ko naman ang pamumula ng kanyang pisngi. Sa huli ay tinanggap niya ang kamay ko, senyales na magkaibigan na kami.
I was seven years old when I met Tzu En. His name meant "master sun". He came from a noble family. Nag-iisang anak kaya lahat ng luho ay nakukuha niya. But it didn't make him a spoiled child. In fact, ang bait niya. Mahiyain nga lang.