Iniwan siya ni Paige noong tawagin ito ni Benny. Sasama sana siya rito pero pinili niya ang sumunod kay Zedrick sa Kamalig. She saw him took some dried grass and transferred to the box. When he felt his body filled with sweat, he tugged the bottom of his shirt and removed it.
She almost held her breath when her eyes drifted on his sizzling pecks and flexing shoulders. Nakita niya na iyon noong sa Rios De Rima, pero ngayon ay malapitan.
His body is smoking hot. Geezes.
He crouched to lift the box and brought it to the back side. His groan was like a growl of a hungry beast. And his sweaty body looks damn ravishing and sexy, it illuminates the not so dark barn house. He goes back to take more boxes but he immediately stopped when he finally noticed her. "Thaysky?"
Imbes na ngitian ito'y kumunot ang noo niya sa naramdamang kakaiba sa pagbigkas nito ng kanyang pangalan.
"Hindi pa tapos ang klase mo. Anong ginagawa mo rito?" Tanong nito, muling isinuot ang puting t-shirt.
She looked away and pretended she didn't see anything. Doon siya bumaling sa kahoy na poste para lumapit. "What about you? What are you doing here?" Sinulyapan niya ito kung tapos na.
Nakabihis na ito at kasalukuyang binubuhat ang natitirang kahon.
Hindi niya maiwasang mapansin ang braso nito. They were firm and tight. Even his thigh and butt they were on their right places.
"Visiting the horses." Sagot nito habang pinupunasan ang braso at loob ng katawan.
"Mamaya makakasakay na kami sa kabayo. Will you be here by that time?"
"I'm not sure. Maluwag ang oras ko ngayon kaya narito ako." Hindi manlang siya nito nilingon noong dinampot ang bottled water at uminom.
Sa isang iglap ay bigla siyang nanliit dito. Matured men are not her type, but Zedrick is different. He is definitely an eye catcher or someone you couldn't ignore. Yummy and sexy is underrated compliment for him. Kung tutuusin puwede siyang prospect para ipangdapa kay Violet, pero wala siya sa kalingkingan ng mga posibleng tipo nito. Marahil ay mga matured models na may magagandang katawan at mukha.
"Aalis na ako." She watched him feed the horses. Hindi pa rin siya nililingon. Am I disturbing him? Tumalikod na siya at umalis. Naabutan niya si Paige na kasama si Benny na plano sanang pumasok. k
Pinigil niya na at hinila pabalik sa klase.
"Anong sabi ni Kuya?"
"Be careful on riding the horse," matamlay niyang sagot.
Ganoon siya hanggang sa matapos ang sumunod na klase. Ayaw niya na sanang pumunta sa training kung hindi lang kay Eury na pinaalalahanan pa siya.
"Ingat ka sa pangangabayo, Sky. Magpapadala ako ng extra t-shirt mo." Eury waved at her before she closed the window and left.
She is silent the whole discussion. Alam niya na kasi ang safety protocols at basic, kaya inubos niya ang oras sa pag-research kay Zedrick sa social media.
Maybe he didn't use his real name? She thought when she couldn't found him to IG or FB. She is bothered by Zedrick's treatment a while back. Hindi niya alam kung kaya ito tahimik ay ayaw pagambala o may may iba pang dahilan?
"Okay. Paki-assure lang na may partner kayong HBR committee para maiwasan ang aksidente," the president of the Club announced.
Naki-ayon siya sa pila at ngumiti sa kabadong si Paige. Umamin kanina ito na first time na sasakay ng kabayo. Kaya hindi niya masisisi na nakinig talaga ito sa discussion. Initially, Simon is her partner. But the president rearranged everything again and he became Paige's partner. It was more comfortable for her, especially when she heard that they were out of committee. She can ride a horse without a guide. Nilapitan niya 'yung president. "You know, I don't need a coach or partner. I had an experience so... maybe... I can ride now my horse."
"I'm sorry, Miss. But that's the policy for the beginner. If you want... you can wait on the side or tomorrow."
W-what? Beginner? Na-triggered ang kanina pa niya kinikimkim na galit. Matalim niya itong tinitigan bago lumingon sa tili nang tiling si Paige. Gusto niyang matawa dahil ganoon din ang iba. Hindi niya maintindihan, hindi naman kasi siya naging ganoon noong bago siya. Dahil doon ay kahit papaano ay naaliw siya. Ilang saglit siyang nanatili roon, nagbabakasakaling makaramdam ang mga tao na siya hindi pa nakakasakay.
The time is running. Everyone is getting hype when they learned how to balance or control their horses. Inip siyang tumayo at umalis doon. Kumukulo ang dugo niya sa sobrang inis. How stupid club that they can't accommodate all their newbie? That they let her wait there for nothing.
Wala pa ang driver nila paglabas sa parking. Bumagsak tuloy siya sa tricycle na sakto namang nagdaan. Agad niya itong pinara at sumakay.
"Sa Suniga Manor po," aniya sa driver.
Kinuha niya sa bulsa ang cellphone at nag-text kay Eury na pauwi na siya. Muli siyang sumubok sa IG, hinanap ang surname ni Zedrick. Maraming lumabas pero hindi kabilang si Zedrick doon.
Could it be possible that the people here doesn't know about Instagram? Sarkastiko siyang nagpalatak at inobserbahan ang mabagal na pag-andar ng sasakyan. Hindi niya kilala ang daang tinatahak nila. Napansin din niya ang panay silip ng driver. Kinutuban siya nang masama dahil doon. Hindi pa naman siya sanay bumiyahe.
"Bago ka ba rito, Iha?" Tanong nito bago lumiko.
Bakit kailangang magtanong? Nang makita niya ang Seven Eleven ay pumara siya roon. Nagbigay siya ng isang daan sa Driver. Walang lingon siyang pumasok sa loob ng store kahit pa tinatawag siya nito.
Oh my God! Saan niya ako dadalhin? Saang lugar na ba ito? Dumiretso siya sa Cashier bago nilingon ang umiiling na lalaki. Nang makita niyang umalis ito'y saka siya nagtanong sa kahera. Sinabi nitong sa Sitio Kada.
She texted Eury about her location before she bought something to eat. She starved from her hilarious situation. She couldn't believe that the driver brought her there.
While munching her Oreo, she goes outside and watched the farmers on the other side of the road. They seemed to have fun on teasing the woman who's sitting on the hood of the Jeep Wrangler.
"Hindi ako aalis hangga't hindi siya sumasama sa akin." Tumayo ito. Nilapitan ang isang lalaking naka-uklo na busy sa pag-aayos ng mga naaninang mais. Nang maipon nito iyon sa isang kahon ay itinali saka pinasan. Natakpan tuloy ang mukha kaya hindi niya makita ang itsura. Pero mula sa braso nito hanggang sa matitikas na hantad na dibdib at pecks ay nakilala niya agad.
Zedrick?
He stopped as if he heard her. Binaba nito ang dala sa gilid ng sasakyan at galit na pinukulan nang tingin ang babae. "I already said no, Alby."
Agad tumigil ang babae at luhaang tumakbo palayo. Tinawag ito ng isang binatilyo na kasama sa nagsasaka at sumunod. Zedrick stayed on his position and watched the guy who's trying to chase Alby from running. Alby was disappointed and embarrassed. She slapped the guy and yelled curses.
Poor guy. He maybe likes Alby, but Alby love someone else. Huminga siya nang malalim at muling tumingin kay Zedrick. Napaatras siya sa gulat nang makitang sa kanya ito nakatingin at nakadamit na. She opened her mouth to say something but words can't slip on her tongue.
Tumingin ito kaliwa't kanan bago tumawid. Arogante ang mga hakbang. May pagsilip sa wrist watch bago siya pinukulan nang katakot-takot na tingin.
May tricycle ang huminto sa tapat niya. "Sasakay?" tanong nito sa kanya.
She's tempted to get away with the beast. But she feared to experience again the recent asshole driver.
"Hindi, ho," inunahan na siya ni Zedrick.
Wala na siyang nagawa noong tumango ang driver at umalis.
"Anong ginagawa mo rito?"
Itinaas niya ang hawak na Oreo. "I bought this, why?"
He looked on the biscuit before he stared at her. He seemed not believing, that he knew that she is lying. "Ihahatid na kita sa inyo." Hinuli nito ang kamay niya.
"Our Driver is on the way by now, for sure." She withdraw her hand.
Lumingon ito sa kanya. Lalong tumapang ang pagkakakunot ng mga noo. "It is not safe to wait here alone, Thaysky." Hinuling muli nito ang kamay niya. Mas mahigpit kaysa sa una, tinitiyak na hindi na siya makakawala pa. Masakit iyon kaya wala siyang nagawa kung hindi ang magpahila at sumakay sa harapan. Pabalagbag nitong sinara ang pinto. Saglit na may sinabi sa mga magsasaka bago umikot at sumakay.
Nanatili siyang tahimik at tinitingnan ang braso. Hindi niya maunawaan ang pagiging matigas at magagalitin nito sa kanya. Mukha ba siyang masamang tao at pasaway para ganituhin nito?
Walang imikan sa pagitan nila nang makalagpas sa malaki nilang gate. Malayo palang ay natatanaw na niya ang imahe ng kaniyang tiyahin. May hawak itong pamaypay at kalmadong pinapanood ang kanilang pagdating. Sa likuran nito ang ilan nilang kasambahay at ang driver nila.
Napasilip siya sa kanyang cellphone. Ganoon nalang ang gulat niya nang makitang failed ang huling message niya kay Eury. Oh, shit! Huminto ang sasakyan sa tapat ng tanggapan ng kanilang mansion. Hindi agad siya nakakilos, samantalang ang kasama niya ay nakalabas na.
Kinabahan siya nang lumapit ang kaniyang tiyahin upang salubungin si Zedrick. Binuksan niya agad ang pinto at lumapit na rin.
"Ang aga yatang natapos ng training niyo, Iha?" tanong ng kanyang Auntie.
Tumingin siya kay Zedrick dahil nag-aalangan siyang sabihin ang totoo. Kapag sinabi niya iyon ay tiyak magmumukha siyang sumusunod sa lalaki. Ayaw niya nang maging honest sa harap nito. Ilang beses na yata siyang napapahiya.
"Thaysky? Akala ko nakauwi ka na kanina pa?"
Tumingala silang lahat nang biglang magsalita si Eury mula sa balkunahe. Kunot ang noo nito habang nakatingin marahil sa naghatid sa kanya.
"Zedrick? Ikaw ba 'yan?"
Nagtataka niyang tiningnan ang lalaki. Ganoon nalang ang paglamig ng tiyan niya nang makita ang kaibahan sa mga mata nito.
Is that adoration or attraction?