Download App
54.16% Naive love / Chapter 13: Chapter 13 Bala't kayo

Chapter 13: Chapter 13 Bala't kayo

Bangon tayo ako sa aking pagkakahiga, naiinis parin ako simula kanina, naiinis ako kay zack

naiinis ako dahil hindi ko narinig ang mga inaasahan kong salita... Paasa sya!!!!! paasa !!!!.. padabog kong sigaw sabay hagis ng mga unan

Simula kaninang maghiwalay kami sa library, hindi ko pa sya nakakausap, walang tawag, text or chat, wala kahit ano.. ini-expect kong magpapaliwanag sya

Naiinis ako sa sarili ko, napaka assumera ko kasi, masyado akong umasa sa wala... Mahal nya nga ba talaga ako o pinaglalaruan lang?

Mahal man nya ako o hindi... hindi na mahalaga yun, aamin na ako sa kanya.. sasabihin ko ng mahal ko sya

Dinampot ko ang aking cellphone at nagsimulang mag type...

I love you zack

Mahal na mahal kita....

Makalipas ang dalawang Oras, tumunog ang cellphone ko.. 1 message from zack

excited na kinakabahan ako sa isasagot nya,

Humigit muna ako ng malalim na hininga bago binuksan ang mensahe...

(Thank you) yan lang ang reply nya...

Hindi ko alam ang irereply ko, ang boung akala ko mag i-ilove you too din sya sakin...

Nanlumo ako, bigla akong nakaramdam ng matinding paninikip ng dibdib, eto pala ang pakiramdam ng mareject,, ang sakit pala mabasted... hindi ko namalayan may mga tumulong luha na pala sa pisngi ko, umiyak ako ng umiyak para maibsan ang sakit na nararamdaman ko...

Isang linggo na din ang nakalipas, simula ng huling pag uusap namin ni zack... hindi na kami nagkakatext or chat, naputol ang communication namin sa isa't isa...nakikita ko sya minsan sa campus pero wala akong lakas ng loob para lapitan sya, palagi ko nadin syang nakikitang may mga kasamang babae, nagtatawanan at kwentuhan....

Masaya naman sya, iyon din naman ang gusto ko para sa kanya,, ang maging masaya sya lagi

Napabuntong hininga ako, graduation na pala namin bukas.. napakarami kong memories sa

school na to, dito ako nagkaroon ng maraming kaibigan na itinuring kong pamilya, dito ko nahubog ang self confidence ko, at higit sa lahat dito ko nakilala ang kauna unahang taong minahal ko ng sobra...

Zack zack zack,, bakit ba di ka mawala wala sa isip ko, every time na naaalala kita, nasasaktan lang ako..

Graduation day

Tinawag na ang lahat ng pangalan ng mga magtatapos, malapit na ako sa may stage kung saan nakatayo si zack

Nagpanggap ako na parang walang nakita, ayoko kasing umiyak na naman ...maisip ko palang sya , nasasaktan na ako...

Pagkatapat na pagkatapat ko pa lang sa kinatatayuan nya dumukwang sya papunta sakin, nagulat ako..

Congratulations... bulong nya sa may tenga ko

Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, imbes na saya, lungkot at sakit ang naramdaman ko... malungkot kong inabot ang aking diploma, napalingon ako sa gawi nya, nakatitig sya sakin

Natapos na ang aming programa, umuwi na agad ako, hindi na ako nakisalamuha sa party..

kinuha ko ang cellphone ko, maraming mensahe pero walang galing kay zack,,pinatay ko na ang cellphone ko

Natulog ako ng maaga, kinabukasan naisipan kong mag online, may message galing kay aika

Picture ni zack na nakaluhod at inaabot sa babae ang puting rosas, nakatitig sila sa isa't isa, magkahawak ang kaliwang kamay,, Parehas na masaya sila sa larawan... ang nakikita ko ngayon ay isang Imahe ng dalawang taong inlove sa isa't isa

Parang pinagsakluban ang aking mundo, wala akong nagawa kundi umiyak na naman...

Bakit parang ang dali dali kay zack, na ngumiti at umarteng inlove na inlove sya sa taong kaharap nya

Iyong napaka busilak na ngiti, sinserong tingin

kislap sa mga mata, malambing na salita...

mga ekspresyon ng taong inlove,, akala ko talaga sa loob ng isang taon naming pagkakakilala, totoo sya sakin, naguguluhan ako...

Dahil sa bawat oras na nakakasama ko sya, sigurado akong totoo ang pinapakita at nararamdaman nya, bakit bigla na lang nagbago lahat sa isang iglap?


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C13
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login