FIRST DAY OF school natin bilang Grade 11, maraming bagong mukha dahil marami ring nawala o piniling umalis sa school na 'to. Nasa isang science high school tayo kaya understandable na iilan lang ang pipiliing magstay. Isa ako roon, samantalang ikaw ay isa sa transfer students.
Sa totoo lang hindi ikaw yung tipo na kapansin-pansin, pero baka ako lang yon dahil tulad ng sinabi ko, hindi agad kita napansin. Kasama ko sa room ang tatlo kong kaibigan since Grade 7. Sabay-sabay naming kinikilatis ang mga new students.
At may isang nakakuha ng atensyon ko. Si Tristan na kinalaunan ay isa sa mga naging katropa mo.
"May poging new student, mga sis!" Impit ang tili ni Trixie.
Napahagikgik si Jena. "Oh? Anong section?! Tara punta tayooo!"
"Sa Joule daw! Mamayang break na lang, ano ba. Mamaya dumating yung bagong adviser natin,"
Umirap si Cath. "Buti naisip mo pa 'yon. Lakas ng self-restraint natin today ah!" Saka siya tumawa na hindi ko napigilang sabayan.
Pinalo kami pareho ni Trixie. "Bwisit kayo! Palibhasa killjoy kayo pareho."
"Hindi kaya!" Ngumuso ako. Tahimik lang ako pero gusto ko rin sa gwapo. Haha! "Sa break na nga pupunta 'di ba."
"Sa ibang section pa naghahanap e meron din dito sa room! Tignan niyo yung lalaki sa tabi ng bintana. Kamuka niya si Sir Trinidad oh." Sabay turo ni Jena sa direksyong tinutukoy niya.
Pa-simple kaming lumingon kasi baka mahalata kami. May dignidad kami kahit papano 'no!
"Hala oo nga kamuka nga niya!"
"Ang creepy, parang younger version siya ni Sir. Pareho pa silang may salamin," Hinawakan ni Cath ang muka na parang kinilabutan. "Pero hindi naman ganon ka-gwapo, mas bet ko pa rin si Sir John! Hehehe..."
Noong nakita ko si Tristan ay na-gwapuhan ako sa kanya.
Hindi ako nagkomento kasi for sure, aasarin lang ako ng tatlo. Simula non ay naging slight crush ko na siya. Slight lang kasi paminsan-minsan sapat na yung sulyap lang saka wala akong balak i-close siya.
"Guys, look kayo sa harap. Yung tahimik na lalaki do'n oh! Ang cuuute!" Umakto na parang nangigigil si Trixie habang nakaturo sa harap.
Sumunod kami ng tingin. Ikaw pala iyong tinutukoy niya. Tahimik ka lang na nakaupo, bahagyang nakayuko ang ulo. Katabi mo si Michael na old student at kinakausap ka. Sumasagot ka naman, interesado sa pinag-uusapan pero halatang nahihiya.
"Hala oo nga! Ang cute, ang chubby. Parang ang sarap pisilin ng pisngi niya! Singkit pa," Nakangiti si Cath na madalang lang sumang-ayon kay Trix. Agad kong naisip, anong meron sayo at humaling na humaling yung tatlo?
Oo. As in cute na cute sila sayo. Hindi ka katulad ng iba sa batch na payat, trying hard sa badboy image o kaya papansin. Hindi ka rin chubby katulad ng sinabi ni Jena. Basta sakto lang yung lusog mo ganon. May vibe ka ng isang inosenteng bata at mabait ang aurang nakapalibot sayo, iyong good boy ba?
"Guys andyan na si Sir Mendel!" Sigaw ng look-out sa labas nang makitang paparating na ang adviser natin.
Pumasok si Sir Mendel. "Goodmorning, class! I can see na marami-raming new student. We can start by introducing yourselves." Nakangiti si sir. Mukhang nang-aasar dahil sino nga ba naman ang may gusto sa walang katapusang self-introduction?
Nakatuon ang tingin sayo ni sir, nakaupo ka sa harap, bandang dulo at doon ang favorite spot ni sir para sa unang bilang. Malas mo lang sakto ka.
"U-umm. T-tatayo po ba?" Tanong mo habang kinakamot ang likod ng ulo.
Tumango si Sir Mendel.
Sumulyap ka kay Michael na nginisian ka lang, halatang nang-aasar. Umiling ka saka tumayo.
"Umm... Ako si umm, Jeuish de Santiago. Umm... s-seventeen," Umupo ka agad.
Tumaas ang kilay ni sir. "That's all Mr. de Santiago?"
Kumurap ka saka umiling, kumakamot na naman sa ulo. "U-umm, ano po ba s-sasabihin, sir?"
Humagikgik yung tatlo sa tabi ko.
"Ang cute niyaaa! Para siyang nawawalang bata, mygad!"
"I wanna pinch his cheeks!"
"Truuuth!"
Napangiti lang ako. Pansin ko agad ang pagkabulol at hilig mo sa umm, lalo na ang pagkamot mo sa ulo. Hindi sa may kuto ka pero mannerism mo na ata talaga iyon kapag nahihiya.
"It's fine, Mr. de Santiago. Your ears are already red enough. Let's move to the next student." Natatawang sabi ni sir.
Hindi napigilang tumawa ng buong klase. Rinig ko rin ang munting kilig sa tawa ng mga babae at bulong nilang pareho sa sinabi ng tatlo.
Isa siguro iyon sa self-introduction na tumatak dahil marami agad ang kumausap sayo pagkatapos. Karamihan doon ay babae na halatang cute na cute sayo.
Ako naman ay walang paki dahil hindi naman ako kasama sa fans club mo. At hindi rin ako nacute-an sayo. Hindi ko nga maintindihan kung bakit madaming nagsasabi na cute ka, sa totoo lang.
Lumipas ang oras at last subject na. Sakto pa na adviser natin ang last subject tuwing Monday.
"Siguro naman naka-adjust na yung dapat mag-adjust. It's time to elect the class officers." Anunsyo ni sir.
Nakapahalumbaba lang ako habang nakikinig samantalang nagkaroon ng ingay kung sino ba dapat ang ma-elect as officers.
"The nomination for president is now open,"
Nagtaas ng kamay si Cathrine. "Sir! I respectfully nominate Iyana Riel Garcia."
Pinanlakihan ko siya ng mata. Alam kong nant-trip 'yan dahil alam niyang ayoko sa ganito. Binuo pa talaga ang pangalan ko!
Nagpatuloy ang nomination hanggang sa tatlo na ang pangalang nakalista. Nang i-close iyon ay agad akong nagtaas ng kamay para mag-object.
"If there's no valid reason to object then objecting is invalid. You can now start voting." Gusto ko sanang sumagot. So ano bang valid reason sa inyo, Sir?
Napasapo ako ng mukha. Masama ang tingin ko kay Cath na malaki ang ngising-aso. Kasalanan niya 'to.
Nanalo ako. Nakakainis pa dahil isa lang ang lamang ko. Automatic kasi na ang boto ko ay mapupunta sa sarili. So wala akong freedom to vote, nakakainis!
Napilitan akong pumunta sa harap dahil papalitan ko si Sir Mendel sa pagha-handle ng election na natapos naman nang matiwasay.
May labinlimang minuto pa bago ang uwian.
"Sir walang muse and escort?" Tanong ng isa nating kaklase.
Napaisip sandali si sir. "Gusto niyo ba?"
Umingay ang klase, mas malakas ang cheer sa oo at yes kesa sa hindi na. Bumuntong hininga ako nang magsimula uli ang botohan para sa muse.
"I nominate Eris Pacheco as the muse!"
Maraming lalaki ang nagcheer sa pangalan ni Eris. Old student siya at kilala na sa school dahil madalas lumalaban sa pageants.
Syempre expected ko na siya ang mananalo.
Ang hindi ko ine-expect ay ang ma-nominate ka as escort.
"Who votes for Michael Pitona?" Tanong ko. Binilang ko ang kamay na nakataas. Apat.
Mga baliw. Halata namang trip-trip lang 'to nang i-nominate ni Michael ang sarili. Tumatawa pa siya sa upuan nang makita ang bilang ng votes.
"Who are in favor of Ysmael Rivera?"
Binilang ko. Nineteen. Halos kalahati ng klase. May dalawa pa na maghahati sa bilang mamaya kaya akala ko ay si Ysmael na ang escort. Isa rin kasi siya na famous sa school dahil gwapo at kengkoy. Madaling landiin. Pero syempre hindi ko pa nat-try at walang balak magpakailanman.
"Jeuish de Santiago?"
Twenty-one. Majority ng klase.
"Jeuish de Santiago will be our class's escort." Anunsyo ko.
Pinanood kitang tumayo. Nagkakamot ka na naman habang nakayuko ang ulo. Nahihiya ang ngiti mo at namumula ang mga puno ng tainga.
Nang i-angat mo ang tingin ay sakto itong lumagay sa akin. Ilang segundo tayong nagkatitigan bago kita bigyan ng maliit na ngiti at senyasang sumama sa pila namin sa harap.
Iniwas mo lang ang tingin bago sumunod. Umangat ang mga kilay ko. Ay snob?
"Again, let's give a round of applause for our class officers." Umugong ang palakpakan sandali. "You may now take your seats." Tumingin si sir sa orasan. "Cleaners, maglinis kayo ha. Class dismissed."
Maaga tayong pinalabas ng room. Mga five minutes bago ang time. Naunang lumabas sina Jena dahil maglo-locker pa raw sila.
Inayos ko muna ang gamit bago sumunod. Nang makalapit sa pinto ay nilingon ko ang upuan ko para tignan kung may naiwan pa pero imbes ay ikaw ang nahagip ng mata ko.
Malaking logo ng Fairytale ang naka-design sa harapan ng bag mo. Hindi ko napigilang lapitan ka.
"UY, SAN KA NAKABILI NYAN?"
Napalakas ata ang boses ko dahil napatalon ka nang bahagya sa pagkakaupo.
Binalingan mo 'ko. "S-sa Comic Alley?"
"Bagong labas? Hala magkano?!" Hinawakan ko ang bag mong nakapatong sa mesa. Ang ganda ng kulay saka design! Ang ganda rin ng material na ginamit!
"Ah. Umm... ano, 'di ko na matandaan. Sorry," Kumakamot ka na naman sa ulo.
Napatigil ako sandali. Bago ko pa mapigilan ay nagtanong na ako. "Ang kati palagi ng ulo mo. Wala ka namang kuto?"
Pinanood ko ang panlalaki ng mata at pagpula ng tainga mo. "Ha?! Wala, wala! Ano. Umm... Sorry."
Tumawa ako. "Joke lang 'yon, sorry. Sige, salamat ah,"
Lumabas ako ng classroom. Nakasalubong ko yung tatlo sa corridor na papunta sa room.
"Ano? Ang tagal mo naman, Iyana."
"Sorry, may kinausap lang. Tara na."
At sa unang pagkakataon noong araw na 'yon, naisip kong ang cute mo nga. Ang cute mong mahiya at mabulol.
HI! If you're reading this right now, I want to thank you. Please continue to read and support my story! ?
— New chapter is coming soon — Write a review