Download App
70.96% Matakot Ka! / Chapter 22: "Estranghero"

Chapter 22: "Estranghero"

Biglang dumating ang pulis na naka-assign sa mga selda kasama na ang selda nina Mang Ben na si SPO3 Marvin Juan Luna. Tiningnan niya isa-isa kung kompleto ba ang mga preso at kung malinis ba ang bawat selda.

SPO3 Marvin: Magsitayo ang lahat! Ano naglinis ba kayo ng mga selda niyo?! Patingin nga! Bilis bilisan ang kilos! Ang natutulog tumayo na! Tingnan ko mga selda niyo!

Agad na kumilos ang lahat. Nagsitabi sila at nagbigay espasyo para matingnan ng pulis ang loob ng kanilang selda na hindi na pumapasok rito. Isa-isa itong tiningnan ng SPO3, masaya naman siya sa kanyang nakikita. Panghuli ang selda nina Mang Ben kaya huli na rin itong tiningnan ng kilabot na pulis. Pagdating niya sa panghuling selda, ay medyo, medyo lang naman nagulat siya sa tumambad sa kanya. Si Mang Ben, nakaupo pa rin sa higaan niya.

SPO3 Marvin: Hindi mo ba narining ang sinabi ko tanda?

Mang Ben: Narinig ko.

SPO3 Marvin: May hindi ba maliwanag sa sinabi ko?

Mang Ben: Maliwanag sa akin ang lahat.

SPO3 Marvin: Niloloko mo ba ako?

Sabay lapit ng ulo sa may pintuan ng selda at tinitigan ang matanda.

Mang Ben: Hindi....

Sabay ganti ng titig sa SPO3. Kumunot ang noo ng sigang pulis sabay lunok. Bigla siyang napaatras ng konti at wika niya....

SPO3 Marvin: Sige na, tapos na tayo dito. Hoy kayo....

Turo niya sa mga tao sa selda ni Mang Ben.

SPO3 Marvin: Maglilinis kayo ng banyo ngayon ha. Lahat kayo! Maliwanag?!

Mga Preso: Opo sir.

Biglang napatingin si Tolits kay Mang Ben habang pinapaliguan siya ng kanyang sariling pawis.

SPO3 Marvin: Tara na!

Sabi ng pulis sa mga bata niya. Sabay alis palabas mula sa mga selda.

Agad na dumiretso si SPO3 Marvin sa opisina niya at inutusan ang kanyang isa sa mga bata na hanapin ang mga papeles tungkol sa kaso ni Mang Ben. Kinuha niya ang isang kaha ng sigarilyo sa kanyang drawer at nagsindi ng isang stick. Lakad nang lakad ang pulis sa loob ng silid. Paroo't parito na para bang hindi siya mapakali pagkatapos ng nangyari. Biglang dumating ang pulis na inutusan niya.

Pulis 2: Sir, hindi pa raw handa kasi kakapasok lang ng matanda. Kanina lang raw.

SPO3 Marvin: Sige patawag mo na lang ang isa sa mga humuli sa bagong pasok.

Pulis 2: Sige po.

Agad na sumunod ang utusang pulis. Ilang minuto lang ang lumipas ay dumating na siya kasama ang isa sa mga pulis na humuli kay Mang Ben.

Pulis 3: Sir?

SPO3 Marvin: Sino ang bago? Anong kaso?

Pulis 3: Ben po, yan lang po ang nakuha naming impormasyon sa ngayon sir. Murder po ang kaso niya. Bakit po sir, may problema ho ba?

SPO3 Marvin: Wala, wala. Sige na makakaalis na kayo.

Naiwang mag-isa ang naghahari-hariang pulis sa loob ng kanyang opisina, walang tigil sa paninigarilyo. Pilit na pinapalabas ang nararamdaman sa hindi pa nalalamang dahilan sa pamamagitan ng pagbuga niya ng usok.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C22
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login