Download App
0.78% Your Stranger / Chapter 8: Chapter 7 His Command

Chapter 8: Chapter 7 His Command

Tumayo ako at lumapit sa Vase ulit. Ang bulaklak na gustong ibigay ng babaeng yun sa akin.

Kinuha ko yung isa at isinilid sa bulsa ko. Lumabas ako ng kapilya.Napabuntong hininga ako... dahil nang dahil sa babaeng yun bigla kong nakaligtaan yung hinaharap kong problema... at tungkul sa aking ama.

Sumakay ako sa sasakyan ni Deo... minaneho habang kinakain na ng dilim ang liwanag.

Habang papalapit ako sa gate ng Villa namin... unti- unti kong nararamdaman yung pakiramdam na bumabagabag sa akin... simula ng lumabas ako sa hospital.

Nang buksan ng guardia ang tarangkahan.. agad sumalubong sa akin ang malungkot na awra... At halos lumala ang katahimikan sa loob ng Mansion.

Sinalubong ako ni Sya at ilan pang katulong.

"Umalis ka raw Master Zhio na nag-iisa?."

at siguradong alam na rin niya ang naging desisyon ko.

"Opo. Gusto ko lang po mapag-isa. Sila... umuwi na ba?."

"Sina Dr. Eriez at Atty. Wenziel ba ang tinutukoy mo?."

"Opo." habang naglalakad na kami paakyat.

Umiling lamang si Sya.

"Abala sila... tungkol sa iyong ama."

" Kung dumating na sila... akyatin niyo na lang ako sa silid ko."

" Asahan mo. Nga pala lahat kami dito ipinapaabot sa'yo ang sympatya namin para Kay Master James."

Tumango na lang ako... saka di na nila ako sinundan.

Sa bawat hakbang ng mga paa ko... masasabing nahihirapan ako.. kung ano ba ang susunod na gagawin ko. Pagbukas ko ng silid ko... lumala ang sobrang kAtahimikan na nakakabingi. Itinumba ko ang aking sarili sa higaan...at unti-unti kong isinara ang aking mga mata. Nakakapagod ang boung araw.

Ngunit napamulat ako... ng may maramdaman ako sa aking bulsa.

Iyong Puting Rosas. Inilabas ko...

Napaupo ako sa kama. At para akong baliw na tinitigan ang bulaklak na wala na sa normal nitong anyo at kulay... na unti-unti ng natutuyo.

Naalala ko ang ngiti ng babaeng yun..parang puno ng pag-asa.

Kinuha ko ang phone ko at diniall ang secretarya ko.

"Sir , napatawag po kay0?."

"Kailangan ko ang pribadong pagtatrabaho mo."

"Ano po yun Sir?"

"Ipapahawak ko sa'yo ang trabahong walang koneksyon sa kompanya."

"Sige nakahanda po ako."

"Lihim ang trabahong 'to at sana walang makaalam Deo. May isa akong babae na gusto kong kunin ang lahat ng detalye tungkol sa kanya."

Titig na titig ako sa bulaklak.

" Makikita mo siya sa lumang kapilya malapit sa abandonadong kumbento. Tuwing dapit hapon siya dumadalaw doon at nagpapalit ng bulaklak... aasahan ko na di mo kaagad siya makikilala kaya... bawat babae na pumapasok at dumadalaw kunan mo ng litrato... at ipakumpirma mo sa akin. Nakuha mo ba?."

" Malinaw Sir. Sisimulan ko po Bukas."

"Walang dapat makaalam nito."

"Asahan niyo po."

"Mabuti."

At muli ko ibinagsak ang sarili ko sa higaan....hangang sa tuluyan magsara ang mga mata ko...


CREATORS' THOUGHTS
International_Pen International_Pen

Do you meet a stranger that you want to know him more?

Load failed, please RETRY

Gifts

Gift -- Gift received

    Weekly Power Status

    Rank -- Power Ranking
    Stone -- Power stone

    Batch unlock chapters

    Table of Contents

    Display Options

    Background

    Font

    Size

    Chapter comments

    Write a review Reading Status: C8
    Fail to post. Please try again
    • Writing Quality
    • Stability of Updates
    • Story Development
    • Character Design
    • World Background

    The total score 0.0

    Review posted successfully! Read more reviews
    Vote with Power Stone
    Rank NO.-- Power Ranking
    Stone -- Power Stone
    Report inappropriate content
    error Tip

    Report abuse

    Paragraph comments

    Login