Nagkagulo ang buong kulungan sa pagkawala ni Mang Ben, nagsisigaw ang sigang pulis na si SPO3 Juan Luna sa sobrang galit. Pinalabas niya ang mga kasamahan ni Mang Ben sa mga selda nila at pinaluhod habang nakalagay ang mga kamay sa kanilang mga batok.
SPO3: Ano? Wala talagang magsasalita sa inyo?! Ha?!
Naglakas loob na tumayo si Tolits. Nagsitinginan ang lahat sa kanya.
Tolits: Ako boss alam ko kung nasaan si Mang Ben. Nakita ko ang lahat, narinig ko ang lahat. Nakakatakot, nakakalibot.
Idinetalye ni Tolits ang lahat na alam niya.
Balik-tanaw:
Sa unang araw na pumasok si Mang Ben sa selda nila ay nilapitan ni Tolits ang matanda at nakipagkilala. Hindi ito kumibo at tiningnan lamang siya habang katabi nito ang ligaw na kaluluwa ng matandang janitor nakatitig rin sa kanya. Ito ang dahilan kung bakit nanlambot ang tigasing si Tolits.
Pagkatapos ibahagi ni Tolits ang kanyang unang tagpo at karanasan kay Mang Ben ay naalala rin ni SPO3 Juan Luna ang unang tagpo niya sa matanda nang pilit niya itong pinapatayo noong ininspeksyon niya ang bawat selda. Tinitigan rin siya ni Mang Ben habang ang ligaw na kaluluwa ng janitor ay katabi ng matanda nakakatitig rin sa kanya.
Nagpatuloy sa pagkwekwento si Tolits at isinalaysay din niya ay gabing nakita niyang nakikipag-usap si Mang Ben sa hangin sa harap ng kanilang selda tungkol sa pagtakas niya at pag-alok niya ng pera sa hindi niya nakikita na siyang naging dahilan ng buong magdamag na dilat ang kanyang mga mata. Hindi din pinalagpas ni Tolits ang kwento noong sinundan niya si Mang Ben sa banyo at nakikipag-usap ito sa hindi na naman nakikita ng mga hubad na mga mata ni Tolits at rinig niya lahat ng plano nila.
Nang maibigay ni Tolits ang buong detalye ay naalala ni SPO3 ang dating janitor nila na kasing tapang rin ni Mang Ben na siyang naging dahilan ng pagpanaw niya. Nakita ng janitor na si Tatay Ben na naghihithit ng shabu ang mga pulis sa loob ng opisina. Nang paalis na siya ay gumulantang sa harap niya ang SPO3....
SPO3: Ano ang ginagawa niyo tanda?
Tatay Ben: Ako dapat ang magtanong niyan. Ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo? Ha?! Nang nakulong ang anak ko sa lugar na pinagtratrabahuan ko ay hindi ako nagreklamo dahil alam kong may kasalanan din siya at gusto kung magsisi at magtanda siya, matuto! Pero kayo, kayong mga alagad ng batas ay ginagawa niyo mismo ang kasalanang isinampa niyo sa kanya na naging dahilan ng pagkabilanggo niya at pagpapatiwakal niya!
Tinalikuran ng matanda ang kausap na SPO3.
SPO3: Hoi tanda.
Tawag ng pulis at humarap naman si Tatay Ben at hindi niya akalain na 'yon na ang huling lingon niya. Sumalubong sa kanya ang bala na nagmula sa baril ng tigasing pulis na siyang bumawi ng buhay niya.
Balik sa kasalukuyan:
Agad na pumunta ang mga kapulisan sa sementeryo at hinukay muli ang pinaglibingan ng bagong preso na pumanaw na, sinama nila ang saksi na si Tolits. Nagtulungan ang limang pulis sa paghuhukay para mapabilis ang trabaho, mga ilang minuto lang ay kita na nila ang kabaong. Nang tuluyan nang maalis ang mga lupang nakapaligid rito at nang kita na ang buong katawan ng kabaong ay nagtinginan ang lahat sa isa't isa. At tuluyan na nga nila itong binuksan.
Unang bumungad sa kanila ang isa pang katawan na nakatalikod, nakaharap sa patay na katawan ng preso. Gamit ang mahaba at matigas na tungkod ay inikot at pinaharap nila ito.
Nanlumo at nanghina ang lahat sa kanilang nakita. Si Mang Ben, putlang putla na, nakanganga at dilat na dilat ang mga mata habang nakahawak sa flashlight at ang ilaw nito ay nakatuon sa mukha niya at ang katawan niya ay naninigas na.
Si Mang Ben patay na sa sobrang takot!
" WAKAS "
— New chapter is coming soon — Write a review