(Jing-ER POV)
Saka kapag kami ang nasa daan, kami lang naman ang may ari ng kalsada. Dalawang maingay, isang pinipigilan kami, at yung isa napipikon sa amin. Ganyan ang tunay na barkada. Walang plastikan. Aahaha.
Well, di niyo naitatanong. Example ng pagiging sira ulo naming lahat. Yung mahilig kami mamintas ng mga produkto. Sa feeling mga critics nga kami. Certify Critics. Example yung damit. Dahil maraming alam si Sena, agad niyang narerecognize ang brand. Si Even naman ang makapag ang mukha para alisin ang tags nito at ipalit sa ibang tags. Si Lost… nagdarasal na di kami mahuli… at ako… susubukan ko lang naman isuot. Ahahaha.
At ang strategy namin sa tuwing bibili kami ng gamit… maghahanap kami ng sira o di kaya gagawan ng paraan para magkasira at hihingi ng discount.