Natapos na ang duty ni Faith sa counter. Hindi na siya kumain ng tanghalian dahil wala siyang gana. Bakante siya ngayon kaya pumuntang library. Pagpasok niya ay napahinga siya ng maluwag dahil walang nakatambay na kaluluwa sa loob. Nagtungo siya sa palaging pwesto niya, sa pinakasulok na shelves. Hindi naman yun madalas puntahan ng mga estudyante dahil paranormal books ang nandon. At hindi rin siya nagbabasa non, doon lang siya pumupwesto para makapagpahinga. Umupo na siya sa sahig at sumandal sa pader. Malinis naman ang bawat sulok ng library kaya pwede ring humiga sa tiled floor.
Nagsimula na siyang umidlip at tuluyan ng nakatulog kaagad.
Lumipas ang ilang sandali ay nananaginip na naman siya.
Nasa isa siyang kagubatan. Familiar lugar na yun sa kanya. Sa panaginip niya ay maliwanag pa sa lugar na yun. Paparating pa lang ang gabi. She's standing in a clearing. But she saw from afar a very huge tree, pakiramdam niya ito ang pinakamalaki sa lahat ng nandon. Nakakaagaw pansin ito dahil sa laki at ayos ng pagkakahubog. Pwedeng-pwede masilongan sa ulan at araw. Parang may nag-aalaga talaga nito dahil sa itsura.
Some force is urging her to get close to it. Na mamagmet siyang lumapit dito. Kaya nagsimula na siyang humakbang papunta don.
Each step she's taking, something in herself feels wrong. Alam niyang nasa panaginip lang siya. Pero nararamdaman niya ang mas lalong paglalim ng tulog at ayaw ng magising. Kaya nahinto siya sa paglalakad.
"Faith, halika.. Nandito si Francis." Rinig niyang boses ng babae. Ito din ang narinig niya nong nakaraan. "Nasamin ang kuya mo." Parang nangheheli ang boses nito.
"Si kuya?" Sambit niyang naiiyak. Gusto niya makita ito ulit. She's missing her brother forever.
"Ou. Pwede mo na siyang makasama. Halika.. Sundan mo ang boses ko."
Umiiyak na siya ngayon. "Talaga? Pwede ko siyang makasama?" Hindi niya inaasahang pwede pala ulit makasama ito. Humakbang na siya papalapit sa malaking puno. Medyo malapit na rin siya.
Nararamdaman niya sa tulog na katawan ang labis na panghihina. Parang mas lalo siyang nalulunod. Unti-unti na siyang nawawalan ng hininga dahil sumisikip dibdib niya.
Huminto siya sa paglakad. "Mamamatay ako pagsasama sa inyo."
Humalakhak ang babae. "May sakripisyo sa lahat, Faith. Nagawa ng kapatid mong magsakripisyo para sayo. Malungkot siya ngayon dahil hindi ka kasama. Hinihintay ka lang niya."
Natamaan siya sa sinabi nito. Nararamdaman ang pighati sa puso. Nag-uunahan na naman sa pagbagsak ang mga luha niya. Gusto na rin niyang mamatay dahil sa mga kasalanang nagawa. Nawala na rin naman lahat sa kanya. Ngayon, may pagkakataon siyang makasama ulit ang kapatid. Kahit sa ibang mundo pa ay gugustuhin pa rin niya yun. Than living in a mortal world that she has no one.
"Bakit nandiyan siya sa inyu?"
"Malalaman mo rin ang lahat kung sasama ka samin."
Pumasok ng library si Raimer. Kung nasa sariling katawan niya lang ay hindi na magtataka ang mga nakakakita sa kanya kung bakit siya nandon. Pero si Rain nga kasi siya sa lahat kaya naninibago ang mga to. Rain's not fond of libraries. Mahilig din naman ito magbasa, sa bahay nga lang ginagawa.
Nagtungo uli si Raimer sa Paranormal section na nasa pinakasulok na bahagi ng library. Nagiging interesado na sya sa paranormal books dahil sa sitwasyon niya. Kahit kinikilabutan ay tinitiis nalang.
Dumaan na siya sa ilang estante. May libro siyang hinahanap. Yung tungkol sa mga kaluluwa talaga, hindi lang horror stories.
Pagliko niya sa huling estante ay nagulat siya sa kanyang nakita. Di niya inaasahan na matatagpuan ito doon.
Nakaupo si Faith sa sahig at nakasandal sa pader. Ang ulo ay nakadikit sa estante, pero kita naman ang mukha nito, nakapikit ang mga mata.
He wanted to take this opportunity to talk with her. Pero ayaw na rin niyang isturbuhin ang tulog nito. Tahimik at dahan-dahan nalang siyang naghanap sa librong gusto niya. Hinayaan na ito sa sulok. Nakatayo lang siya malapit dito. Nahuli ng isang title ang atensyon niya. 'Body and Soul'. Mas lumapit siya sa pwesto ng dalaga and he bended his one knee. Nasa baba kasing yung libro.
Kinuha niya yun. Ayos pa naman tingnan, halatang wala masyadong gumagamit non. As he opened it, nangingilaw na rin ang mga pahina dahil sa kalumaan.
Nanlalamig si Raimer. Malamig na rin naman yung library dahil fully air conditioned lahat ng facilitied sa school. Pero kakaiba ang lamig na nararamdaman niya. He looked at his left side. Nasa mismong harap lang siya ng babae.
Parang galing dito ang lamig. Sobrang putla na nito and he saw tears falling down from her closed eyes. Agad niyang binaba ang libro sa sahig binalik ang atensyon sa dalaga. Kinakabahan siya sa nangyayari dito.
Hinawakan niya ito sa tuhod. "Ms. Fajarah?" Pag gising niya dito. "Ms. Fajarah, you need to wake up." Hinawakan na niya ang pisngi nito at inangat ang ulo mula sa pagkadikit sa estante.
Ang lamig ng balat at nanginginig ang buong katawan nito. He can feel it as he's touching her.
"Faith.. You're in a nightmare. Wake up." Patuloy pa rin ang pag alo niya dito na magising. Pero nakapikit pa rin ang mga mata nito habang tumutulo ang luha.
Natataranta na si Raimer. He pulled her from the wall at inihilig ang ulo nito sa braso niya. Tinapik-tapik niya ang pisngi nito at pinapahiran na rin ang mga luha. Kahit sobrang lapit lang ng mukha nila ay di na niya yun inisip. Dapat niya itong magising dahil kung hindi, baka mamatay ito. Nighmares can kill people, alam niya yan.
"Faith.. Gumising ka. Faith!" Pabulong niyang sigaw dito. Patuloy pa rin ang pagyugyug na magising ito.
Nakaluhod na si Raimer sa sahig habang yakap ang dalaga.
Dahan-dahang nagmulat ang mga mata nito at humina ang panginginig ng katawan. He stared at her face. Nang tuluyang nagising ito ay saka siya nagpakawala ng buntong-hininga. Saka lang siya nakahinga ng maayos, lumuwag ang dibdib niya. Hindi napansing naninikip na pala yun dahil sa kaba sa dalaga.
"Thank God, you're finally awake." Bulalas ni Raimer. Nanatili pa ring hawak si Faith.
"Rain.." Sambit nito na nakatitig sa kanya pabalik, hindi gumagalaw sa pwesto.
Bahagyang nabawasan ang tuwang nararamdaman ni Raimer. Pero hindi na lang inisip yun.
"Hindi.." Umiling ng marahan si Faith. "Hindi ikaw si Rain.." Mahinang sambit nito.
Biglang bumilis ulit ang kabog sa puso ni Raimer sa narinig. Pinanlakihan pa niya ng mga mata ito.
Nang marealize ni Faith ang posisyon nilang dalawa ay agad siyang lumayo dito. Sumasakit na naman ang ulo niya at nanghihina pa ang katawan. Sumandal uli siya sa pader. Di pa sapat ang lakas niya para tumayo.
"Bakit mo nasasabing hindi ako si Rain?"
Faith looked at him again. Saka lang naalala ang nasabi niya. "Fudge, i'm sorry. Di ko alam mga sinasabi ko. Wag mo na pansinin yun."
Raimer shook his head. "No. I think you know something."
"I don't, Rain." Matigas niyang sabi at tinulungan ang sariling tumayo para makalayo dito.
Napatitig nalang si Raimer and gently nodded. "I'm sorry.." Mababakas na sa boses nito ang lungkot. Tumingin ulit ito sa kanya na naluluha na ang mga mata. "Nababaliw na ako sa pagkawala ng kakambal ko."
His words shot through her heart. She goddamn know how he feels. Naaawa siya dito. Naiiyak na din dahil naalala ang kuya niya.
Something slammed loudly on the floor. Pareho silang napatingin sa unahan. Isang makapal na libro ang nasa sahig.
Faith saw the real Rain few steps away from it.
"Who did that?" Tanong ni Raimer. Wala itong nakikita.
Kita ni Faith ang walang ekspresyon sa mukha ni Rain pero nanlilisik ang mga mata. Nakatiim-bagang ito at nakakuyom ang mga kamao na nakaharap sa kanila.
Hindi niya alam kung bakit ito nagkaganon at ginawa pa talagang magparamdam na may mortal na tao siyang kasama.