Download App
88.57% Naked Scar (Tag-Lish) / Chapter 62: Demon father

Chapter 62: Demon father

"Andrei found out the chases a while ago and he is on the event to take Vika. Because he thought that Hermosa and Vika is one."

Her breathing hitched when she in vision the event. Andrei will intervene the fashion show while Winona is walking on the runway. The security and Malik's team will come. Magwawala si Andrei at babarilin ang pipigil sa kanya. Maaaring masaktan si Malik o kung sino mang naroroon, the worst civilian would go crazy and run off everywhere.

It's a chaos. Uminit ang gilid ng mata niya. Natatakot siyang baka manakit si Andrei, baka saktan nito si Winona at Malik.

Nagitla siya nang hawakan ni Peach ang kamay niya. "Are you alright?" Peach asked trying to read what she was thinking about. Napansin nito ang pagiging maligalig ng kanyang mata, nagpapahiwatig nang pagkabalisa at pag-aalala. Agad nitong pinagtuunan ng pansin ang baso at pitcher sa gilid. Nagsalin ng tubig sa baso matapos ay inabot sa kanya.

Kinuha niya iyon pero hindi uminom. Mariin niyang tinitigan ang kaibigan. Natatakot siya. Hindi siya mapalagay dahil delikado pala kung natuloy siya sa event. Ang mga kaibigan niya, sila Pink, ang mga modelo at staff, lalo at higit sa lahat si Malik. Baka kung anong gawin ni Andrei sa kanila.

Her father was a demon. He acted weird on his decision and no one can read his mind.

"Paano nalaman ni Andrei na si Vika si Hermosa?" she asked Peach. Hindi siya mapalagay, mula noong event ng Vixie ay hindi na nag-krus ang landas nila ng lalaki. Paano nito naisip na siya si Vika?

"Just so you know, Andrei and Cielo had been a good partner for five years on construction's world. They invest money, friendship, and trust. She shared with him some of her past that she isn't sure that he would bear on his mind. As per Cielo's description to Hermosa, Andrei already recognize that his adopted daughter was her." Peach dropped down, filling her curiosity.

Napalunok siya. Hindi makapaniwala sa naririnig. Posibleng hinahanap niya ako. Napainom siya. Saglit na pinakiramdaman ang sarili kung sakaling babalik ang trauma.

"Cielo even mentioned to him that Hermosa lived with Malik then later she left. Iyon lang ang alam niya dahil hindi raw nagkukuwento itong si Andrei. Ang alam lang niya ay hiwalay ito sa asawa at mag-isang namumuhay sa main Owl City. Pero... nasabi nito isang beses na resemble ang anak niya kay Vika. At minsan ay nanood ito ng show ng sikat na modelo."

Pinatong niya sa side table ang baso upang haplusin ang braso. Nagtindigan ang balahibo niya labis ang kilabot.

Peach held her hand. "I asked the personnel of the hotel where Winona live, and you know what I saw? Andrei was guarding your friend. Every night, he stayed in a specific spot, nagpapanggap na nagyoyosi pero halatang binabantayan ang unit ng kaibigan mo. Good thing, Malik's bodyguard is always with her. Walang makakapanakit sa kanya."

Kahit may sama siya ng loob sa kaibigan, dahil sa narinig ay naibsan ang kabang kanina niya pa nararamdaman.

"Mabalik tayo kay Cielo. During my interview with her, she is very guilty. Gusto niyang humingi ng paumanhin sa'yo nang personal pag-uwi niya. Nasa Hongkong siya ngayon dahil doon ito ikakasal."

She nodded her head nonchalantly. Her rooted resentment with the woman never fades. "Ikakasal na pala siya pero lumilingkis pa kay Malik."

Humagalpak ng tawa ang kanyang kaibigan. "Aminin ko man o hindi, Sweet Chic, who would dare to resist with Malik's charm. Come on, ang super-hot niya na parang nakalimot ako noong makita ko siya na kasal na ako."

Tinalasan niya ng tingin ang kaibigan bago hinampas sa balikat. "Mukha bang sincere si Cielo? After what she did to me before, I don't know if her drama will take effect on me again. Hindi pa kami naghaharap pero nahihinita kong hindi siya magbababa ng bandera niya sa akin."

Peach pursed her lips. "Sabagay. Kung paano magsalita si Cielo, ang taas ng ego. Siguro dahil mayaman na businessman ang mapapangasawa kaya ganoon. Matanda naman, feeling ko pera lang ang habol. Rich ego probably."

Bumuntong hininga siya, patamad na sumulyap sa paang nakasimento. Pinapabatid na hindi na siya interesado pang pag-usapan ang bagay na iyon tungkol kay Cielo. Nananatili kay Andrei at Winona ang isip niya.

Imposible kasing papayag ang hayok na lalaki na hanggang tingin lang kay Winona. He is an addict-maniac-demon who doesn't care to anything. He once saw him before on the kitchen accidentally. Nagkataong pababa siya noon nang makarinig ng kalabog. Noong una'y iniisip niyang nilooban ang bahay nila kaya kahit natatakot ay sinubukan niyang tingnan. Nagulat siya sa natunghayan - he forced Jessica for a sex. Tanda niya ang pamumula ng mata ng lalaki. Nasa ilalim ito ng kapangyarihan ng droga. Inakala pa naman niyang mabait ang ama-amahan, iyon palay pagpapanggap lamang.

Imposibleng hindi nagkatikiman ang dalawa. Kinikilabutan niyang kinaskas ang kanyang braso. Kadiri. She immediately erased those grossly thought on her head. Huwag niya lang talagang kakantiin si Malik o kahit sino sa mga kaibigan ko.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C62
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login