Download App
95.65% The Gentleman's Wife / Chapter 22: CHAPTER 22: NICE TO MEET YOU

Chapter 22: CHAPTER 22: NICE TO MEET YOU

"CELINA, tungkol nga pala sa kompanya… kailan ba makakabalik ang iyong ama? Kailangan siya roon ngayon upang humalili sa posisyon ni Ashton habang hindi pa nanunumbalik ang kanyang memorya," saad ni Alfred.

"Chairman, kailangan po siya ni Mommy sa States for her medication…" Sandali niyang sinulyapan si Aljohn. Nakita niya ang pagkasabik nitong sabihin niya kay Alfred na ibigay na lang dito ang authority ng kompanya.

"Pero hindi puwedeng walang mamahala sa kompanya. Hindi na kakayanin ng secretary ni Ashton ang work load kapag nagtagal pa ito!"

"Chairman…" Huminga muna siya ng malalim bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Kung papayag po kayo. Gusto ko sanang… ako na muna ang humalili sa posisyon ng aking asawa."

Napahinga siya ng malalim matapos sabihin ang bagay na iyon. Hindi niya magawang tumingin sa gawi ng kanyang bayaw dahil hindi niya kayang salubungin ang galit nito. Alam niyang sa mga sandaling ito'y nagngingitngit na ito sa sobrang galit. Hindi ito ang inaasahan nitong sasabihin niya. Ngunit, naisip din niyang kapag may trabaho na siyang kumikita ng sapat upang tustusan ang pagpapagamot ng kanyang ina, hindi na nila kailangan pang maging sunod-sunuran sa mga Gamara.

Higit kanino man ay siya lamang ang inaasahan ng kanyang mga magulang. Hindi na niya dapat pang hayaang maging kasangkapan pa ng mga ito. Kapag nakuha na sa kanya ni Aljohn ang kailangan nito, malamang ay itatapon na lang sila nito na parang basura. Walang katiyakan na paninindigan nito ang sinabing tutustusan ang pagpapagamot ng kanyang ina hanggang sa gumaling ito ng tuluyan. Dapat na siyang matuto sa ugali ng mga Gamara. Dapat na siyang matutong lumaban at tumayo sa sariling mga paa.

Ganoon pa man, kabadong-kabado na siya dahil wala pang sagot ang kanyang byanan. Kapag hindi ito pumayag, siguradong patay siya kay Aljohn. Hindi na siya nito pagkakatiwalaan pa dahil sa lantaran niyang pagtatraydor dito. At ang mga magulang na naman niya ang magiging kawawa. Ito na rin ang nagsabi na wala siyang mapapala sakali mang pumalpak siya sa pagkumbinse kay Ashton na ibigay dito ang full authority ng kompanya. At paano pa niya mabibilog ang ulo nito gayung itinatanggi nito ang sariling katauhan? Wala na siyang mapagpipilian kundi ang kunin ang pamamahala sa kompanya ng kanyang asawa.

"A-ahm, do you remember I had managed my Dad's business before after college? Ako ang namahala no'n for three years bago pa man ito maging under ng Gamara's Group of Companies. And I never stopped helping the business hanggang sa makasal ako k-kay Ashton…" muli niyang paliwanag. Nagbabaka-sakaling mapapapayag niya ang byanan.

"Okay…" sa wakas ay sagot ni Alfred. "I'll consider that, Celina. In fact, I know how you put your dedication to your work since then. Isa pa, wala namang ibang dapat na mag-manage ng kompanya kundi kayong mag-asawa, hindi ba? Good to know that you're willing to take the responsibility in behalf of your husband," malapad ang pagkakangiting turan ng matandang Gamara.

Noong una pa man, pawang kabutihan na ang ipinapakita ni Alfred sa kanilang pamilya. Kailanma'y hindi ito naging katulad ng mga anak nitong masyadong malupit. Kay Alfred niya mas nakikita ang bunga nang pag-aalaga ni Aling Martha sa pamilya ng mga ito.

"Maraming salamat po, Chairman!" maluha-luha niyang ginagap ang palad ng matanda upang pasalamatan nito. Bahagya rin niyang sinulyapan ang bayaw mula sa gilid ng kanyang mga mata. Nakita niya ang mahigpit nitong pagkakakuyom ng mga kamay—tanda ng pagkadisgusto at galit sa ginawa niya.

Ngayon pa lang ay kailangan na niyang ihanda ang sarili. Siguradong kakalabanin siya nito.

"Kailan mo ba ako matututunang tawaging daddy?" Nilangkapan pa nito ng kaunting pagtatampo ang sinabi.

"Sorry po... D-dad," sa wakas ay nasabi niya. Nakita niya ang matamis na ngiti ng matanda. Ngunit, agad din nitong binawi iyon nang muli nitong maalala ang problemang kinakaharap nila ngayon. "By the way, patinuin mo 'yang asawa mo, Celina. Hindi ko gustong magpatuloy ang kalokohan niya! Kailangan niyo na ring bumalik sa Manila. Harapin niyo ang problema at hanapan ito ng solusyon sa tamang paraan. Kausapin niyo ang mga Reynolds. Nagkakaintindihan ba tayo?"

Napadako ang tingin nila sa gawi ni Ashton na noo'y tahimik pa rin sa kanyang upuan. Hindi rin nila magawang basahin ang iniisip nito dahil nakayuko lang ito't nananatiling poker face.

AGAD NA BUMALIK sa Manila si Alfred kasama ng anak nitong si Aljohn matapos ang pag-uusap nila sa isla. Ganoon pa man ay hindi pa rin naaalis ang galit nito tungkol sa mga nangyari. Alam niyang kakalma lamang ito kapag natapos na ang kaso.

Naisip din ni Celina na tama ang kanyang biyanan. Hindi nila kailangang magtago. Lalo pa ngayon na alam na nilang nagkamalay na si Jess. Ito ang makakapagsabi sa totoong nangyari. Na aksidente lamang ang lahat at walang may gusto niyon.

Nang araw ding iyon ay sinimulan na ni Celina ang pag-iimpake ng kanilang mga gamit. Buong araw ding naging distansya sa kanya si Ashton. Huli niya itong tinawag upang mananghalian pero hindi ito sumabay sa kanya sa pagkain. Naroroon lamang ito sa tabi ng dagat—palakad-lakad at malayo ang tanaw. Tila nahuhulog din ito sa malalim na pag-iisip. Hindi tuloy niya maiwasang mag-isip sa kung ano ang totoo nitong nararamdaman.

Hindi rin siya sanay na ganito ito katahimik. Simula nang magkaroon ito ng Amnesia ay wala itong ibang ginawa kundi ang kulitin siya at hindi nito hinahayaang matapos ang araw nang hindi sila nagkakausap o nagpapansinan. Medyo nakakaramdam tuloy siya ng takot na baka nga totoong nakakaalala na ito't naghahanda na naman ng plano para pahirapan siya. Napaka-imposible rin kasi ng sinasabi nitong ibang katauhan ang nasa katawan nito. Mahirap ipaliwanag ang bagay na iyon at lalong mahirap paniwalaan.

NAG-AAGAW na ang liwanag at dilim sa buong paligid at naroroon pa rin si Ashton sa tabi ng dagat. Pinapanood nito ang paglubog ng araw. Mula sa salaming dingding ng rest house ay pinanood din niya ang magandang tanawing iyon.

May bahagi sa kanya ang nalulungkot na ito na ang huling pagkakataong masasaksihan niya ang paglubog ng araw na tila nilalamon ng dagat sa kabilang bahagi ng mundo—na kasama ang asawa. Bigla tuloy niyang naalala ang unang pagkakataong pinanood nila ito ng magkasama.

"Huwag!" mariing pakiusap ni Ashton. "Nais kong manatili lamang tayong ganito." Lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya nang tangkain niyang kumawala sa mga bisig nito.

"Ashton…"

"Pagmasdan mo ang papalubog na araw… napakaganda, hindi ba?" anito. At lalo pang isiniksik ang sarili sa kanya. Inihilig din nito ang baba sa kanyang kanang balikat.

"O-oo… Ang g-ganda…" Natitigalan pa rin siya. At hindi na niya magawang mag-isip ng tama ng mga sandaling iyon.

"Ito ang aking sorpresa!" nakangiti nitong sabi. "Pangarap ko na mapanood natin ito ng magkasama…"

Mariin niyang ipinikit ang mga mata sa pag-aakalang mapapawi ang mga alaalang iyon sa kanyang isipan. Pero, hindi niya napigilan ang pagbalik ng mga iyon sa kanyang gunita.

"Naisip ko na… hindi sapat na hawakan ko lang nang mahigpit ang iyong mga kamay. Dahil, kahit malakas ang aking mga braso, may takot pa rin akong baka makawala ka sakaling may malakas na puwersa ang humila sa 'yo palayo sa akin. Kaya naman… mas mainam na iyong ganito. Yakap kita nang mahigpit. Kahit may mga bagay man na pilit tayong paghiwalayin, itataya ko muna ang aking buhay bago ako bimitaw," matalinhagang paliwanag nito. Ngunit, dama niyang mula sa puso ang mga salitang binitawan ng asawa.

"Ashton…" maluha-luhang sambit ni Celina at pilit na kumawala sa pagkakayakap nito. Hindi na niya kayang hindi ito harapin. Masyado nang marami itong sinabi na hindi na kayang tanggapin ng kanyang puso.

"Celina..." muling ginagap ni Ashton ang kanyang mga kamay. At mariin itong pinisil habang hindi inaalis ang tingin sa kanyang mga mata.

"Hmmm?"

"Nahihirapan ka ba?"

"Saan?" kunot-noo niyang tanong.

Bigla itong napabuntong-hininga. "S-sa pagkawala ng aking memorya..."

"B-bakit mo naman naitanong?"

"May pakiramdam akong nahihirapan ka. Ngunit, pinipilit ko namang makaalala. Sinisikap kong hanapin sa aking isipan ang mga bagay na pinagsasaluhan natin ngayon... Kung gaano tayo kasaya, ang pakiramdam na yakap kita, at kung paano ako mabaliw sa tuwing hahagkan kita..."

Unti-unting nagbaba ang tingin ni Ashton sa mapupulang labi ni Celina. Ang kaninang mga kamay nito na mahigpit na nakahawak sa kanyang mga kamay ay dahan-dahang gumagap sa kanyang mukha.

Nang mga sandaling iyon ay tila huminto ang mundo ni Celina. Tanging ang malakas na tibok na lamang ng kanyang puso ang malinaw na rumirihistro sa kanyang pandinig. Kusa na ring pumikit ang kanyang mga mata't hinintay na lang ang paglapat ng kanilang mga labi.

"ARGH!" Sunod-sunod ang ginawang pag-iling ni Celina upang iwaksi ang mga alaalang iyon. Bigla rin siyang nakaramdam ng pagkauhaw kaya mabilis niyang tinungo ang kusina para uminom ng tubig.

Muli na naman niyang naramdaman ang biglaang pagbilis ng tibok ng kanyang puso. Ang eksaktong bilis na naramdaman niya nang hagkan siya ng asawa noong mga sandaling iyon.

Hindi niya alam kung paano aalisin sa isipan ang mga alaalang iyon. Kaya nagpasya siyang maligo na lang ulit. Baka sakaling malamigan ang utak niya't matigil na sa pag-iisip ng mga bagay na ayaw na niyang balikan pa.

NATAPOS na siyang maligo pero nananatili pa ring tahimik sa loob ng kabahayan. Tanda na hindi pa rin pumapasok si Ashton sa rest house.

Muli'y kusa na namang naghanap ang kanyang mga mata kung nasaan ito. Una niyang sinipat ang tabing dagat dahil doon niya ito huling nakita. At hindi nga siya nabigo. Tanaw niya ang asawang nagtatampisaw sa dagat. Paulit-ulit itong lumulusong sa may malalim na bahagi at kung minsan pa nga'y ilang minuto muna ang binibilang niya bago ito makitang umahon.

Madilim na sa paligid at may kalakasan na ang hangin sa labas. Natitiyak niyang giniginaw na ito. Kaya naman, nagpasya siyang kumuha ng tuwalya at puntahan na ito.

Gusto man niyang hindi sila nagpapansinan, pero kailangan niya itong makausap. Kailangan niyang linawin ang mga bagay-bagay na lalong nagpapagulo sa kanyang isipan. Dahil kahit siya'y nahihiwagaan na rin. Kung totoo ngang bumalik na ang memorya nito, 'di sana'y nagbabangayan na sila ngayon. Sana'y nagtatalo at nag-aaway na sila. At nakikita na sana ulit niya ang galit sa mga mata nito sa tuwing tititigan siya. Ngunit, kabaliktaran ng lahat ng ugali nito ang nakikita niya rito.

Tamang-tama naman ang paglabas niya ng rest house. Dahil nakaupo na ito sa buhanginan. Dahan-dahan siyang lumapit dito nang hindi nito napapansin. Pagkuwa'y maingat niyang inilapat ang tuwalyang hawak sa likod nito—na labis namang ikinagulat ng kanyang asawa. Ngunit, wala naman itong ginawang pagprotesta. Sa halip ay mas iniyakap pa nito ang tuwalya sa sarili.

"Masyado ng malamig ang hangin. Baka ginawin ka…" agad niyang paliwanag. Ayaw niyang bigyan nito ng ibang kahulugan ang ginawa niyang ito. Hindi nito dapat isiping nagiging sweet na siya rito.

Pagkuwa'y naupo siya sa tabi nito. Yakap niya ang sarili dahil kahit nakasuot na siya ng blazer ay nanunuot pa rin ang malamig na hangin sa kanyang balat.

"S-salamat…" tipid na turan nito. Tila wala pa rin itong balak na pag-usapan ang mga nangyari.

"Ahm… ano nga pala ang gusto mong itawag ko sa 'yo?" Sandali niya itong sinulyapan para tingnan ang magiging reaksyon nito. "K-kasi… pasensya na ha? naguguluhan lang talaga ako sa mga sinabi mo."

"Adonis," sagot nito nang hindi inaalis ang mga titig sa kanyang mga mata. "Adonis ang aking pangalan."

"O-okay…" Huminga muna siya ng malalim at malapad na ngumiti. Kinakalma niya ang loob para matanggap niya ng malinaw ang magiging paliwanag nito. "Adonis. Ahm, hi! Ako si Celina. Celina Zealcita. Ikinagagalak kitang makilala!" Pilit siyang ngumiti at inilahad ang palad sa harapan nito upang selyuhan ang pakikipagkilala.

Sa huli, naisip niyang sakyan na lang ito. Mabubuko rin naman niya ito balang araw kung nagsisinungaling nga ito't nagpapanggap lang.

Sa kabilang banda, ang hindi alam ni Celina'y labis iyong ikinatuwa ni Adonis. Kahit hindi niya agad na ipaliwanag ang lahat sa isang pag-uusap lang, ipaparamdam at ipapakita niya ang totoong siya nang dahan-dahan.

...to be continued


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C22
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login