Download App
16.66% Transparent World: Can you see me? / Chapter 2: Stupid Cupid

Chapter 2: Stupid Cupid

Amaya's POV

Madilim ang paligid at wala akong nakikita. Takbo ako ng takbo na tila ba ay walang hangganan ang kulimlim na lugar nato.  Nakakita ako ng isang silweta ng tao. 

Si Ania.  Biglang lumiwanag ang paligid.

"Ate... ate!!" tawag niya sa akin. Papalapit at papalapit ako sa kanya pero ng malapit ko siyang maabutan, bigla siyang nawala. 

~~

Nagising ako. tumingin ako sa orasan '6:49'. Tinitigan ko yung orasan.

"Gosh! Late na ako!!" Dali-dali akong bumangon at naligo nang na realize ko na 26 minutes nalang ang malalate na ako. Dapat hindi pa umabot ng 7:00 AM nakasakay na ako dahil 15 minutes maximum ang travel sa patungo sa university. May 11 minutes pa akong maghanda. Kaya? Kaya!

Nasa may pintuan na ako nagsusuot ng sapatos. Hindi na ako nagbreakfast. Okay na rin makasave ako ng pera. Naalala ko tuloy si Ania palagi akong pinagalitan dahil nga bad for the health daw. Siguro kung nandito siya ngayon galit na naman yun sa akin.

"Late na ako!" Pinigilan ko ang sarili kong umiyak sa alaala. Lumabas ako sa apartment. Pagkatapos kong ni-lock ang pinto, tumakbo ako sa sakayan at sumakay ng jeep. 

Eksaktong 7:30 AM nakarating na ako sa gate. Sinalubong ako ng mga bulong at mga titig.

"Diba siya yung... ano?"

"Ah, yung gf ni Ivan?"

"Si Ivan? yung gwapo? yung magaling sa sports, matalino at lead vocalist sa Youth Play?"

"Geez, walang ibang Ivan sa University."

"Correction, ex-girlfriend  niya, balita ko nag-break na sila"

"Buti nga lang nagbreak na sila."

"Sandali, akala ko ba buntis siya? Diba nawala siya ng one year?"

"Who cares, all i need to know is they broke up. Ibig sabihin single na ulit si Ivan, my Ivan. "

"Excuse me?  Your Ivan?  Girl don't get the wrong idea. He's mine.  "

Here we go again. 

Nakakatindig balahibo talaga ang mga kababaihan ngayon.  Tao naman si Ivan pero para na nilang tinuturing Ken doll na pinag-aagawan nila.  Kawawa naman ng tao. 

Somehow,  dahil sa mga kagaya nilang echoserang palakang kami raw ni Ivan.  As they say,  Ivan is my boyfriend or maybe was my boyfriend. A boy so perfect, idolized by everyone was my boyfriend.  How did that happen. How the heck would I know? 

Ania's POV

Pagkatapos ng klase niya tungkol sa checheborecheng hindi ko talaga maiintindihan sa canteen na tayo!

In fairness, ang laki ng canteen nila. Iniwan ko muna si ate. Pagala-gala ako,  patingin-tingin sa mga pagkain. Ang sarap tingnan, nakakagutom kahit na patay na ako.  Sayang nga lang patay na ako't hindi na makakatikim ng mga pagkain na 'to.

Ang daming tao,  perfect chance para makahanap ng candidate for the one ni ate.  Ang role ko ata sa kanyang buhay ay maging si kupido.

Ilang buwan na akong huma-hanap ng maaring true love ni ate, pero wala. Gusto ko sana ng gwapo,  mayaman,  mabait at mapagmahal.  Ang taas siguro ng standards ko.  Okay naman kung hindi masyadong gwapo, wag lang naman pangit kawawa yung magiging pamangkin ko jk . Okay lang naman yung hindi mayaman basta madeskarte sa buhay at kaya niyang buhayin si ate.  Pero hindi dapat mawala ang pagiging mabait at mapagmahal pero hindi yung klaseng mabait pero mabait sa lahat ng tao at sobrang mapagmahal na may iba't-iba siyang mahal na babae. 

Patuloy ako sa paghahanap ni the one.

At nakita ko si Candidate no. 101. Gwapo? Check na check. 

Mabait?  Hindi siya check. Ang bully niya. Walang manners. Nakabanga niya yung isang tao hindi naman lang nag-sorry. 

Candidate no.  102

Gwapo?  Bearable.

Mabait?  Siguro? 

Pero taken na pala si kuya. 

Sino nga ba itong Ivan na pinagsasabihan nila?  Sa buong buhay ko hindi ko siya nakilala.  Tinago ba ni ate sa akin na may boyfriend na pala siya?  Ba't ang dami nilang pinagsasabing hindi naman totoo tungkol sa ate ko?  Ewan ko ba sa panahon ngayon.  Di bale, kailangan ko ring hanapin si the one. 

Ang dami ko nang pinaghahanap na mga lalaking maaaring maging the one ni ate pero wala eh.

Ang dami ko nang candidate

Nakakapagod maging kupido. 


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login