It's been months since we started dating. Pero sa loob ng ilang buwan na iyon ay tila sobrang dami na naming pinagsamahan. Halos lahat ng nasa paligid namin ay suportado ang kung ano mang ginagawa naming dalawa. Masaya ako sa bawat segundo na kami ay magkasama. Ngunit sa tuwing naaalala ko kung bakit kami ganito, nasasaktan ako. Akala ko dahil mabait lang ako kaya kaya kong gawin ito para sa kanya. Pero... Iba pa rin pala talaga pag nandito na ko sa sitwasyon na to. Habang sya ay abala sa pagpapakita ng aming relasyon sa dati nyang kasintahan, ako ay unti-unti ng nahuhulog sa kanya ng totohanan...
Pinipigilan ko at inaawat ko ang sarili ko sa tuwing kikiligin ako ng husto. Alam ko namang ginagawa lang nya iyon para maipakita na hindi na sya apektado sa ex nya. Pero hanggang kailan ko nga ba sya sasakayan? Hanggang kailan ako magpapanggap? Magpapanggap na wala lang ito sa akin. Magpapanggap na hindi ako naaapektuhan sa mga ginagawa nya. Magpapanggap na hindi ko sya mahal.
Hanggang kailan nya nga ba ako gagamitin? Matatapos kaya ito? Pwede bang wag nalang? Pwede bang mahulog nalang din sya sakin gaya ko na nahulog na sa kanya? Pwede bang ako nalang din ang mahalin nya? Pwede bang totohanin nalang namin ito? And...
Can we just stop. Pretending?
— New chapter is coming soon — Write a review