Download App
27.27% After You Fall Asleep / Chapter 6: Chapter 5

Chapter 6: Chapter 5

Jason'S POV

Tahimik lang kami habang nakaupo sa couch. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya ang mga nagyari sa akin nung nakaraang dalawang araw na nawala ako.

Nagkatinginan kaming dalawa pero una siyang umiwas. Tumayo siya at umakyat sa hagdan kaya sinundan ko siya sa kwarto niya.

"What?" Tanong niyang nakakunot ang noo. Tss. Ang taray.

"Mag-uusap nga tayo diba? Eh bakit ang tahimik mo?" Tanong ko.

"Ikaw ang may ipapaliwanag malamang ikaw ang mauunang mag-open ng topic."

Oo nga noh? Bakit hindi ko naisipan yun?

"Okay. Sasabihin ko ang lahat pero makinig ka lang. Huwag ka munang magtatanong ng kung ano. Patatapusin mo muna ako." Sabi ko at tumango naman siya kaya inumpisahan ko nang magkwento sa mga nangyari sa akin dun sa lugar kung saan kinamumuhian ko na.

Dinala nila ako sa lugar ng mga bad vampires. Papalag na sana ako sa pagkakahawak nila pero sobrang lakas nila. Isang maling galaw ko lang siguradong patay ako. Binitawan na nila akong apat at pinaharap sa kanila.

"Look who's back." Sabing leader nilang si Edmond.

Nilibot ko ang paningin ko at ang tanging nakikita ko lang eh ang mga mukha at mata nilang masasama!

"Babalik ka na ba sa amin ha, Jason? Willing naman kaming tumanggap sayo pero may kondisyon."

Napalunok ako sa sinabi niya.

"Ano naman yun?" Malamig na sabi ko. Gusto kong ipakita sa kanilang hindi na ako ang dating Jason na nakilala nila. I change, for good. And I don't want that change to break again.

"Ganyan ka na pala ngayon?" Nilapitan niya ako at sinabunutan.

"Pakialam mo?" Tanong ko. Shet! Gusto ko nang umuwi. Sigurado akong umiiyak na naman si Margarette ng dahil sa akin.

Nabigla ako nang bigla niya akong sinuntok sa tiyan. Buti na lang at walang siyang hawak na matulis na bagay kaya malaki pa ang pag-asa kong mabuhay. Pinahid ko ang dugo dun at napangisi na lang sa ginawa niya.

"Psh. Yan lang ba ang kaya mong gawin? Akala ko ang mga leader mahilig pumatay. Pero ikaw puro suntok at sipa lang pala ang kaya mo!" Sigaw ko sa harap niya.

Nakakahiya mang sabihin pero totoo yung sinabi ko. Pfft!

"Tumahimik ka!"

"Aminin mo na kasing weak ka! Hindi mo kayang pumatay! Anong klaseng leader ka ha? Ganyan na ba ang leader ngayon?! Ni hayop nga hindi mo mapatay. Tao pa kaya? Hahaha! Nakakatawa talaga! Bakit ka pa tinawag na leader kung ang pumatay lang hindi mo magawa? Ay grabe idol na kita! " May halong asar ang sinabi ko kaya nagbulungan ang mga tao sa paligid. Meron ding natatawa. See? Ganyan ka weak ang leader ng bad vampires. Hahaha!

Sinuntok niya ang… hangin. Pfft! Ang weak hahaha!

"Umalis ka na sa harap ko!" Bulyaw niya. Hahaha pikon lang ang peg.

"Aminin mo na kasi! Tara palit tayo ng pwesto. Pfft!" Natatawang sabi ko pero hinila na nila ako palayo sa harap niya. Hahaha grabe hindi ko mapigilang tumawa!

"Hahahaha!" Hagalpak ko sa harap ng apat na humatak sa akin. Halatang nagpipigil sila ng tawa.

"Tama na nga yan! Umuwi ka na! Hinahanap ka na ni Margarette mo!"

Hindi ko pinansin ang sinabi ni Gio. Tawa pa rin ako ng tawa sa sinabi ko. Hahaha!

"Iwan na nga natin yan. Baliw na eh." - Lennard

Nakita ko silang umalis na sa harap ko pero tawa pa rin ako ng tawa. Maya-maya na lang napagdesisyunan kong umuwi na pero hindi ako dumiretso sa bahay niya. Sa sementeryo. Dinalaw ang mga magulang ko, dun ako tumambay, natulog, at humanap ng biktima.

Kinabukasan bumalik ako sa lugar na yun. Hindi ko naitanong ang kondisyon niya. Pfft. Ang lider na weak may di pa kondisyon pa. Ayos ah!

"Oh, bumalik ka?" Nakangising tanong ni Kris.

"May itatanong lang."

"Si boss ba hinahanap mo?"

"Hmm."

"Nasa kwarto niya."

"Geh."

Dumiretso ako sa kwarto niya. Naabutan ko siyang umiinom ng dugo ng tao. Bigla akong nagutom pero pinipigilan ko.

"Ginagawa mo dito?" Tanong niya sabay punas ng dugo sa labi.

"Ano yung kondisyon mong sinasabi kahapon?"

Napangisi siya at sumagot.

"Bumalik ka sa amin pero gawin mong bampira ang kinakasama mo."

Nanlaki ang mata ko. Paano niya nalaman ang tungkol kay Margarette?

"Psh. Asa ka!" Sagot ko. Hindi ko gustong malaman ni Margarette ang tungkol sa akin! Masasaktan na naman siya at iiyak!

"Okay. Kung ayaw mo di kita pipilitin. Basta ihanda mo ang sarili mo kung may masamang mangyari sa kanya dahil sa kagagawan ko!"

Hindi na ko nagtanong at sumagot. Umalis na ako sa lugar na yun. Ni hindi ko alam kung saan ako tutungo. Gulong-gulo ang isip ko! Huwag nila sanang saktan si Margarette.

Dumiretso ako sa dating bahay namin. Walang taong nakatira dun. Uminom ako ng alak at tumungo. Gusto ko nang umuwi at magpaliwanag sa kanya!

--

Tapos na akong magkwento. Nakatingin lang siya sa akin. Pero maya-maya lang eh umiyak siya. Shet nasasaktan ako dahil sa pag-iyak niya!

Lumapit ako sa kanya at pinunasan ang luha niya.

"Huwag kang umiyak, please. Nasasaktan ako! Alam kong ako ang dahilan niyan." Sabi ki sa kanya pero umiiling siya.

"Nagsasabi ka ba ng totoo sa akin o niloloko mo ko?"

Yeah right. Niloloko ko siya. Hindi ko sinabi sa kanya na bampira ako.

"Hindi kita niloloko! Sadyang ganun lang talaga ang nangyare sa akin!" Medyo napataas na ang boses ko.

"I know it. Manloloko ka lang talaga!" Sabi niya at umakyat na naman sa kwarto niya. Alam kong iiyak na naman siya.

.

Umaga na naman at hanggang ngayon hindi ako nakatulog. Iniisip ko kasi siya. Masakit sa akin makita siyang umiiyak.

Bumaba siya at tinignan ako. Walang emosyon ang mukha niya.

"Good morning." Sabi kong nakangiti pero inirapan lang ako.

Lumapit siya sa akin at nginitian ako. Hinaplos niya ang mukha ko. Anong nangyayare sa kanya? Nag-iiba iba ang mood.

"Sorry kagabi." Bigla niya akong niyakap. o_O

"Margarette..." Tawag ko at pilit kong kinukuha ang kamay niya pero nagmatigas siya kaya yumakap na lang ako.

"Sorry ulit." Humihikbi na siya.

"Huwag kang umiyak."

"No. Sorry kung ganito ako. Sorry hindi ako naniwala sa sinabi mo kasi nararamdaman kong iba ka sa mga tao eh." Nabasa ng luha niya ang damit ko. Damn!

"Shh okay lang yun kaya huwag ka nang umiyak." Nanghihina ako sa pag-iyak niya.

Humiwalay na siya sa akin at pinahid ko ang luha niya.

"Sorry din kasi may dapat kang hindi malaman sa akin. Masasaktan ka lang." Sabi ko. Kumunot ang noo niya.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Basta! Huwag ngayon."

Lumayo siya sa akin at umiling. Ayan na naman kami.

"Ganito na lang ba tayo parati? Away bati?" Tanong ko. Naiinis na ako sa totoo lang.

"Okay, hindi na."

"Tsk." Hinila ko na lang siya at niyakap ulit. Ilang araw pa lang kaming magkakilala bakit at lakas nang tibok ng puso ko kapag nandyan siya? Oh, yeah right. Mahal ko na pala siya.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C6
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login