Bantog sa aming lugar ang kwento ni Franxisco De ye Vi na alagad ng dilim.
Sabi ng mga nakakatanda, gumagala ito araw-gabi para manguha ng mga kaluluwa na walang sapat na lakas. Mararamdaman ang malalamig niyang kamay sa iyong paa at dadalhin ka sa isang lugar kung saan paglalabanin kayo ng mga nakuha niyang espiritu.
Ang mananalo ang makakabalik samantalang ang matatalo ay mamamatay at isa lang ang pwedeng manalo.
Akala ko hindi totoo ang kwentong ito pero akala ko lang yun.
Madilim . Ako lang mag-isa sa loob ng aking silid. Natutulog na ako nun. Alam ko . Nakikita ko ang katawan kong nakaposisyon pantulog. Nakapikit .
Inikot ko ang mata ko para tignan ang kabuuan ng kwarto.
Malapit lang ako sa bintana. Lumulusot ang liwanag galing sa buwan na nagbibigay ng kaunting ilaw sa kama ko .
Nakakapagtaka. Panaginip ba ito? Hindi. Gising ako ! Ito ang eksaktong posisyon ng lahat bago ako pumikit.
Ito na yung , sinasabi nilang Astral projection ?
Sa makipot na harapan ng bintana , may babaeng nakaupo. Hindi ko makita ang mukha niya . Basta , naka bestida siya . At sa porma ng mukha at katawan , feeling ko maganda siya. Silhoutte lang niya ang nakikita ko .
Weridly, hindi ako natatakot sa presence niya kahit alam kong , may kakaiba sa kanya.
Nagra-radiate siya ng misteryosong awra , pero kalmado . Ngunit may konting panganib ? Ewan.
Pero bakit , parang pakiramdam ko.... pareho kami ng mukha?
"Galit ka. " Kahit hindi bumubuka ang bibig niya, alam kong siya ang nagsasalita. Para bang pampatulog ang kalibre ng boses niya.Malumanay na malamig.
"Hindi ako galit. " Hindi bumubuka ang bibig ko, pero narinig ko ang boses ko.
" Alam kong galit ka . Nararamdaman ko. "
" hindi ako galit . "
"Nag-ipon ipon ang galit mo. At naging poot ito. "
"Hindi nga ako galit! "
"Aminin mo na. Galit ka. Galit na galit ka . "
Nakakainis na siya ah? Hindi nga ako galit eh ! Kainis naman to.
" Sabing di ako galit eh ! Ano ba! "
Ngumiti siya . Ngiting pang-asar ba yun? oh ano ? Kakaiba siya eh.
Nanatili siyang nakaupo nang walang imik nung hindi ko na siya pinansin.Buti naman tumahimik na siya.
Nang may maramdaman akong malamig na nakahawak sa paa ko. Kinabahan ako nang may maramdaman akong pwersa na humihila sa akin paalis ng kama.
Nanggaling ang pwersa sa napakadilim na dulo ng kama ko . Hindi ko Makita kung sino ang nilalang na humihila sa'kin sa dilim.
Nagpumiglas ako ,pero sadyang mas malakas siya . Nananaig ang kadiliman.
Takot na takot ako.Ayokong magpadala. Ayokong magpahila sa nilalang na hindi ko nakikita sa dilim. Sa nilalang na hindi ko alam kung saan ako dadalhin.
Ano na ang gagawin ko? Kung sakali mang madala ako, Baka hindi na ako makabalik pa. Magiging katapusan ko na.
Ayoko pang mamatay !Pero anong laban ko? Hindi nakakatulong ang pagpadyak ko .
Kinukuha niya ang mga taong mahihina...
Magdasal ka....
Tinatanggap ko na ang kamatayan ko hanggang sa maalala ko ang sinabi ni mama.
Hindi ko na alam ang gagawin .Siya nalang ang tangi kong pag-asa.
Aasa ako sa liwanag niya.
Unti-unting naglaho ang malamig at nakakapanindig- balahibong pakiramdam sa aking paa. Para akong nabunutan ng tinik pagbukas ng ilaw.
" oh, ba't pawis- na pawis ka ? Hindi ka ba makatulog? "
Napansin pala ni mama. Ngunit di na niya kailangan pang malaman ang karindi-rinding nangyari sa akin kanina.
"Wala ma."Sabi ko sabay ngiti. Isang ngiti ng kaginhawaan .
"Masyado kasing mainit."
"Ah~ I-a adjust ko lang ang airc—"
"Ako na ang bahala dito ma."
Tumango na lang siya at isinara ang pintuan.
Humiga ako ulit.Pero kampante na ako ngayon. Po-protektahan niya ako.
Siyana mas malakassakahitnasino o anumanguringdyablo at dilim.
Salamat sa Diyos...