Minsan, hindi rin talaga maiiwasang mahulog sa isa sa mga tropa natin. Madaling ma-fall lalo na kung kilalang kilala mo s'ya - kung gaano s'ya kabuting tao, kung gaano s'ya ka-sweet na anak at apo, kung paano s'ya mag-care sa mga kaibigan, at kung paano s'ya magmahal. Sa totoo lang madaling magmahal ng kaibigan, ang mahirap ay ang i-risk ang friendship na pinaghirapan n'yong buoin. Maraming tao ang mas pinipili na manatiling friends kaysa sumugal. Pero ibahin n'yo ako. Kaya kong gumawa ng moves sa taong gusto ko kahit kaibigan ko pa.
Mayroon akong kaibigan na halos kilalang-kilala ko na ang buong pagkatao, s'ya si Josh. May mga problema at secrets s'yang sa akin n'ya lang nasasabi. Hindi ko alam kung feelingera lang ako dahil gusto ko s'ya pero iba ang sweetness and care niya sa akin compare sa iba naming friends.
Madalas, kinakantyawan kami ng mga tropa at tinatawag na "mag-asawa." Pero hindi kami. Hindi naging kami. May mga pagkakataong ako mismo ang gumagawa ng moves sa aming dalawa, yes. May mga pagkakataong sweet kami sa isa't isa, yes. May mga personal na problema and secrets kami na na isa't isa lang namin nasasabi, yes. Pero hindi nagkaroon ng pagkakataong maging kami. Never naging kami.
Dumating sa punto na gusto ko nang isuko ang nararamdaman ko para sa kan'ya at makuntento nalang sa "strong" friendship na mayroon kami. 'Yong tipong sa sobrang strong ay hindi ko kayang tibagin para maging kami. Sakto namang may isang teenager na walang magawa ang dumating sa buhay ko. Yes, teenager. In other words, mas bata sa akin. Inaamin kong in-entertain ko lang s'ya bilang pampalipas oras hanggang sa naging panakip-butas. Ang sama ko ba? Oo, alam ko 'yon. Pero hindi ko naiwasan e. Siguro may mga bagay lang talaga na hindi natin kayang iwasan. Tulad nalang ng unti-unting pagkahulog ng loob ko sa taong akala ko dati ay pagsasawaan ko rin pagkatapos kong gamitin. Oo, unti-unti ko ngang minahal si Jay nang hindi ko namamalayan.
Hanggang ngayon, kami pa rin ni Jay. Kahit LDR at parehong pasaway, hindi ko alam kung paano namin natagalan ang isa't isa. Kami naman ni Josh, gano'n pa rin. Nagkakasama pa rin sa inuman. Nagkakasama pa rin sa lakad ng barkada. Nagsasabihan pa rin ng mga problema. May care pa rin sa isa't isa. Halos katulad pa rin ng dati, ang pinagkaiba lang ay masaya kami sa kaniya-kaniya naming lovelife. Noong nalaman kong minahal n'ya rin pala ako, nakakabigla at nakakapanghinayang sa una. Pero narealize ko na ok na pala ako sa ganitong setup - siya, bilang best buddy ko at si Jay, bilang boyfriend ko. Wala akong pinagsisisihan. Mahal ko si Jay. May puwang pa rin naman si Josh sa puso ko pero hindi na tulad ng dati at di tulad ng pagmamahal ko kay Jay.
Siguro ito 'yong tinatawag nilang "soulmate." Hindi man naging kayo pero importante at may puwang pa rin sa puso ng isa't isa. Mahal n'yo ang isa't isa pero hindi tulad ng pagmamahal sa bf/gf n'yo.
Masaya ako sa kung ano kami ngayon. Masaya ako para sa kanila ng girlfriend n'ya. Masaya at kuntento ako sa kung ano ang mayroon kami ni Jay.
Siguro nga si Josh ang soulmate ko. But he's not the one who's destined for me. Maybe Jay is... or some other guy? Who knows?
Disclamer: This is inspired by my friend's story. "Inspired by" doesn't mean na lahat ng nabasa n'yo ay totoong nangyari. Mayroong mga totoong pangyayari sa kwento pero hindi lahat.
— New chapter is coming soon — Write a review