Download App
30% Perfectly Unordinary (Tag-Lish) / Chapter 9: Chapter 9: SOUL

Chapter 9: Chapter 9: SOUL

Mas gumaan ang pakiramdam ni Raimer sa narinig na sinabi ng katulong. Dinalaw siya ni Michelle. Ramdam niyang papalapit ito, may dalang isang basket ng prutas. Tumayo sa kanyang tabi. Nakita niya sa mga mata nito ang kasiyahan at pagniningning niyon. Parang iiyak anytime. Sumilay ang ngiti nito sa mga labi at tumulo na nga ang mga luha. Nanginginig ang kamay nitong itinaas at hinaplos ang pisngi niya.

"Thank God, you're really alive!" She exclaimed, agad yumakap ito sa kanya. Her cheeks lay on his chest and he can feel it warming because of her tears.

Labis ang kasiyahang nadarama ni Raimer dahil sa reaksyon ng babaeng mahal niya. Pero hindi maiwasang maisip na mas higit pa ang naging reaksyon nito nang makitang ayos din ang kakambal.

"Um, sir, labas lang po ako, bibili ako ng makakain nyo." Hindi na hinintay ni Lina ang sagot niya at lumabas na.

Umayos na rin ng tayo si Michell at pinunasan ang luha. "I'm sorry. Masaya lang talaga ako kasi nakaligtas ka."

Hinawakan ni Raimer ang kamay nito. "Salamat, Michell." Nginitian niya ang dalaga.

"Syempre, Rain. Alam mong mahal kita kaya ganito ako kasaya." Muling tumulo ang luha nito habang nakangiti.

Ramdam niyang may sumaksak sa dibdib niya nang marinig ang pangalan ng kakambal. Binitiwan niya ang kamay nito. "Rain? Ako si Raimer, Michell." Huminga siya ng malalim, naninikip ang dibdib niya sa bigat na nararamdaman. Inaakala lang pala nitong siya si Rain.

Umiling si Michell. "Rain, lumaki akong kasama kayo ni Raimer. Kaya alam ko ang kaibahan niyo. You both have the same features in your faces but only one of you makes my heart beat. Alam mong ikaw yun, Rain." She bit her lips to stop from trembling. She'll never stop confessing her feelings to him kahit ilang beses pa siyang itakwil at tanggihan nito.

"Stop calling me 'Rain', I am not him!" Bulalas ni Raimer. Mas lalo lang kasing sinasaksak ang puso niya sa mga sinabi nito.

"Rain, wag kang magbiro ng ganyan." Patuloy pa rin ang pagdaloy ng luha ni Michell. Hinawakan niya ang kamay nito. "Please don't play jokes like this about your twin." Nakikiusap na ang mga mata niya dito.

"Get out." Sambit ni Raimer na nakatitig pabalik. Binawi ang kamay na hawak nito. He can't bear the pain anymore. All she can see in him is his twin. "Please, stay away for now." Pakiusap niya, ayaw niya muna itong makita.

"Okay.." Pagsuko ni Michelle. Dahan-dahan siyang umatras palayo dito at tumalikod para kunin ang bag sa sofa. Tinungo niya ang pintuan, she held the doorknob and stopped. Lumingon uli kay Rain, his eyes are already closed. Kahit ayaw umalis sa tabi nito ay alam niyang she needed to give him time alone. Binawi na niya ang tingin at nagpatuloy na sa paglabas.

Pagka Martes, sa gilid ng kalsada ay nakahiga pa rin si Rain. Tumataas na sikat ng araw. In his sleep, naalimpungatan siya sa ingay, dahilan ng unti-unting pagmulat ng mga mata niya. He blinked a few times para luminaw ang paningin. When he saw a car driving past away in front of his face, it made him jerked up to stand.

"What the fuck!" Mura niya sa gulat. Kahit malayo na yung kotse ay sinigawan pa rin niya ito. "Hoy! Papakulong talaga kita pag nadaplisan or nabangga mo ko non!" Hinihingal pa siya.

Pagkatapos nang ilang sandali ay kumalma na rin. He looked around. Nagtataka kung bakit nandon siya at nakatulog pa. Nasa loob siya mismo ng yellow tape at may sign na 'caution'. Tapos may malaking punong kahoy na halatang may bumangga dahil nagkabakas yun. Naisip niyang may nangyaring aksidente sa kinatatayuan niya. He was about to turn around when he knelt down from the suddden pain of his head. A glimpse of an event occured in his mind. Him and Raimer laughing inside his car. He's the one driving. Rain cupped his temple with both hands. The laughing stopped suddenly, the sound of squeaking tires buzzed in his ears, the rush of wind and adrenaline. The car is out of control and Raimer's side bumped by the truck. Shattered glasses rained on them. Rain braced himself from totally kneeling on the ground. He grunted in pain, eyes closed, gritted his teeth, resisting to let out a howl. A sweat started to form on his forehead. Raimer's body bumped to him. The car's been pushed out of the road and slammed to a big tree, the engine finally stopped. Both of them inside were unconsious. Then the severe pain in his head started to gradually fade. His sweat trickled down. He slowly opened his eyes when the pain is just barely felt, catching his breath now. His heart still pounding so loudly.

Tumayo siya ng maayos at humarap ulit sa puno. The same tree he'd seen flashed in his mind. Nanlaki ang mata niya at napaawang ang bibig. "No.." Sambit niya na umiiling pa at umaatras. Napalunok siya. "That's not true!" Hindi makapaniwalang sabi.

Sa kakaatras ay di niya namalayang nakalabas siya sa caution tape. That made him stop. Nagtaka sa nangyari. Humakbang sya paabante and stopped right before it. Tinaas niya ang isang kamay at dahan-dahang inilapit dito para hawakan. Pigil niya ang hininga sa hindi inaasahang mangyayari. Then, when he's about to touch the tape, it slipped through his touch, his hand slipped through it and felt the tingling cold. Inulit-ulit niya ang pagsubok na hawakan yun pero palaging lumalagpas lang sa kamay niya na parang hangin. Nakakaramdam din ng lamig ang kamay niya paglumalagpas yun sa tape.

"What's freaking happening?" Nagugulohang tanong niya na sapo na ang ulo. Tumingin uli sya sa paligid. Nakitang may paparating na sasakyan. Naglakad siya patungong gitna ng kalsada at tumayo doon. Gusto niyang kompirmahin ang nasa isip. Kung hihinto ang sasakyan ay malamang nakikita siya at buhay pa. Kung hindi.. Patay na.

Papalapit na ang kotse sa direksyon niya, palakas ng palakas ang kaba sa kanyang dibdib. "Huminto ka or else papatayin kita!" Banta niya dito na masama ang tingin.

Hindi pa rin bumabagal ang takbo ng sasakyan, sobrang lapit na nito. Mataman niya itong tinitigan at nang nasa harap na ang kotse ay napapikit siya sa lamig na bumalot sa kanyang katawan. Nilagpasan nga siya ng kotse. Napamulat siya at sinundan nalang ito ng tingin. Normal na ulit ang temperatura ng katawan niya. "Swerte ka una akong namatay sayo." He mumbled, then laughed. Napatawa nalang sa nangyari.

A truck passed through him as he felt the tingling cold sensation again. He really is dead. Tumabi na siya sa kalsada. Naghihimutok na ang mukha niya, di namalayang lumalamig ang pisngi dahil sa luhang dumadaloy. Napasalampak na siya sa lupa at natulala. He is dead, fucking dead. He's not ready for this. Marami pa siyang kailangang gawin, gustong gawin. Then he raised his head, naalala ang pamilya niya, si Raimer. Tumayo siya.. And then what? Di niya alam ang gagawin. Pano siya makakapunta sa kakambal niya? Then he thought of something, he focused his mind. Concentrated really hard that his forehead knotted. Yet, nothing happened as he opened his eyes. "Akala ko ba sumusulpot nalang ang mga multo sa kung saan nila gusto. Bakit walang nangyayari?" Tanong niya sa kawalan, napabuntong-hininga siya. Guess, hindi totoo ang mga napapanood niya.

May sasakyan ulit na paparating. Naisipan niyang makisakay. Pero napatawa siya sa naiisip. Lumalagpas nga kasi sa kanya ang mga bagay, pero wala namang mawawala kung susubukan niya. So, he walked up to the middle of the road again. Palapit na ang sasakyan, he focused and get ready to ride with it. He braced himself, nasa harap na niya ang kotse, hindi niya pinikit ang mga mata. He felt the coldness as it passed through him then suddenly, he bounced on the backseat.

Ikinagulat niya yun, then a smug look itched on his face. "Ganon pala yun.." He's still amazed. "Cool." Then he looked at the rearview mirror to see who's driving. Lalaki at hindi niya kilala, wala itong ibang kasama. Malinis naman ang amoy sa loob at ang kotse mismo kaya komportable na rin siyang naupo. He tried to touch the ceiling, lumagpas ang kamay niya don at nararamdaman ang lamig at ang hangin sa ibabaw. Binaba na rin niya and folded his arms. Di niya alam kung san pupunta ang sinasakyan, he's hoping na dadaan yun sa mansiyon nila.

After five minutes of ride, napansin niyang doon nga ito dadaan. Their mansion is not really located at the side of the road, kailangan pa kasing pasukin yun, private property na din nila ang daanan. Insaktong pagliko ng kotse sa ibang direksyon ay tumalon palabas si Rain kahit tumatakbo pa ang sasakyan, hindi naman siya natumba dahil marunong siya sa mga stunts.

Naglakad na rin siya papasok, tahimik ang paligid. Matapos ang ilang minutong paglalakad ay lumiko na rin siya. Bumungad na sa kanya ang higanting gate ng mansiyon, bubong lang ang makikita sa labas. Hindi pa siya pumasok agad dahil di pa siya handa sa kung anong masasaksihan sa loob. Makikita kaya niya ang katawan sa kabaong? Ang kakambal niya, ano ang kalagayan nito? Ano ang reaksyon ng magulang niya ngayong patay na siya? At hanggang kailan siya mananatiling kaluluwa? That are just few of the questions running on his mind. Never siya ready sa ganitong pangyayari.

He heaved a deep breathe. Determined to find out everything though he's afraid. He gulped and straightened himself. Nagsimula na siyang humakbang patungo sa gate, naramdaman ang lamig sa buong katawan at lumagpas din. He's finally inside. Bumungad sa kanya ang malaking de kuryenting fountain, maingay ang lagaslas ng tubig. Hindi na niya pinansin yun at nagpatuloy sa paglakad, umakyat sa loob at nagtaka sa nakita. Tahimik ang buong bahay. May ilang katulong sa paligid, busy sa paglilinis, pag-aayos at paghahanda ng kung anu-ano. Halata sa mukha ng lahat ang kalungkotan. Wala siyang naririnig na nagchichikahan, nagsisigawan sa pagtawag sa isa't isa. Hinanap ng mata niya si Makoy, ito ang head ng mga katulong nila. Pumunta siyang kusina nang may narinig na nabasag galing don.

Pagdating niya ay isang katulong ang nakaluhod sa sahig ang nakita niya.

"Ayusin mo ang trabaho mo, Maureen." Puna ng kusinero dito.

"Pasensya na po, 'tay." Umiiyak na paumanhin nito sa ama.

"Kunin mo na ang walis at dustpan don, wag mo kamayin yan, masusugatan ka." Tinulungan ito ng ina na tumayo.

"Opo." Tumango si Maureen at kumuha ng gamit panlinis.

Isang pamilya ang nagtatrabaho sa kusina nila. Si Maureen ang bunsong anak ng mga ito, na may paghanga kay Raimer. Matagal ng naglilingkod sa kanila ang pamilya kaya malapit na din siya sa mga ito.

Tumalikod siya don at mas tinibayan ang puso. Tinungo niya ang hagdan papunta sa kwarto ng kakambal. Dinadaanan lang siya ng lahat. Mabigat sa loob niya yun dahil nasanay siyang binabati at nginingitian ng mga ito.

Habang naglalakad sa koridor ay may narinig siyang kalabog sa kwartong dinaanan niya. Humakbang siya pabalik at huminto sa harap ng pinto. This is their parents' room. The master's bedroom in the mansion. Makapal kasi ang walling kaya hindi niya masyadong narinig ang mga magulang na nasa loob pala. Rinig niya ang kabog ng puso sa dibdib. May narinig pa siyang ingay ng kung anong nabasag galing sa loob. So he immediately stepped through the wall.

Hindi niya inaasahan ang bumungad sa kanya. His always uptight, cold and unbreakable parents, are not what he's seeing right now. Randy Azarcon, his father, is standing in the middle of the room in a black wrinkled polo, un-tucked, his fists are clenching and unclenching. Tumingin siya sa mukha nito at nakita ang pamumugto ng mata, pamumula. Della Azarcon, his mother, sitting on the bed while silently crying, looking at her husband. She's wearing a black blouse and no make up at all. Minsan lang niya makita na hindi ito nagmamake-up. His parents both have fair skin and in their late 40's, halata pa rin ang pagiging gwapo at maganda ng mga mukha nila.

"Please, stop it Randy." Umiiyak na pakiusap ni Della sa asawa. Lumapit na ito dito at hinawakan sa siko pero kumawala ito at nagtungo sa cabinet.

"Kasalanan niya ang lahat ng 'to!" Iwinakli nito ang lahat ng nasa ibabaw non at maingay na nahulog at nagbasagan ang mga figurines sa sahig. Humarap ito sa asawa na humahangos dahil sa emosyon. "Kung hindi sana niya sinama ang kapatid niya, hindi ito mapapahamak!" Pagsigaw nito.

Napaatras si Della. "Hindi nila sinadya ang nangyari. They both knew what they're doing!" Depensa nito sa mga anak, matapang na rin na sinasagot ang asawa dahil pagod na sa pakikiusap na huminahon ito.

"Sana nagpasundo sila o nagpahatid man lang!" Nakapameywang na si Randy, umiiling habang hinihilamos ang isang palad sa mukha. Tinungo nito ang kama at naupo na rin, he leaned forward, nakapatong ang mga siko sa tuhod. "Hindi sana nangyayari ang mga to.." Bumaba na ang tono ng boses at nakatango ang ulo. "Hindi sana namatay ang isa sa.." His voice broke, and a tear fell down. "Kanila." Pagtatapos nito at sunod sunod na ang mga luhang tumutulo sa sahig.

Lumapit si Della sa asawa at niyakap ito. "It's not just they're fault. Kasalanan din ng driver ng truck dahil wala siya sa linya niya." Nag-uunahan din ang mga luha nito sa pagtulo.

"I'll make sure he'll rot in jail." Matigas na sabi ni Randy na nakakuyom ang mga kamao. "He'll pay for what he did to our sons."

"Yes, hon.." Pagsang-ayon ni Della.

Mabuti nalang ako ang namatay.. Isip ni Rain. Kanina pa tumulo ang luha niya sa nagaganap sa kanyang harapan. Hindi niya inaasahan na masasaksihan ang ganitong kalagayan ng mga magulang. If it's Raimer, hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Lumapit siya sa kanyang mga magulang na nanginginig ang mga tuhod. Huminto sa harap ng mga 'to at dahan-dahang itinaas ang isang kamay. He intended to touch his mother's face. But his hand just went through it. Naikuyom niya ang kanyang kamay at napaluhod sa harap ng mga ito.

Nagbagsakan uli ang mga luha niya. "Gustong-gusto ko kayong hawakan.." He looked at them, his heart breaking inside. "But I can't." Nauubusan na siya ng pasensya sa sitwasyon niya. "I freaking can't!" He let out his frustration. "Sana naririnig niyo ko.. Nandito lang po ako sa harap niyo, ma, pa.. I'm right here! Makiramdam naman kayo.." Kahit gaano pa siya sumigaw sa harap ng mga ito ay walang nagbabago. They still can't see, hear or feel him. Nothing at all. Nanatili lang siyang nakaupo sa sahig habang tahimik na umiiyak.

After a few minutes nagsalita ang papa niya dahilan para mapalingon ulit sa mga ito.

"Let's go. Puntahan na natin siya." Anyaya ni Randy sa asawa.

Tumango lang si Della, binitawan na ang asawa at kinuha ang bag sa bedside table. Di na nito inayos ang sarili. Tumayo na rin si Randy at nauna sa pintuan, hinintay na unang makalabas si Della. Sumirado na ang pinto at agad tumayo si Rain, sinundan ang mga magulang.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C9
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login