Lola's POV :
"Haay salamat, natapos ko din."
Nilinis niya ang buong bahay. Nakatulog na rin si Angel sa kuna nito. Nanlalagkit na siya kaya't napagpasyahan niyang maligo muna. Nang masiguro na safe na ang pwesto ng baby sa higaan nito ay tumuloy na siya sa banyo.
Malakas ang buhos ng tubig sa katawan niya. Enjoy na enjoy siya sa mainit na tama ng tubig sa balat niya. The best talaga kapag hot shower.
"Yuhoooo!"
Huh? Sino yun? Rinig niya mula sa banyo ang tinig ng isang babae.
"Brad?"
Teka, mukhang may nakapasok yata. Ni lock ko naman yun ah. Pinatay niya ang shower at nagmamadaling hinablot ang robe at towel.
Patay! Naiwan ko pa ang pamalit ko sa sala. Dahil walang sariling banyo ang kwarto nila ni Angel, sa kusina siya naliligo.
Dahan dahan niyang binuksan ang pinto.
"Brad? Granny is here!'
Granny?
Nagulat siya ng sumilip ito sa kusina.
"And who are you woman?"
Oh my!
****
Brad's POV :
"Guys pack up na tayo!" Sigaw ng direktor sa kanila.
Unang araw ng shooting ng movie na pinagbibidahan nila ni Victoria. Wala itong pagkakataon na sinyang na hindi nito sinubukang lapitan siya at makipag ayos. Todo naman ang iwas niya. Darn. Why did I even fall for this woman?
Nakita niyang papalapit si Victoria sa pwesto niya. "Uhm.. Brad, since we finished early. I was thinking to invite you if can we have dinner together? Err... I mean the whole team?"
"You already know what's my answer with that", matigas niyang sagot.
Tinapik siya ni Jack sa braso. "Are you coming?"
"I have to go home", tanggi niya.
"Wow. This is the first time I'm hearing this from you. Dati ikaw pa ang nag aaya dahil---", napahinto ito sa pagsasalita ng mapansin ang tensyon sa pagitan nila ng babae. "Oh... I see."
"Can I have my phone back?" Wika niya kay Jack.
Iniabot nito ang phone niya. "Kanina pa nga tunog ng tunog yan eh. Did you give your phone number to someone lately?"
Napangiti siya ng maisip kung kanino galing ang mga mensahe. "None of your business. I need to go."
Habang naglalakad binasa niya ang inbox niya.
*
From : Unknow number.
8:00AM
Helooooo. Si Lolita ito, Lola for short!
*
8:30AM
Lumabas kami ni Angel sa park. Ang cute cute ng mga bata. (╯3╰)
*
8:35AM
Dadaan kami for grocery. Anong gusto mong dinner? Ay! Uuwi kaba?
He laughed. Binasa niya muna ang susunod.
*
10AM
Red alert! Red alert!
Napakunot noo siya. Mabilis niyang ini-scroll down para sa susunod mensahe.
10:01AM
I don't know what to do. Nandito si Lola mo!
*
10:03AM
I mean your Granny. Literal. What to do?
Yun na ang huling mensahe. Matagal bago nag sink in ang sinabi nito. Ng mapagtanto na ang tinutukoy nito ang lola niya ay mabilis pa sa alaa kwatro na sumibad siya ng alis.
I'm in big trouble!
Victoria's POV :
Nakatingin pa rin siya sa papalayong si Brad. Masyado pa rin itong mailap.
"Hey Jack!", nginitian niya ito ng matamis."
"Yes?"
"Is Brad dating anyone right now?"
"That I don't know", maikling sagot ni Jack. "Hindi ko masyadong pinapakelaman ang personal life niya."
"I see", sagot niya.
Tumango lang ito at nagpaalam.
Pasasaan ba at mapapasaakin din si Brad. I had him once, I will have him again.
***
Brad's POV :
Atras abante siya habang nakatayo sa harap ng pinto. Tila may humihila sa katawan niya papalayo.
Darn it.
Mga ilang minuto pa ang pinalipas niya para mag ipon ng lakas ng loob. Dahan dahan niyang pinihit ang door knob ng pinto.
Para akong nasa horror movie nito ah.
Nang malaman niya na nasa bahay niya ang kanyang lola ay nagmadali siyang tumakbo pauwi.
Lolita can't handle Granny. Yun agad ang pumasok sa isip niya. Nasa states ang magulang niya kaya't ito rin ang nagpalaki sa kanya sa Davao. Nang magdesisyon siyang mag artista isa ito sa nagprotesta dahil alam nitong mapapalayo siya dito. Pero dahil naging matigas ang desisyon niya wala rin itong nagawa sa huli.
Naging istrikta ito sa pagpapalaki sa kanila kaya't ang malamang nasa loob ito ng pamamahay niya ay nag hatid ng lamig sa katawan niya. Alam niyang sa mga oras na 'to nakita na nito ang baby.
Pagbukas nya ng pinto ay nakiramdam muna siya. Tahimik ang paligid, pagbaling niya sa sofa ay nakita niyang nakaupo sa tabi ni Lolita ang lola niya.
"Here you are. I expected you'll come sooner hijo", nakangiti ito pero hindi abot sa mga mata.
Geez. Napalunok siya.
"Granny, what took you hear?" Lumapit siya at humalik sa pisngi nito. Tiningnan niya si Lola pero nakatuon lang ang mata nito sa iisang direksyon.
Mukhang hindi ito nakaligtas sa bagsik ni Granny ah. Tsk!
***
Lola's POV :
Shit! Parang sasabog ang puso ko nito!
Naalala niya ang nangyari pagkakita nito sa kanya.
30 minutes before Brad came in.....
"So, tell me is this Brad's daughter?"
"Ahm- Y-Yes po", sagot niya. Yun naman ang sabi ng nanay nito ah.
Tumango tango ito. Halatang nag iisip. Nakaupo sila sa sofa nun habang nag uusap.
"She looks just like him", ngumiti ito.
Gulat na napatingin siya dito. Tanggap na nito agad?
"But", tumitig ito sa kanya. "Im still not sure about your intention to my grandson."
Napakunot siya. "P-Po?"
"I have to make sure na hindi mo lolokohin ang apo ko. Not to offend you, but I didn't expect your kind to be his type."
Aray! "N-Nagkakamali po kayo ng inaakala-"
Tumingin ito sa pinto. "There you are. I expected you'll come sooner hijo", nakangiti ito pero hindi abot sa mga mata.
Brad!
"Granny, what took you hear?" Lumapit ito at humalik sa pisngi ng matandang babae. Napansin niyang bumaling ito sa kanya pero hindi siya makatingin dito. Lito pa rin siya sa nangyayari.
Sa sinabi ng lola nito ay napagkamalan yata siya nitong nanay ni Angel at may relasyon sila ni Brad. Kailangan maitama ko kung ano man ang iniisip niya!
"Ahm- Ma'am---", wika niya. Pinutol nito ang sasabihin niya.
"I don't want to hear any excuses. Wala na tayong magagawa, nandyan na ang bata ", ani nito. Humarap ito sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. "I want both if you to come home para makilala namin siya ng Grandpa mo!"
"What?!", sabay nilang sambit ni Brad. Nanlaki ang mga mata niya.
"G-Granny--"
"Ma'am--"
Biglang sumeryoso ang mukha nito at tumalim ang mga mata. Bigla siyang natakot sa ekspresyon ng mukha nito. "Is there any problem with that?"
Nang walang nakapag salita sa kanila, ngumiti ito uli at hinarap siya. "Welcome to the family hija!"
Patay na talaga! Ano ba 'tong napasukan mo Lolita?
Paragraph comment
Paragraph comment feature is now on the Web! Move mouse over any paragraph and click the icon to add your comment.
Also, you can always turn it off/on in Settings.
GOT IT