< Zhio >
Nagising ako sa tunog ng phone ko.
Bumangon ako...at kinuha yun.
Si Deo ang Caller.
"Sir , pasensya na po kung naistorbo kita ng ganito kaaga."
"Bakit.."
"Nalaman na kasi ng mga Elders sa kompanya ang tungkol sa pagpanaw ng inyong ama. Kaya maaga silang nagpatawag ng pagpupulong at kayo po ang pinakamahalagang tao na makarating sa pagpupulong."
" Sige... around 8 pariyan na ako."
At ibinaba ko ang phone ko.
Hindi ako nakapagpalit ng damit kagabi... siguro sa sobra kong kapaguran kahapon.
May Kumatok sa Pinto...
"Bukas yan."
at ang iniluha si Sya.
" Mabuti at gising ka na master Zhio.Kagabi hindi ka nakapaghapunan kaya nagpahanda ako ng agahan mo."
" Salamat ... paki lagay na muna sa mesa."
Tumayo na ako..
at dumiretso sa banyo.
Hinarap ko ang aking sarili sa salamin... pagod na pagod at hirap na hirap.
Saka nagsimula na ako maghilamos... sa pagpikit ng mata ko habang naghilamos ... dalawang bagay lang ang nasa isipan ko... ang harapin ang mga elders at ihanda ang sarili sa pagdating ng labi ng aking ama.
Paglabas ko ng silid ko,
"Dumating na ba sila?"
"Hindi pa Master Zhio, ngunit mamaya darating na sila."
Tumango na lamang ako.
Bumaba... at diretso sa sasakyan.
Pagdating sa kompanya,
Agad ako sinalubong ni Dr. Eriez..
"Zhio.. Napagdesisyunan namin ni Atty.Wenziel na iburol muna ang iyong ama bago ito ipa-cremate."
"Yun ba ang gusto niyang gawin sa katawan niya."
"Oo. Nasa huling habilin at kung maari ipagtabi mo ang abo ng iyong ina at ama."
"Sige. Nga pala sabihin niyo kay Atty. Wenziel na kailangan ko siya sa pagpupulong mamaya."
"Makaka-asa ka Iho. Lubos pala kaming nakikiramay sayo."
Tumango na lang ako. Diretso sa Office ko.
Inihatid sa akin ni Deo ang mga ducomentong kailangan ko pirmahan.
Sa pinakahulihan may isang Folder.
Binuksan ko..
Mga larawan ng mga babae.
"Sir . Sila po yung mga babae na nakita ko na dumadaan sa lumang kapilya."
"Wala siya dito." sinarhan ko .." Itapon mo na yan."
Napatango si Deo. Saka may inabot sa akin...
"Yan po Sir ang boung schedule niyo maghapon."
"Magsisimula na ba ang Board meeting?."
"In Fifteen minutes Sir."
"Sa Crysastic...."
"Pagkatapos ng meeting ninyo dito."
"Kung ganun parehong na-alerto ang kompanya..."
"Opo. at tungkol po yun sa yumao ninyong Ama."
Napatayo ako.
Saka senenyasan si Deo na maari na itong lumabas.
Nakahanda ako sa mga isasagot...
Nang mahaligilap ko ang dyaryong inihanda araw-araw ni Deo.
Hindi ako makapaniwala sa nababasa ko.
Ako?. Mamatay anak ni Pres. James Zel Cantheliz.
Tsss... napangisi ako.. Kung sino man ang gumawa ng article nito..
Pwes... binabanga niya ako patalikod... tsss..
Nagsimula ang pagpupulong ng dumating ako.
Nakaupo lang ako sa Cabezera.
Nakikinig sa mga pinagsasabi nila.
Sa totoo lang bawat salita ng mga matatanda... pinapalabas nila na napakasama kong anak.
Si Atty. Wenziel ang dumepensa sa akin... At sa huli...
" ...Kahit ano pa ang sabihin niyo ... Wala paring ibang papalit kay President James kundi ang nag-iisa niyang anak... sa ayaw at gusto niyo."
Marami akong narinig na bulungan.
At isa sa kanila ang naglakas loob na tumayo at dinuro ako.
"Naging Brutal na anak yang si Zhio! Paano namin masisiguro na mabuting magpatakbo ng kompanya yan."
"Mr. Chairman Do... Maupo lang kayo. Unang-una hindi naging brutal si Zhio sa kanyang ama. Ginawa lang niya ang kanyang responsibilidad bilang nag-iisang kapamilya ni Pres. James. Mercy Killing ang ginawa namin... ayaw na ni Zhio makita pang nahihirapan ang kanyang ama kung saan man ito naroroon. At ang masasabi ko lang sa loob ng limang taon nakita natin kung paano pinapatakbo ng maayos ni Zhio ang Kompanya... hindi ito bumagsak kundi lalo pa itong lumago ng di natin inaaasahan. Sa loob ng limang taon ipinakita ni Zhio kung gaano siya karapatdapat sa iniwang posisyon ni Pres. James.Saka uulitin ko wala tayong magagawa dahil si Zhio lang ang may karapatan na magmana ng lahat-lahat na iniwan ni Pres. James."
Ngunit marami parin ang nagbulungan.
Napatitig ako sa kanila.
Upang unti-unti silang manahimik.
"Tss.. walang kabuluhan ang mga board members na puro bibig ang pinapairal.
Ako si Zhio Zel Cantheliz.. anak ni James Zel Cantheliz ay di humahabol sa mga katulad niyo. Simple lang naman... hindi ko kailangan ang tiwala ng mga taong walang tiwala sa akin... maari naman kayong umalis... kunin ang Share niyo at humanap ng taong mas pinaniniwalaan niyo. Ganun lang kasimple... At bilang Bagong CEO ng kompanya...Buhay man o patay ang dating CEO... hindi parin makakatikim nang pagbagsak ang kompanyang ito."
Nagkatinginan silang lahat.
Walang makatitig sa akin.
"Ngayon sino pa ang gustong magsalita?"
Walang umimik.
"Kung ganun... tapos na ang pagpupulong na ito."
Tumayo na ako at lumabas ng conference room na ikinasunod ng mga tauhan ko na nakatayo lang sa sulok kanina.
" Zhio, parang marami kang sinagasaan sa sinabi mo kanina. At nasisiguro ko bantay sarado na ang mga kilos mo sa kanila. Lalo na si Chairman Do."
"Hindi lang sila ang magababantay... nakabantay rin ako."
Sumunod na pagpupulong ay ginanap sa kompanya ng Crysastic Corporation.
Karamihan sa kanila mga kaibigan ng aking ama at ina. Agad itong nakiramay sa akin...
at mas naging maayos ang usapan.
At paglabas ko sa kompanya... tinawagan ako ni Dr. Eriez...
"Narito na ang labi ng ama mo Zhio."
"Sige Uuwi rin ako mamaya."
Malapit na ako sa may entrance ng kompanya... ng makita kong nagkakagulo ang mga taga -media sa labas. Agad naman ako inilihis ng daan sa may back Exit.
" Parang napakacomplikado nang lumabas sayo mag-isa."
"tsk. Kailangan niyo linisin ang maling balita na nakuha ng mga taga-media."
"kala ko ba ayaw mo silang patulan".
"Atty. Wenziel... patulan ko man sila o hindi.. mabango parin ako sa pagbabalita nila."
Naghihintay sa akin ang isang Limosine.
Napalingn ako kay Deo.
"Sir." at hinagis sa akin ang susi ng sasakyan ni Deo.
Nagulat si Atty. Wenziel..
"Walang susunod sa akin." at tinungo ko ang sasakyan ni Deo.
"Zhio! Mainit ang mata sa'yo ng mga tao!."
Si Atty. Wenziel na walang nagawa ng i-start ko ang engine ng sasakyan.
Isa lang Ang nasisiguro ko... ang takbo ng sasakyan na ito... ay may patutunguhan.
The World really against him to his decision