Summer's Outlook
Pinilit kong habulin sila Angeline at Lucas pero hindi ko na nahanap. Masyadong mabilis si Lucas hanggang sa nawalan na ako ng pag-asa.
Kaya naman mabilis akong umuwi at pumunta sa palasyo ni tito Leonard. Dapat n'ya siguro ito malaman. Ang tungkol kay Lucas at sa newscaster na si Angeline Margoxx.
"Miss Summer. Buti naman po at dumating na kayo. Kanina pa po kay hinahanap ni Master Leonard." Pagsalubong sa'kin nang isa sa mga utusan ni tito.
"Asan si tito?" Hindi ko pinansin ang sinabi n'ya at tuloy-tuloy lang akong pumasok. Inalintana ang sinabi n'yang kanina pa'ko hinahanap ni tito.
"Nandito po miss Summer." Ang sabi ng sumalubong sa'kin at pinasunod ako sa kanya.
Wala naman na akong ibang nagawa kundi ang sundan ito.
Habang naglalakad hindi ko mapigilang mag-isip. Paano nagawa sa'kin 'yun ni Lucas? Ng dahil lang sa inggit tinapon n'ya ang pagkakaibigan namin?
At saka si Angeline. Naawa ako sa babae dahil pati s'ya ay nadadamay sa gulong ito. I wish na lang talaga na makaligtas s'ya mula sa kapag ni Lucas.
"Nandito po sa loob si master miss Summer!" Tumigil kami sa labas ng isang pinto.
Tumango naman ako sa kanya. Senyales nang pagpapasalamat saka naman ito kumatok ang tatlong beses.
"Master nandito na po si miss Summer!" Ang sabi ng kasama kong babae saka pinihit pa bukas ang pinto.
Inilahad n'ya ang kamay na parang sinasabi na pumasok na'ko sa loob. Tumango ulit ako at nagpasalamat.
Pumasok ako sa loob at bumungad sa'kin si tito na habang nakaupo at parang malalim ang iniisip. Humarap s'ya sa'kin nang siguro'y naramdaman n'ya ang presensya ko.
"Tito. Alam ko na kung sino ang gumagawa ng lahat ng ito!" Bungad ko sa kanya.
"Iyon din ang sasabihin ko sa'yo Summer!" Nagtaka naman ako sa sinabi n'ya.
"Tito?" Takang tanong ko sa kanya.
Tuminhin s'ya sa'kin saka tinapik ang upuan sa tabi n'ya. Parang sinasabi n'yang umupo ako doon kaya 'yun naman ang ginawa ko.
"Tito alam ko na po kung sino ang sunabotahe sa'kin. Pumunta ako sa dati kong laboratoryo at may nakita akong USB. Naglalaman 'yun nang lahat ng data ko. And nakita ko doon ang virus na sumira sa plano ko.
I trace kung saan galing ang virus and I found out na galing ito sa isang newscaster na si Angeline Margoxx." Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Kailangang malaman iyon ni tito para magawan na n'ya ng paraan.
Kase habang tumatagal ang problemang ito mas lalong nagiging komplikado ang lahat.
"Angeline Margoxx? Anong koneksyon n'ya sayo?" Takang tanong n'ya sa'kin.
"Iyon nga din po ang tanong ko kaya hinarap ko s'ya. Pumunta ako sa TV station kung saan s'ya nagtatrabaho at sinabi n'ya sa'kin ang totoo."
"Tito Leonard. Si Lucas ang may gawa ng lahat nang ito. S'ya ang nag-utos kay Angeline na sabotahe-hen ang proyekto ko. Tito hindi s'ya tao. Isa s'yang halimaw. Sobrang inggit n'ya sa'kin. At kanina po, hinarang n'ya kami ni Angeline. Tito kinuha n'ya si—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng magsalita na si tito.
"Summer hindi naman yata kapani-paniwala ang mga sinasabi mo?" May bahid nang pagtataka sa kanyang mukha.
"Tito kitang kita ng dalawang mata ko. Kitang kita ko kung paano n'ya kunin si Angeline kanin—" sa pangalawang pagkakataon ay hindi ko na naman natapos ang aking sasabihin.
"Summer. Iyon ang sasabihin ko. Sasabihin ko na sayo ang lahat-lahat nang nalalaman ko." Hindi ko alam kung bakit pero kinilabutan ako sa kung paano n'ya sabihin ang mga bagay na iyon.
Nagulat na lang ako ng biglang na lang pumula ang kanyang mata at sa isang iglap ay nagkaroon na s'ya ng pangil.
Napaatras ako sa'king nakita.
"Ti-to?" Anong nangyayari? Anong nangyayari sa kanya? At bakit naging ganito din si tito kagaya ng kay Lucas?
Tatakbo na sana ako ng hawakan ni tito ang kamay ko. Tumingin ako sa kanyang mukha saka nakita kong unti-unti ng bumabalik sa dati ang kanyang mukha.
"Summer." Hindi ako makapagsalita. Kakaibang tito Leonard ang nakikita ko.
"Summer hindi kami tao. Isa kaming bampira!" Para namang binuhusan ako ng isang baldeng yelo sa'king narinig.
So all this time tama ang hinala ko? Pero kami? Sinong tinutukoy n'ya? Si Lucas ba? O si Walts?
"Ti-to? Ka-kayo? Nin-no?" Hindi ako makapagsalita. Nanginginig ako sa kaba.
Ito na ba ang kasagutan na matagal ko ng hinahanap? Kay tito Leonard ko lang ba malalaman?
"Summer kami. Ako, si Walts at si Lucas." Boom! Para namang isang bomba ang sinabi n'ya.
Bampira. Sila!?! Pero paano nangyari? Bakit hindi ko napansin? Bakit?
"Summer. Nu'ng dumating ka sa'min iba na ang naramdaman sa'yo ni Walts. Ang sabi ni'ya sa'kin ikaw daw ang babaeng papakasalan n'ya.
Kaya naman inutusan n'ya si Lucas na bantayan ka. Kahit saan ka pumunta ay nandoon din si Lucas. Sa utos iyon ni Walts." I don't know what to say. I'm speechless!
"Tito how come na hindi ko napansin? Cause as fas as I remember. Vampires don't eat human foods, and they don't breath. How come that you all a vampire?" Takang takang tanong ko sa kanya.
"Summer. It's already 3015 years. Hindi na s'ya kagaya noong ibang taon. High tech na din pati ang vampire world. We created a devices that will us all vampires para makipag salamuha sa mga tao." Sa sinabi n'yang iyon ay napaisip naman ako.
He has point. Hindi lang ang human world ang nag a-update.
"And Summer. We're not only vampire. I am the king of the vampire world. And since Walts is my son. He is the vampire prince." Wa-what? Hindi ko na ma-absorb ang mga sinasabi ni tito.
Hinawakan n'ya ang kamay ko saka ako tiningnan ako sa mata. Para bang binabasa n'ya ang aking isipan gamit ang aking mga mata.
Pero wait. Kung bampira si Walts. Hindi imposible na mapunta ang pag-iisip ni Walts kay R-man?
"Tito. Kung bampira si Walts. Posible ba na mapasok n'ya ang pag-iisip ni R-man? Kase pagkatapos mamatay ni Walts. Bigla na lang nagbago ang mga kinikilos ni R-man. At hindi ko alam pero nakikita ko sa pagkatao ni R-man si Walts." Hindi nagsalita si tito. Parang nag-iisip s'ya.
"Lahat nang bampira Summer ay may kanya-kanyang natatanging kapangyarihan. At si Walts, kaya n'yang pasukin ang pag-iisip ng isang tao at pasunurin sa kung ano man ang gusto n'ya gamit lang ang isip.
But I'm not sure kung kaya n'yang ilipat ang pag-iisip n'ya sa isang tao and worst sa isang robot." Para namang nabuhayan ang dugo ko sa narinig. May posibilidad.
"Para makasigurado tayo kung lumipat nga ang pag-iisip ni Walts kay R-man. Kailangan nating kausapin ang vampire council ukol dito." Tumango tango naman ako sa kanyang sinabi.
Kung kanina at may bahid ng takot pa sa aking katawan. Ngayon ay tila natatanggap ko na ng unti-unti ang lahat.
There's no room para sa takot. Iyon ang na-realize ko. Sa dami na ng nakaharap ko na hindi gawiin ng mga tao ay ngayon pa ba ako matatakot? Kailangan ko lang harapin ang katotohanan.
"And hindi lang iyon Summer. Alam ko ang mga nangyayari sayo. Tungkol kay L, sa paggawa mo ng robo hand, sa lahat lahat." Alam niya? Paano niya namalan?
"I have source Summer. I won't be the king of the vampire world and the president of the human world for nothing." Sabi niya na parang nababasa niya ang aking isipan.
"And you know what's your biggest mistake bukod sa ginawa mo si R-man?" Nagtaka naman ako sa sinabi niya.
Biggest mistake bukod kay R-man? Ano?
"Ano tito?" Tanong ko kay tito Leonard na ngayon ay nakatayo na sa aking harapan.
"Ang paggawa mo ng robo hand. Summer you didn't knwo kong anong ginawa mo.
Alam mo ba na kaya ka gustong patayin ni L dahil sa gusto niyang maunahan ka bago mo pa malaman ang sekreto ng silver dagger na binigay sayo ni Walts?" Huh? Sekreto ng silver dagger? Iyon ang dahilan kung bakit ako ginugulo ni L? Or should I say ni Lucas?
"Summer. The silver dagger na binigay sayo ni Walts ay ang pinaka-makapangyarihang sandata sa mundo ng mga bampira. Ang silver dagger ay isa sa dalawang sandata na naging kasunduan nang mga black vampire at nang royal vampire." Hini ko maintindihan ang mga sinasabi ni tito.
"Ang silver dagger ay ang tanging bagay na kayang patayin ang lahat ng bampira na binigay naman sa aming mga royal vampire para alagaan. Samantalang ang golden dagger naman ay may kapangyarihan magbigay buhay sa bampiramg sumakabilang buhay na ang nagtatago naman ay ang black vampire." Wait. Hindi ko talaga maintindihan. Ano o sino ang black vampire at ang royal vampire?
"Pero isa lang ang rules sa dalawang sandatang ito. Hindi na kayang buhayin ng golden dagger ang mga pinatay na ng silver dagger at ganon din ang silver dagger. Hindi na kayang patayin nang silver dagger ang mga binuhay ng golden danger." What?
"Tito hindi kita maintindihan. Sino ang black vampire at ang royal vampire?" Takang tanong ko sa kanya.
Napabuntong hininga naman siya saka muling nagsalita.
Kami. Nila Walts at ang mga nasasakupan ko ang Royal vampire. Samantalang ang black vampire nama ay sila L. Hindi ko pa lubosang kilala kung sino si L dahil hindi s'ya nagpapakilala.
"Hindi ba tito na si L at Lucas ay iisa?" Tama naman ako 'diba?
Si Lucas lang naman ang pag motibo sa mga nangyayari.
"Hindi pa tayo sigurado Summer. Hindi tayo dapat magpabigla-bigla sa mga desisyon natin. Kailangang pag-usapan ang lahat." Napatango naman ako sa sinabi ni tito.
Dahil pati naman ako ay hindi pa din lubusang naniniwala na si L at Lucas ay iisa. Dahil hindi ganon ag pagkakakilala ko kay Lucas.
Itutuloy...
— New chapter is coming soon — Write a review