Download App
94.11% THE DANGEROUS EX-WIFE / Chapter 16: CHAPTER 15: MISSION SUCCESS?

Chapter 16: CHAPTER 15: MISSION SUCCESS?

NAGSISIMULA na ang party nang magpasyang pumasok si Misha sa venue. Mas marami ang tao rito kaysa sa unang party na dinaluhan nila noon. Mas malawak din ang lugar kaya bahagya siyang nangangapa sa gagawin. May ikalawang palapag pa at pawang ukupado rin iyon ng mga tao.

["Nasa second floor ang target."] Pagbibigay impormasyon ni Harris mula sa earpiece na suot niya. 

"Okay. Copy that!" Bahagya rin niya itong tinanguhan nang makita ang lalaki sa may railings ng mahabang hagdanan. Pababa na ito dala ang isang tray na may lamang mga baso ng white wine. 

'Let's start the show!' aniya sa sarili't nagsimula nang tunguhin ang hagdanan papuntang ikalawang palapag. 

Pinuno muna niya ng hangin ang dibdib bago tuluyang inakyat ang hagdanan. Planado na niya ang gagawin at titiyakin niyang mag-uuwi siya ng malaking isda pagkatapos ng misyong ito. Siniguro din niyang makukuha niya agad ang atensyon ng dating asawa kaya naman mas niluwagan pa niya ang pagkakabukas ng damit sa may bandang dibdib at siniguro ring mataas ang pagkakahawi ng slit para maipakita ng husto ang kanyang mahabang binti. 

Malawak ang ikalawang palapag at medyo madilim kumpara sa ibaba. Sandali muna niyang pinag-aralan ang paligid. Bawat sulok ay sinusuyod ng kanyang mga mata upang maging handa siya sa ano mang hakbang na gagawin. 

'You're an agent. Dapat maalam ka sa pagkilatis ng bawat detalye ng lugar sa paligid mo.' Naalala niyang pangaral sa kanya ni Harris noong madala siya ng hindi sinasadya sa rest house na pagmamay-ari ng pamilya nito. 

Kailangan niya itong itatak sa isip. At hindi siya kailangang magpadalos-dalos.

Una niyang tinungo ang mini bar—tatlong metro ang layo mula sa hagdanan. Nagpasya siyang dumito na muna habang pinag-aaralan ang paligid at maging ang kilos ng mga taong naroroon.

"Give me a glass of champagne, please." Magiliw niyang nginitian ang cute na Bar Tender bago muling itinuon ang atensyon sa pagmamatyag. Hanahanap ng kanyang mga mata ang kinaroroonan ng dating asawa ngunit kahit saan niya ibaling ang mga mata'y wala ito. 'Hmmm... Are you playing hide and seek with me, Loven? I like that!'

Sumulip din siya sa ibaba. Kahit alam niyang wala ito roon dahil na rin sa impormasyong ibinigay ni Harris sa kanya ay nagbaka-sakali pa rin siya.

"I can't see him here," bulong niya matapos pasimpleng i-on ang receiver.

["Wala siya rito sa ibaba. Na-check ko na rin ang isa pang hagdanan sa kabila. Kaya sigurado akong nariyan pa siya sa itaas. Nakita ko siya kanina kasama ang mga kasosyo niya sa negosyo."]

"Okay."

"Here's your glass of champagne, Ma'am!" 

"Oh, thanks, Cutie!" Mabilis siyang pumihit paharap para kunin ang inumin. Kinindatan pa niya ang lalaki dahilan ng pamumula ng pisngi nito. 

"Kung hindi ako nagkakamali... Isa ka sa mga modelong rumampa kanina, 'di ba?"

Sandali niyang itinigil ang pag-inom para sagutin ang Bar Tender. 

"Right! Nakikilala mo 'ko... I guess, nagustuhan mo ang performance ko?" 

"Oo naman! Ikaw nga lang ang inaabangan ko sa lahat ng rumampa kanina, e!" 

Biglang napataas ang isang kilay ni Misha nang mapansing bumaba sa kanyang dibdib ang tingin ng lalaki. 'Pervert alert!' 

"Thank you! I'll take that as a compliment!" Sandali din niyang pinag-isipan kung maaari niyang mapakinabangan ang lalaking ito sa mga susunod niyang gagawin. "Anyway, that hallway over there... Saan 'yon papunta?" Itinuro niya ang isang hallway sa bandang dulo kung saan pawang asul at malamlam na ilaw lamang ang nagsisilbing ilaw papasok.

Kanina pa nito naaagaw ang kanyang atensyon dahil tila isa itong pribadong lugar na pili lamang ang mga maaaring pumunta. May ilang may edad na lalaki rin siyang nakitang lumabas mula roon na mukhang hanggang sa paglabas ay may mahalaga pa ring pinag-uusapan. At ang isa sa mga ito'y natatandaan niyang katabi ni Loven kanina sa upuan habang nanood ng fashion show. 

"Ah, isang conference room ang tinutumbok ng daan na 'yan. May diretsong exit din d'yan papunta sa main lobby ng building," paliwanag nito.

"Oh, okay! Interesting..." aniya. Pagkuwa'y muling itinuon ang atensyon sa pag-inom ng wine. Ngunit, bago pa man niya maubos ang laman niyon ay nakita niya ang isang grupo ng mga kalalakihang patungo sa hallway na iyon. At isa sa mga iyon si Loven!

Sa nakikita niyang pakikipagkamay nito sa mga kausap ay mukhang tapos na ang mga ito sa isang mahalagang pagpupulong. At dahil wala ring lintang nakakapit sa mga braso nito ngayo'y nahuhulaan niyang pure business ang ipinunta nito't hindi ang party.

'I gotta go!' Tinungga muna niya ang inumin pandagdag lakas ng loob. Pagkuwa'y mabilis nang tumayo't walang salitang nilisan ang counter. Sa tingin niya'y aalis na ang lalaki. Kaya kailangan na niya simulan ang misyon.

Malalaki ang kanyang hakbang patungo sa gawi ng mga ito dahil mukhang hindi na siya aabot.

She's about to lose him when she pretended to faint and thrown herself on the floor. It was an idea that comes first on her mind even if wasn't planned. Wala na rin naman siyang ibang paraan para kunin ang atensyon ng dating asawa nang hindi pinapahalatang sadya.

May ilang mga taong mabilis na dumulog sa kanya. At ang hiyaw ng iba ay ang siyang unang nakakuha sa atensyon ni Loven at maging ng mga kasama nito. And from the corner of her eyes, she saw him stopped and flustered for a moment—facing towards her direction. Mukhang nakilala na siya nito. Lalo pa nang matapos ang ilang sandali'y napansin niyang humakbang na ito palapit.

Mariin niyang ipinikit ang mga mata at pinanindigang wala nga siyang malay. Magpapatianond na lang muna siya sa mga maaaring mangyari. Saka na lang niya iisipin ang susunod na gagawin—depende sa kung ano ang gagawin ni Loven.

"Misha!" A loud voice roared in front of her. Kasabay ng marahang pagtapik ng kamay nito sa kanyang pisngi. At sigurado siyang si Loven iyon.

'Okay! Level one cleared!' Lihim siyang napangiti. Ngunit, hindi niya matukoy kung ang ngiting iyon ay dahil nakuha niya ang atensyon nito o dahil sa isiping nag-aalala ito para sa kanya. Masarap isipin na hanggang ngayon—kahit papaano—ay nagawa pa rin nitong mag-alala para sa kanya.

'Tumigil ka sa pag-iilusyon mo, Misha!' Pagalit niya sa sarili. Hanggat maaari, kailangan talaga niya ng ibayo pang tatag ng damdamin para hindi magpadala sa mga nararamdaman. Lalo na sa lalaking ito.

"Tumabi kayo. Ako na ang magdadala sa kanya sa ospital!" Mayamaya'y narinig niyang turan ni Loven. Pagkuwa'y walang anu-ano siya nitong binuhat.

Nakikita niya sa imahinasyon ang labis na pag-aalala nito. At kahit papaano'y nararamdaman niya iyon ngayong nasa mga bisig siya ng lalaki.

'Why are you doing this, Loven? You could've just leave me here and pretend that you don't know me. You should've just walk away! You don't have to do this!' Sinarili na lamang niya ang mga salitang gusto niyang sabihin sa lalaki ng mga sandaling iyon.

Heto na naman siya. Bakit ba palagi na lang siyang nagiging marupok sa tuwing mararamdaman ang prisensya ng dating asawa? At bakit ba ito nagpapanggap na 'knight in shining armor' niya ngayon samantalang ito ang may ayaw na sa kanya? Hindi na ito dapat pang maging concern sa kanya kahit kailan! Kahit kaunti dapat wala na. Matagal na nitong tinapos ang lahat sa kanila kaya dapat ay estranghero na ang turingan nila.

'Why are you still confusing me, Loven?'

SA KABILANG BANDA, naghahanda na rin si Harris para kunin si Misha. Hindi niya maintindihan ang naging aksyon nito at bago pa man mabuko, kailangan na niya itong iligtas sa kamay ng dating asawa.

Dali-dali siyang nagpalit ng damit at mabilis na tumakbo papuntang lobby. Ang kanyang mga mata'y pabaling-baling sa paligid upang matiyak na hindi makakawala si Misha sa kanyang paningin.

Halos pasakay na si Loven ng sasakyan nito habang buhat si Misha nang makita niya ang mga ito sa harapan ng main entrance ng building.

"Sandali!" He shouted at the top of his lungs while running towards them.

Kunot-noo siyang tinitigan ni Loven nang tumigil siya sa harapan nito na hingal na hingal.

"Saan mo siya dadalhin?"

"At anong pakialam mo?" May iritasyong supla ni Loven sa kanya.

"May pakialam ako dahil girlfriend ko siya!" mariing sagot ni Harris. "Kaya akin na si Misha. Ako na ang magdadala sa kanya sa ospital. Salamat na lang sa pagmamalasakit mo."

Tinangka niyang hawakan si Misha para kunin dito. Ngunit, iniiwas ito ni Loven at mas hinigpitan pa ang pagkakayakap sa babae.

Sarkastikong napangiti si Loven. Halatang wala itong balak na paniwalaan ang sinabi niya. "Girlfriend? Imposible!"

"Pare, nakakalalaki ka na ah! Ano bang karapatan mo sa kanya? Sino ka ba?"

Nakipagtagisan din ito ng titig sa kanya.  

"Are you picking a fight?" May iritasyon na sa kanyang boses. Hindi na siya natutuwa sa pagpapapapel nito. 'Ano pa ba ang dahilan nito para maging concern kay Misha?'

"Sir, Loven... Excuse me, po. Tumawag ulit ang dad niyo. Hinihintay ka na niya sa mansyon. Kailangan niyo na pong magmadaling umuwi," sabat ng driver ni Loven.

Hindi nito sinagot ang driver. Sa halip ay muli siya nitong tinitigan ng diretso. Pagkuwa'y walang salitang ipinasa sa kanya ang walang malay na si Misha. Nakita niya sa mga mata nito na pinahahalagahan pa rin ng lalaki ang dating asawa. Ngunit, tila mas importante ang kanyang ama kaya mas pinili nitong ipa-ubaya sa kanya si Misha.

KASABAY nang pag-alis ng sasakyan ni Loven ang pagdala ni Harris kay Misha sa parking lot kung saan naghihintay ang kanilang sasakyan.

Batid ni Misha na si Harris na ang may buhat-buhat sa kanya. Kaya bigla siyang binalot ng takot at kaba. Hindi niya mahulaan kung ano ang iniisip nito ngayon dahil nananatili pa ring tahimik ang lalaki. At sa tuwing sasariwain niya sa alaala kung gaano kagalit ang boses nito kanina habang binabawi siya kay Loven ay natitiyak niyang may paglalagyan siya oras na pumalpak ang kanilang misyon ng dahil na naman sa kanya.

"Aray!" Mag-iisip pa sana siya ng idadahilan. Ngunit, hindi na niya nagawa iyon nang bigla na lang siya nitong binitawan. Sa labis na pagkagulat ay nawalan siya ng balanse. Mabuti na lang at may van sa tabi kaya doon siya napasandal upang hindi tuluyang bumagsak sa semento.

"Tama na ang pagpapanggap!" singhal pa nito.

"Ano ka ba? Bakit hindi mo na lang sinabi sa'king kusang bumaba? Kailangan mo pa talaga akong ilaglag!" maktol niya habang sapo ang nananakit na balakang na siyang unang tumama sa pinto ng van sa biglaan nitong paglaglag sa kanya.

"Report." Pinag-krus nito ang mga braso't seryosong humarap sa kanya.

"H-huh?" Bigla siyang napatuwid ng tayo. Pakiramdam din niya'y bigla siyang binuhusan ng yelo't sandaling nablangko ang isip.

"Ano ang napala ng acting mo?" He's mocking her.

"Wala akong napala sa loob. Wala sila no'ng dumating ako sa second floor. And when they appear, mukhang tapos na ang kanilang meeting o kaya hindi natuloy dahil nagmamadali nang umalis si Loven kahit nagsisimula pa lang ang party," paliwanag niya.

"At bakit ka umarteng nahimatay? Para lang magpapansin ulit sa kanya?"

"No! Of course not!" bulyaw niya. Biglang nagpagting ang kanyang mga tainga sa mga tanong nito. Palagi na lang nau-overshadow ang magaganda niyang motibo ng mga negatibong iniisip nito sa kanya.

"So, what's the reason?"

"Kinabitan ko siya ng voice recorder! Okay?! Nasa plano 'yon, 'di ba? At 'yong acting na iyon lang ang naisip kong dahilan para lapitan niya ako. Nagmamadali na siyang umalis no'ng makita ko siya kanina. At dahil ayaw kong masisi mo na namang walang nagawa sa misyon o nasira ko 'to nang dahil na naman sa pagiging malambot ko sa harapan niya, kinailangan kong gawin 'yon! Wala man tayong ma-record na ebidensyang kailangan natin, at least hindi mo masasabing nagpabaya ako!"

Hindi nakapagsalita si Harris sa mahaba niyang litanya. Marahil naisip ng lalaking may punto naman siya kahit papaano.

Mayamaya'y tinalikuran na siya nito't Nagpatiuna nang pumasok sa loob ng van.

...to be continued


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C16
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login