Babae. Isa siyang babae. Kung titingnan ang aming paaralan, isa lamang ito sa mga normal na paaralang pinapasukan naming mga estudyante.
Maingay.
Magulo.
Maraming tao.
puno ng mga makululit na estudyante.
pero iba na ang sitwasyon kapag gabi.
"Cede , may naiwan ako sa loob ng school. " sambit ko sa bestfriend ko nung bigla kong maalala ang isang importanteng bagay para sa akin.
"Pero.. Gabi na! alam mo namang mapanganib hindi ba?"
Napapikit na lamang ako . Nakapagbuga na rin ako nang malalim na hininga.
"Wala akong pakealam Cede. Sobrang mahalaga sa'kin ng Notebook na yun. "
"pero... pwede namang ipagpabukas nalang natin ah!"
"hindi pwede! Kung ayaw mo, pwes! ako nalang ang papasok sa loob."
Sa totoo lang, hindi ko naman talaga pinapahalagahan ang notebooks ko. Pero nakapagtatakang mahalaga ang notebook na tinutukoy ko.
Hindi nga ako nagpapigil sa pagpasok sa loob. Matigas naman talaga ang ulo ko eh. Ginagawa ko kung anong gusto ko.
Naglakad na ako papasok ng School. May nagbabantay na guard ngunit ni hindi man lang niya ako tinanong kung bakit ako papasok gayong gabi na. Wala. hinayaan niya lang akong pumasok at parang wala siyang pakealam. Tinignan niya lang ako ng diretso.
nakapagtataka
Ipinagpatuloy ko lang ang paglalakad ko.
"Teka lang Ella! Sasama ako" Hindi niya ako matitiis.
Madilim sa loob . Ngunit meron ding mga ilaw kahit paano.
Sa normal na paningin, walang kakaiba. Scary lang itong tignan dahil sa luma na ang mga buildings dito na ang iba ay gawa pa sa kahoy.
Ang buildings dito ay mula pa noong panahon ng hapon. O siguro noong kakatapos lamang ng World war 2.
Nakarating kami ni Cede dito sa harapan ng aming Gym.
May nakita akong Lumang building sa harapan ng gym malapit sa kinatatayuan ng balete. At dito ang pupuntahan namin.
Naisip ko. Lahat ng classroom ay naka lock na at naka-off na rin ang mga ilaw. Ngunit ang building sa harapan n gaming Gym..ay naiiba.
Naka-on ang mga ilaw nito na para bang may gumagamit pa din sa loob.
"Tara" . Yaya ko sa kaibigan ko na umakyat na sa 2nd floor ng building na iyon. Marahil ay doon ko naiwan ang aking notebook.
Umakyat na kami . Nakasara ang mga pinto ng classroom . Inilapit ko ang tenga ko sa pinto.
Hmmm.. Mabuksan nga ito. Hindi ko naman siguro sila maiistorbo di ba?
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto.
Ang iingay ng lahat. Magulo ang kanilang klase. May natutulog. May tumatawa. May nagbabatuhan ng papel. Meron ding nagchichismisan.
Wala ng klase sa gabi. Pero iba sila. At ngayon ko lang napagtanto.
Walang building na nakatayo dito!!Yun ang dapat. Paano ito nangyari? Puno ng balete lamang ang nakatayo rito.
Isang misteryo.
Nakita ko na ang notebook ko at isinara na agad ang pinto.
Pagharap ko, may mga estudyante na sa labas. Dito sa hall kung saan pwedeng tumambay.
Marami sila . Isang normal na senaryo ang nakikita ko.
"Uy pakopya sa physics ah?"
"sure! "
'Oh my gossh! Andyan si crush oh! Shet! Ang gwapo niya talaga!"
"uy alam mo ba? Bwsit talaga yung teacher natin sa....."
"Tsk. Ang tagal ni maam.."
Napakaingay talaga nila at magulo rin. Mga tipikal na pangyayari sa paaralan .
Alam kong may mali dito.
"Cede, kailangan na nating makalabas dito bago mahuli ang lahat! "
"Ha? Ang alin?"
"Si Christina! Papunta na siya dito! "
Biglang nagpatay sindi ang ilaw.kasabay nito ang biglang paglaho ng mga estudyante.
Masama ito.
"Anong ginagawa niyo dito?"
MY GOODNESS. Nararamdaman ko na ang pagpintig ng malakas ng puso ko.
Isang babaeng nakaputi at mahaba ang buhok ang nakalutang sa hagdan. Napupuno ng dugo at nangingitim na rin ang kanyang balat. Si Christina. Ang multo sa aming paaralan. Ang sikreto ng aming paaralan. Tinitignan niya kami ng masama.
"ahhh... m-may naiwan lang po-"
Hindi na natapatos ni Cede ang kanyang sasabihin sana dahil bigla nalang sumigaw ng malakas si Christina.
Tumakbo na kami pababa . Kasalukuyan kaming nakikipaghabulan sa isang multo dito sa madilim na pasilyo.
Maaari niya kaming patayin.
Binilisan ko ang pagtakbo ko . Dali-dali akong tumakbo papalapit sa isa pang gate dito sa school.
Nilingon ko siya.
"Mamamatay kayo!!!!!!!!!!!!!!"
Hindi! Ayaw ko pang mamatay! Hindi maaari.
"Bilisan mo Cede!" Hindi ko alam kung bakit siya nagkaganito. Mabait na kaluluwa si Christina. Yun ang dapat pero bakit....?
"Aaahhh"
"Cede!" nadapa siya samantalang si Christina ay malapit na sa kanya.
Binalikan ko si Cede . ayaw kong mapahamak siya.
"Hawakan mo ang kamay ko ! Dali! " Inabot ko sa kanya ng kamay ko at hinila na siya habang tumatakbo.
Malapit na kami...
Nabuhayan ako ng pag-asa.
Naramdaman kong nadudulas na ang mga kamay niya at mas lumalapit na rin ditto si Christina. Nanggagalaiti sa galit.
Ilang hakbang nalang ang layo niya sa amin at nasa harapan na ako mismo ng gate.. pero.. shit lang..
Nakalock. At mataas ito.
Pero nakikita ko ditto ang labas ng school . Hindi pwede! Kailangan kong makalabas ditto! Di ako papayag na mamatay! Hindi ito totoo!
Then an idea struck me. I can control everything.
Pinalaya ko ang aking mga kamay at nagchant ng spell.
I flapped my arms at lumipad ako paitaas ng gate. Nasa labas na ako ngayon na bahagi ng gate sa labas ng school.
"Ella!"
Si cede, Kukunin na siya ni Christina!
"Hawakan mo ang kamay ko dali!"
Naabot naman niya ang kamay ko . Umangat na kami pareho at nilisan an g aming paaralan.
"Cede, bitawan mo ang kamay ko at gayahin mo ako. Lilipad ka rin"
Iniwan namin si Christina na naaasar ang mukha. Tagumpay. Natakasan namin siya.
"Ang saya palang lumipad! " wika ni Cede na may ngiti sa mukha.
Minulat ko na ang mga mata ko. Isang panaginip nanaman.
— New chapter is coming soon — Write a review