Download App
26.47% BLANK (Bookstore Deities 2, Taglish) / Chapter 7: Scratch 7

Chapter 7: Scratch 7

"O ano?" Isang boses galing sa likod ang nagpahinto sa kambal. Mukha namang nabuhayan ng loob si Sigmund. Salamat naman sa Dios!

"Charity?" Tawag sa kanya ni Sigmund.

Sinagot siya ni Charity gamit ang malalamig niyang tingin. Halatang hindi siya natutuwa sa naabutan niyang nangyayari.

Kagagaling niya lang sa CR at naglalakad na siya pabalik sa classroom nang makarinig siya ng mga boses ng sumisigaw. Pamilyar ang mga boses kaya pinakinggan niya at pinuntahan.

Naabutan niyang sinisigaw-sigawan at pinagbabantaan nina Andy at Ark ang kawawang si Sigmund.

Nagpanting ang tenga niya sa narinig at hindi na nga niya napigilan ang sarili na hindi mangialam. Kailangan niyang makialam bago pa man ito mauwi sa mas malalang away.

"Oh. Ikaw pala Charity!" Binati siya ng kambal na parang walang nangyari.

"O ano? Ituloy niyo. Nakikinig ako." Paghahamon ni Charity.

"Wala yun! Hahaha. Nukaba? Kung makatingin ka naman… Chill okay? " Pagde-deny ni Ark na parang walang nangyari.

"Nag-uusap lang kami nitong si Sigmund." Sabi ni Ark saka inakbayan si Sigmund. "Diba tol?"

"O-oo." Oo nalang para sa kapayapaan ang sagot ni Sigmund.

These petty lies cannot fool charity. She knows very well when someone is lying at obvious naman na napipilitan lang um-oo si Sigmund.

Rinig na rinig niya kanina sa hallway kung paano sigaw-sigawan at pinipilit ng kambal na paaminin si Sigmund.

' Hindi ko naman tinatanong kung anong ginagawa nila ah? Masyadong defensive. Halata naman. ' sa isip ni Charity.

Labag man sa loob, ay umalis ang kambal. Ark won't risk that an information would leak lalo na at pinagsususpetyahan niyang may kapayangyarihan ang mga drawing books.

At kung totoo nga ang hinala niyang may sa engkanto ito, walang dapat makaalam dahil siguradong maraming magnanasa sa mga drawing books nila.

He can't let that happen. No. Never.

Aalis na rin sana si Charity kaso pinigilan siya ni Sigmund.

"Ah, Charity…" Lumingon si Charity paharap sa kanya. Nanatili siyang tahimik habang nakayuko.

"Salamat." Sabi ni Sigmund saka ngumiti.

"Tss. Wag ka ngang lalampa lampa! Kalalake mong tao nagpapa-api ka."

Simula yata first year, lagi nalang tong inaalila. Hindi pa ba siya nagsasawa? It really irks her whenever she sees some injustice happening. Hindi naman deserve ni Sigmund na tratuhin nang ganun sa loob ng tatlong taon.

Kahit na iba-iba silang lahat ng talion, itsura, at katayuan sa buhay, pare-pareho lang naman silang mga estudyante. Sana maisip nila iyon. Sana maisip nila kung gaano ka -unfair ang mga pinaggagawa nila sa classmate nila.

Bakit ba kasi kung sino yung mababait, sila pa yung ginagawan nang masama? Hindi niya talaga maintindihan ang takbo ng isip ng mga tao.

"Sorry."

"Anong sinosorry-sorry mo dyan? Wag ka magsorry kung wala kang kasalanan. "

"So-"

Parang naiirita nanaman si Charity kaya pinutol na niya ang sasabihin sana ni Sigmund. "Oh, ayan ka nanaman! Kakasabi ko lang diba?"

"Hehe. Sorry. Nasanay kasi ako eh."

Pinagkrus ni Charity ang kanyang mga braso habang nagtatanong . "Ano ba kasing nangyari, ha?"

Kwinento ni Sigmund ang nangyari maliban sa parte na nag-iinsist si Ark na may sa kulam ang drawing books. Ayaw niyang isipin ng iba na nababaliw na ang kambal.

'What a joke!'

Hindi siya makapaniwala na nandahil lang sa mga drawing books, kaya nagkaganun ang kambal?

Like what the hell, anong problema nila? Pasalamat nga sila at sinunod ni Sigmund ang utos nila. Sigmund did as what he had instructed. He bought them drawing books kahit na hindi niya naman iyon obligasyon.

Kahit na pagod at gutom na si Sigmund, he still bought them what they need nang hindi nagrereklamo, walang alibi.

Kung tamad lang talaga si Sigmund, pwede siyang gumawa ng alibi na ' Ay sorry. Naubusan na kasi ng stocks eh. ' pero pinursige niya talaga at naghanap ng drawing books para sa kambal at pagkatapos ganun?

Kung si Charity ang nasa posisyon ni Sigmund, baka nasuntok niya na ang mag-kambal sa inis!

--

Meanwhile, sa loob ng isang kwarto sa Bookstore Deities, isang babae ang nanonood sa mga nangyayari sa pamamagitan ng isang higanteng board na siya mismo ang may gawa.

"My my! At this point, hindi malayong may ma violate na rules ang twins! If that would happen, the contract would soon be over.

OMG! Where's fun in that? I, Ppela, the Goddess of papers, the ever gorgeous and fabulous scratch queen cannot let that happen. " Sabi niya habang nagsasalitang mag-isa.

Biglang nagseryoso ang itsura niya kaya biglang nagbago ang kulay ng kanyang insignia sa noo. Tumayo siya at nagpalakad-lakad habang nag-iisip. Hanggang sa basagin niya ang katahimikan at ngumiti nang may malisya.

"Pymi?" Tawag niya sa messenger of the deities.

Bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok ang loyal messenger and Goddess in training na si Pymi.

"Pinatawag niyo po ako, ate Ppela?"

"Hmm."

"Ano pong maipaglilingkod ko?"

"Come here. " The Goddess motioned her hand para sabihing lumapit si Pymi sa kanya.

Naglakad papalapit si Pymi at inilapit niya ang tenga sa kausap. May ibinulong na utos ang Scratch Goddess sa kanya.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C7
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login