Padabog akong umakyat sa hagdan. Naiinis na naman ako kay Ximi. Who the hell he thought he was? Talaga bang ang taas taas ng pride ng kumag na 'yon at laging iniisip na siya 'yong agrabyado?
Heck. I was wrong to befriend him. Nagugulo ang isip ko lalo na kung makikipag-away pa ako. He was sipping all my energy, making me feel weak. And he has his way to turn the tables.
Pero kung sa inaakala niyang lagi siyang panalo, I am an exception. Kung ganoon siya sa iba, 'di siya uubra sa akin.
"Bakit ka nagdadabog, Lulu?" Narinig ko ang boses ni Manang Isabela mula sa baba. Sumilip ako at nakita siyang nakatingala sa akin.
"Busog pa raw po si Ximi, manang." 'Yon ang sinabi ko.
"Halika ka nga rito,"
Napahinga ako nang malalim. Having no choice, bumaba ako. Ang bawat hakbang ay parang paa ng higante.
"Bakit ganyan ang mukha mo? Nag-away na naman ba kayo ni Ximi?"
"Eh nagmamagaling na naman, eh." Sabi ko at humalukipkip. "Ako pa ngayon ang may kasalanan kung bakit 'di niya ako nauwi noong birthday ng kapatid niya."
"And who do you think was at fault?" Boses ng lalaki ang sumingit sa usapan. Pareho kami ni manang na lumingon sa pinanggalingan ng boses.
Pinagkrus ko ang kamay ko sa harap. "Excuse me? Sa tingin mo talaga kasalanan ko 'yon? Eh, kung 'di ka lang masyadong paasa, I should have called my driver to fetch me."
Gusto niya talagang lagi siya ang tama. Ano ba ang problema ng taong 'to?
"I am your driver." Mariin niyang tugon. "You should have called me."
Tinaasan ko siya ng kilay. I looked at him from head to toe.
"You don't fit as my personal driver, sir. I don't need an irresponsible one. Kung ikaw lang din ang drayber ko, baka 'di na ako sisikatan ng araw."
"Ano ba talaga ang pinag-aawayan niyo?" Singit ni manang. Halos makalimutan ko ng nandito pala siya.
"Kasi, manang!" Sumbong ko at humarap sa kanya. "Alam mo bang iniwan niya ako kahapon nang mag-isa? May pasabi sabi pa na siya na ang mag-uuwi sakin pero ibang babae pala ang inuwi niya!"
Manang Isabela turned to Ximi then to me. Para bang naguguluhan siya sa nangyayari.
"Eh, sino ba inuwi niya?" Naguguluhan niyang tanong.
"S-Si..." I cut off. Sinamaan ko ng tingin si Ximi bago magsalita muli. "'Yong babaeng nililigawan niya." I looked away.
I was hurt, sure ako roon. Kung bakit kasi kailangan niya pang ligawan si Patricia. Puwede naman siyang magmahal ng walang koneksyon o label. Uso naman 'yon sa panahon ngayon.
"Alam na ba ng Papa mo ang tungkol diyan, hijo?" Tanong ng mayordoma. Tinignan ko naman nang diretso si Ximi na ngayo'y nakatingin na rin pala sa akin.
Ximi didn't answer Manang Isabela. Nanatili lang ang mata niya sa akin na tila nag-iisip.
"You see?" Sabi ko nalang. Wala atang balak na sumagot. "I don't want to see his face anymore, Manang Isabela. He has to leave this house or I will!"
Pumihit ako at naglakad palayo sa kanila. I marched the way to our pool. Doon nalang muna ako magpapahangin. Kagaya nga ng sinabi ko, ayoko ng makita ang pagmumukha ni Ximi.
I heaved a long sigh and settled down on a plastic bench. The water was a crystal exposed to a light. The wind was caressing my face and the light from the pool kissed my skin. The place was in deep hush but my mind was in chaos.
What the heck, Ximi. Panira ka talaga kahit kailan ng isip.
Kumalam ang sikmura ko. Ngayon ko lang naramdaman ang gutom. Anong oras na kaya? Dapat nakatulog na ako sa mga oras na 'to.
Tumunganga ako sa kawalan. Inisip ko nalang ang oras na nagkasama kami ni Moffet. He was gentleman, taliwas sa ugali ni Ximi. And his scent, I can still smell him. His genuine smiles, I want to capture and save them in my memory.
"Luca," nabasag ang imahinasyon ko nang narinig ko ang boses na iyon. Lumingon kaagad ako sa likod at nakita si Ximi na nakatayo at nakatingin sa akin. Ang kanyang kamay ay nasa loob ng magkabilaang bulsa ng kanyang tokong short.
"Bakit?" Tanong ko. Umikot siya at mataman ko naman siyang pinanood.
"Are you mad?" He asked calmly. Inusog niya ang isang bench palapit sa inuupuan ko. 'Di nagtagal ay umupo siya roon. His body was facing me.
"Who wouldn't get mad, Maximilian?" Tanong ko pabalik.
"I'm sorry..."
Mataman ko siyang tinignan sa mata. Kumikinang ito sa kalungkutan. If eyes could only speak, baka nagkausap na kami gamit ito.
I traveled my eyes from his nose down to his lips and chest. He was hot, I must say. Nakabukas na naman kasi ang polo, revealing his firm clavicle. I gulped once then turned back to his eyes. Uminit ang pisngi ko sa ginawa kong iyon.
"F-For what?" Nautal ako. 'Di ko alam bakit. I just found my body heating up.
He sighed and held my hands. Tinignan niya ito saglit saka muli ang mata ko.
"I'm a mess, Luca. I know I am. Kaya sorry kung nasisira rin kita."
Lumukso ang puso ko. Seeing him this way felt foreign. Ibang lilim ng Ximi ang pinapakita niya sa akin.
"I'll make it up to you, Luca. Sorry talaga."
Napalunok ako ng laway. My heart was swelling. Sa mga oras na 'to, gusto ko siyang yakapin.
I smiled at him. Iyon lang ang kaya kong gawin. Happiness was an understatement. Halo halong emosyon ang nag-aaway sa puso ko.
Tumango ako. "Okay na 'yon, Ximi. Kalimutan mo na."
"Nagseselos ka ba kay Patricia?"
Pinagsalubungan ko kaagad siya ng kilay. 'Di naman siguro makapal ang pagmumukha nito? At bakit naman ako magseselos sa babaeng iyon?
I grabbed my hands. "'Di ka naman siguro assuming sa lagay na iyan?"
"Then why are keep on bringing up the topic about her?"
Pinagsalubungan ko siya ng kilay. "FYI, sir. Totoo naman, eh. You chose that girl over me!"
"So nagseselos ka talaga?" Bumungisngis siya. Tinulak ko naman siya sa braso. Malakas iyon dahil gumalaw ang upuan niya.
"Kapal ng mukha." Inirapan ko siya. Tumayo ako at ambang umalis nang hinawakan niya ang kamay ko at hinila ito pababa.
"Bastos ka talaga kausap, ano?" Sarkastiko niyang sabi. "'Di pa tayo tapos."
"Walang matatapos kasi 'di naman tayo!" Pumiglas ako. Muli akong tumayo at kumaripas ng takbo. But he was fast. He grabbed my hand and locked me in his body.
"We're.not.yet.done talking, Luca." Mariin niyang wika. The warmth of his breath sent chills to my bone. "Tell me... nagseselos ka?"
I tried to push him away but he was too strong to be moved. Nanghina ako sa lakas niya.
I chinned up and dared myself to look at him straight. Isasampal ko sa kanya na 'di ako nagseselos!
"Walang dapat na ikaselos, Ximi." Untag ko. Sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa na kulang nalang ay maglalapat ang labi. I can even smell his manly scent. "Wala akong gusto sa'yo at hinding hindi kita magugustuhan!"
Tinulak ko siya and this time, nakatakas ako mula sa kanya. Tumakbo ako papasok ng bahay, kabadong kabado. Ramdam ko rin ang panghihina ng tuhod ko.
"Oh, Lulu?" Rinig kong boses ni Manang Isabela nang nasa hagdan na ako. "Nakakita ka na naman ba ng multo?"
I turned to her. "W-Wala po,"
"Ba't ka namumula? May allergy ka ba?"
"H-Ho?" I cupped my face. Mainit ito. "H-Hindi. W-Wala."
I glanced at pool's direction. Nahagip ng tingin ko si Ximi na prenteng naglalakad papunta dito sa loob. Kahit madilim sa labas, I can see the triumphant light in his eyes.
"S-Sige po, manang." Taranta kong sabi at naglihis ng tingin kay Ximi. "Akyat na po ako."
Dali dali akong umakyat sa taas. Kinakabahan na naman ako. The picture of what had happened flashed inside my head. Kung gaano kalapit ang mukha namin, kung gaano siya kabango. Lahat. Lahat ng alaala ay naglalaro sa isipan ko.
I locked myself inside my room. Tinapon ko ang sarili ko sa kama at sumigaw. My heart was beating so fast!
Lumunok ako ng isang beses at pinakalma ang sarili. Umupo ako sa kama. Huminga ako nang malalim at mariing pumikit.
Mahabaging langit. What was that?
May kumatok sa labas ng pinto ng kwarto ko. Umatras naman ako, baka si Ximi iyon. Ayokong makita ang pagmumukha ng kumag na 'yon.
"Lulu?" Rinig kong boses ng mayordoma. Napahinga ako nang maluwag. Akala ko kung sino na. "Lulu?"
"Po?" Sagot ko. Bumaba ako mula sa kama at pinagbuksan si Manang Isabela. Nadatnan ko ang naguguluhan niyang mukha.
"Ayos ka lang ba?" She was worried.
"O-Opo." Tumango tango ako para makumbinse siya.
"'Di ka na ba talaga kakain? Kumain ka na ba roon kina Herana?"
"Ahm," I grinned awkwardly. "Actually gutom po ako."
"Sinungaling talaga." Rinig kong boses ng lalaki. Muling tumalon ang puso ko. "You see, Manang?"
Binuksan ko nang malawak ang pinto. Saka ko lang nakita nang buo si Ximi. Sinamaan ko kaagad siya ng tingin.
"Epal." I murmured.
"I heard that." He said.
"Whatever." Umirap ako.
"Tama na nga 'yan! Kayo talagang mga bata kayo. Kumain na kayo sa baba." Umalis si Manang Isabela. Naiwan naman kami ni Ximi.
"Ugh!" Bulalas ko. Nanggigigil sa lalaking 'to. Ang sarap niyang sabunutan!
Tinulak ko siyang muli sa dibdib niya bago ako bumaba sa sala. Nakakainis! Kung araw araw ko siyang nakikita rito, baka maaga akong mamatay.
Hinanda ni Manang Isabela ang pagkain. Dalawang plato, dalawang baso, kutsara at tinidor. In short, para sa amin 'to ni Ximi.
Umupo ako sa palagi kong inuupuan. Nagsandok ako ng kanin at nilagay iyon sa plato ko. Ang ulam ay mechado. Isa ito sa paborito kong ulam lalo kapag ang mayordoma ang magluluto.
Mainit pa ang kanin, ganoon din ang ulam kaya mas masarap kumain. Kung 'di lang dumating si Ximi sa kusina.
Prente siyang umupo sa tapat ko. His eyes were playful, nanghahamon ng pakikipagtitigan. Isa nalang talaga at masasabi kong nag-aadik 'tong kumag na 'to.
"Kumain na kayo." Sabi ni Manang Isabela. "Pagkatapos, maglinis kayo ng sarili. Iwan niyo nalang ang pinagkainan niyo sa lababo."
"Salamat, manang." Magalang niyang sagot. Palihim akong umirap.
Plastik.
Tahimik lang ako habang kumakain. Nakatuon lang ang atensyon sa kanin. Alam kong nakatingin sa akin si Ximi kaya 'di ako makakain nang maayos.
"Luca," tawag niya. 'Di ko matantiya ang tono ng boses. "Luca."
"Ano?!" Irita kong sagot at hinarap siya. "Puwede ba? 'Di nga ako nagseselos kay Patricia!"
Kainis! Bakit niya ba pinipilit na nagseselos ako sa babaeng iyon?
"What?" He bursted into a laugh. Nagtiim bagang naman ako. "I..." tumawa siya nang malakas kaya 'di makapagsalita.
"Isa, Ximi." Pagbabanta ko. Inirapan ko siya at muling itinuon ang tingin sa plato. Nawalan na ako ng ganang kumain.
"Look," natawa muli siya.
"Oo na!" Sabi ko at hinarap siya. Naglaho ang tawa niya. "Mali na ako. Ano bang kailangan mo?"
Tumitig siya sa akin. Seryoso na ang kanyang mukha. He looked at me like he was trying to solve a puzzle.
"Paabot ng tubig." Sabi niya. Tinignan ko ang pitchel na malapit lang sa plato ko. I scratched my face at inabot sa kanya ang lagayan ng tubig.
"Heto. Masaya ka na?"
"Yes." He winked at me, teasing. Ngumiwi naman ako.
"Kadiri ka!"
Tumayo ako. Confirmed na nag-aadik ang kumag. I have to tell lola and lolo about this.
"Saan ka pupunta?" He asked.
"Wala ka na doon." Pagtataray ko. Nilakad ko ang daan papuntang sala. Tuluyan ng nawala ang gana kong kumain. Manonood nalang muna ako ng palabas ngayon.
I turned on the tv and scanned different channels. Wala akong nagustuhan hanggang sa nakarating ako sa FoxMovies. Medyo maganda ang palabas kaya nanatili ako.
Inayos ko ang sofa na magiging higaan kapag i-assemble. Kumuha ako ng tatlong unan saka humiga.
The movie was under the romance genre. 'Di ako nakakarelate pero mukha namang interesting kaya 'di na ako naghanap ng ibang channel.
Napatingin ako sa wallclock. Naalala ko bigla na wala sa akin ang cellphone kaya naman kahit nakakatamad, bumangon ako at umakyat sa kwarto. I had to get my phone.
Pagbuhay ko ng screen ay nadatnan ko ang mensahe ni Herana at ilang missed calls from unknown number. Una ko munang binasa ang mensahe ni Herana.
Herana:
Got home.
Busy ka ba?
I have a good news!
Huh? Ano kayang ganap sa buhay ng babaeng ito?
Nagtipa ako ng reply. Anong good news kaya ang tinutukoy niya?
Ako:
Slr. What good news?
I sent it already at pagkatapos noon ay tinignan ko ang 'di nakasave na numero.
It looked unfamiliar. Mabuti nalang at may nakita akong mensahe niya.
Unknown number:
Hi, Luca. This is Moffet. I got your number from Herana. :)
I was speechless. Literal na lumaki ang mata ko. Moffet asked for my number! Totoo ba 'to?!
Kalma, Luca. Kalma.
I replied to his number.
Ako:
Sorry late reply. I just read your message. By the way, good evening. :)
Tumili ako pagkasend ko ng mensaheng iyon. Oh my god! Pinaypayan ko ang sarili ko. Uminit bigla ang buong paligid.
"Totoo ba 'to?!" 'Di pa rin ako makapaniwala. Kaya naman nagsend din ako ng message kay Herana.
Ako:
Moffet texted me! What should I do? Anong sasabihin ko?
Napangatngat ako ng kuko. I was partially shaking. Si Moffet iyon!
May dumating na mensahe. It was from my bestfriend.
Herana:
Totoo?! Mag hi ka sa kanya. Ask him if okay ba siya or kumain na ba siya.
Huh? Napakamot ako sa noo ko. Anong gagawin ko?
May dumating muli na mensahe. Akala ko kay Herana, kay Moffet pala. Naisave ko na rin ang number niya.
Moffet:
Good evening, too. It's okay if late reply. I was doing something kaya ngayon ko lang din nabasa. By the way, are you free tonight?
What?! Nagwala ang laman loob ko. Ano bang ibig sabihin ng mensahe niya?
Imbes na si Moffet ang reply-an ko ay si Herana. Kailangan ko siya ngayon. Kailangan ko ng tulong niya!
Ako:
He asked me if I'm free tonight. Anong ibig sabihin nun?
Oh my god. 'Di ko alam anong gagawin ko.
Naghintay ako ng reply ni Herana. Nakakakaba at nakakainis at the same time. Wala akong alam tungkol dito. Nangangapa pa ako. Saka baka nakakaabala na ako kay Herana.
Her message arrived. Binasa ko kaagad iyon.
Herana:
Kung 'di ka busy, sabihin mo na free ka. Pero kung may ginagawa ka, sabihin mo na "No, I'm not."
Okay. Nakuha ko ang punto niya kahit papaano. Kaya naman nagtipa ako ng reply para kay Moffet.
Ako:
Not so free but I'm not busy either.
Huminga muli ako nang malalim nang nasent na iyon. Itinapat ko ang cellphone sa dibdib. I can feel my heart racing. Is this the beginning? And is this what they call 'love'?