Download App
57.69% Regrettable Love / Chapter 30: Twenty Nine

Chapter 30: Twenty Nine

Twenty Nine

Natigilan ako sa aking paghakbang ng biglang tumulo ang luha ko habang nakatingin sa litrato nila Mom and Dad.

I felt lonely again.

Ilang minuto akong umiyak at hinayaan ang sarili kong malunod sa sarili kong luha. I miss them so much pero hindi ko pinahalata sa mga taong nakapalibot saakin na mahirap parin para saakin ang lahat.

I tried to be a lively person after that accident a year ago.

It tried so hard to live my life with smile but it is really hard to smile all the time.

Niyapos ko ang hawak kong litrato namin at pilit na bumabalik saaking ala-ala ang mga ngiti nila nung silay nabubuhay pa.

At nagsisimula na naman akong magtanong sa sarili ko ng mga what if...

I imagining myself na kasama ko sila rito at pinaghahandaan ako ng makakain, napapaluha akong napatingin sa pinto ng kararating lang na si Dad.

If they're alive, can I be happy? If they're alive, are we happy?

Pinunasan ko ang luhang dumadaloy sa pisngi ko ng marinig ko ang pagalingaw-ngaw ng doorbell. Mabilis kong ibinalik ang litrato nila sa table at ngumiting binuksan iyon.

Nakangiting si Tita Mara ang bumungad saakin.

"Tita!" Masiglang bati ko sa kanya.

"Alam kong hindi ka pa kumakain kaya dinalhan kita ng mga ito."

"Hating gabi na po, nag-abala pa po kayo." Tilungan ko siyang ilabas ang mga dala niya.

"May pinuntahan din kasi kami kaya ngayon lang ako nakarating dito." Ngumiti lamang ako sakanya, hindi nagtagal ay nagpaalam na ito saakin. Sinarado ko ng maayos ang bawat pinto at nagpatay ng ilaw.

Nakatulala ako habang nakatingin sa malawak na kisame saaking kwarto habang naiisip ko ang sinabi saakin ni Liam kaninang umaga.

Ganun na ba ang tingin niya saakin? Now that I think of it, you were not my Liam, you are not the Liam that I keep dreaming on.

You were not my first love.

-Flashback-

Hindi ako makakilos tanging mainit lamang na likido ang naguunahan sa aking pisngi, ang higpit din ng pagkakahawak ko sa aking kamay habang hindi ko magawang tingnan ang walang malay kong mga magulang sa sahig.

I pray so hard.

Naririnig ko parin ang bawat yabag niya, naririnig ko parin ang kanyang paghinga pero wala akong magawa, natatakot ako. Ayokong lumikha ng ingay sa kinaruruonan ko dahil alam kong kapag ginawa ko iyon ay ako na naman ang isusunod niya.

Bakit? Bakit? Anong naging kasalanan namin at ginagawa mo ito saamin?

Ang daming tanong habang binabalot ng sobrang takot ang dibdib ko. Ang daming tanong na ngayon pa lamang ay gusto ko ng kasagutan.

"Billy.... Billy..." Mas lalo akong napahagulhol ng marinig ko ang boses ni Liam na umaalingaw-ngaw sa buong kabahayan.

No Liam, tumakbo kana. Parang awa mo na.

"P-P-Pa" mas lalong nadurog ang puso ko ng marinig kong sambit niya. Idinungaw ko ang aking mata sa maliit na butas roon ngunit mas lalo akong napahagulhol dahilan para marinig nila ang paghikbi ko.

"Dito ka lang pala nagtatago." Sapilitan akong hinigit doon ng kanyang Ama habang mas lalo akong natakot, tuluyan ng nagsilabasan ang mga hikbing kanina ko pa pinipigilan.

Napatingin ako sa aking mga magulang, wala na sila. Si Dad, hindi na ito katulad kanina na gumagalaw. Mas lalo akong napahagulhol.

Kumakawala ako sa pagkakahawak ni Tito Bert ngunit walang wala ang lakas ko sa lakas niya.

"Mom... Dad..." patuloy ang aking pag-iyak. Itinapon ako ni Tito sa mga magulang ko na mas lalong nagpaguho ng mundo ko.

"M-Mom, D-Dad gising na. Gumising na kayo. Pleaseeee." Naramdaman ko ang pagyakap saakin ni Liam.

Pareho kaming takot na takot.

"Ba-Bakit? Ba-Bakit?" Hindi ko magawang tingnan si Tito Bert, nagagalit ako at natatakot.

Umupo siya sa harap naming dalawa ni Liam habang binibigyan kami ng kakaibang ngiti.

"Diba sinabi ko naman sayo Liam, h-hindi ka pwedeng magmahal. Papatayin ko ang mamahalin ko." Tuluyang lumandas ang luha sa mata ko. Maging si Liam ay gayun din.

"Ang dami kong sinakripisyo para maging masya tayong dalawa" Mahigpit niyang h-hinawakan ang mukha ko.

"A-At hindi ako papayag na kunin ka saakin ng babaeng ito. HINDI MO AKO IIWAN" nanlilisik ang mga mata niyang nakatingin saakin, habang ang buong katawan ko ay hinang hina habang walang magawa kundi ang matakot at umiyak. B-bigla niyang inilabas ang patalim na hawak niya. Mas lalo akong napaluha. H-Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Liam.

"Hindi ka aalis, hindi mo ako iiwan katulad ng iyong magaling na Ina." Huli niyang bigkas at sasasakin niya na ako ng bigla siyang yakapin ni Liam at itinulak, nabitawin nito ang kutsilyong hawak niya at ngumingiti ngiti.

Bumalik sa kinaruruonan ko si Liam at mahigpit akong niyakap, pareho kaming natatakot na dalawa. Pareho kaming umiiyak.

"Tama na. Tama na Pa." paulit ulit na sambit niya habang nakayakap saakin.

Wala akong magawa, sa sobrang takot ay umaasa rin ako kay Liam at pilit na nagdadasal na sanay maging maayos ang lahat.

-End of Flashback-

Kaagad akong napabangon habang naliligo na ako sa pawis, biglang lumandas ang luha sa mga mata ko habang niyayakap ang aking sarili. Ramdam na ramdam ko ang takot, hanggang ngayon narito padin. Hanggang ngayon, pilit parin akong binabalikan ng hindi ko makalimutang pangyayaring iyon.

Biglang tumunog ang doorbell.

Hindi ko inalintana ang aking basang katawan dahil sa pawis, ang alam kong namumutla kong mukha ay hindi ko pinansin at ang nanghihina at nanginginig kong katawan. Dali-dalin kong binuksan iyon.

Ngunit biglang lumandas ang luha sa mata ko ng magtama ang tingin naming dalawa.

Inalisa niya ang buo kong anyo and I see again that he's in pain seeing me like this.

"L-L-i-iam" nauutal na tawag ko ng kanyang pangalan.

Iniabot niya saakin ang cellphone ko.

"Naiwan mo kagabi" walang emosyon kong tinanggap ang ibinigay niya at tsaka niya inilihis ang tingin sa akin at nagiba ng direksyon. Bigo na siyang humakbang paalis roon ngunit maagap kong hinila ang laylayan ng kanyang damit upang pigilan siya.

"I dream that day again, Liam"Nagtama ulit ang mga tingin naming dalawa at sa hindi inaasahan ay lumapit siya saakin ng sobra at dahan dahan akong niyakap.

"I-Its okay, Billy. Its okay" three comporting words that let me burst my tears.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C30
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login