Download App
68% Rainbow Road (Tagalog) / Chapter 17: Chapter 17 : What should I do?

Chapter 17: Chapter 17 : What should I do?

Kasey's POV

"may problema ba apo?, may sakit ka ba?" lolo ask

"okay lang po ako" I said

"Apo,kahit na di ka magsalita alam ko may gumugulo dyan sa isip mo ngayon, and you've been acting strangely for three days now, kaya naman apo, wag kang mahiya na sabihin kay lolo ang problema mo" he said

"lolo!" I said as I hug him

"lolo, si Nice po.... Si Nice po kasi.... Nagtapat po sya sakin nung isang araw... Mahal nya daw po ako" I said

"at anong sagot mo?"

"hindi ko po alam lolo, pati po ako naguguluhan sa nararamdaman ko, gusto ko po sya, pero hindi ko alam kung dahil lang ba sa kaibigan ko sya o may iba pang dahilan"

"apo, ikaw lang ang makakasagot sa tanong na yan, dahil ikaw lang ang nakaka alam at nakaka intindi sa puso mo"

"lolo naguguluhan po talaga ako"

"saka na muna yan, ang mabuti pa ay kumain na muna tayo, nagluto ako ng paborito mong pagkain"

"talaga po?"

"oo naman, kaya tara na, ikain mo na lang yan, mahirap mag isip kapag gutom ka"

I've been spacing out all day, thinking of nothing rather than what happened that day.

Flashback

"Kasi Kasey.... Gusto kita!, I mean mahal kita" I said

"huh?"

"mahal kita Kasey"

Is it real?, Gusto nya ako? , but why?, of all people bakit ako pa.

Parang na-blanko bigla ang mundo ko dahil sa sinabi ni Nice.

"I.. I'm sorry Nice, ... But I honestly don't know what to say"

"It's alright, willing naman ako na mag intay, I won't rush you, it.. It was just that I want you to know what I feel for you"

"I'm really sorry Nice"

"bakit ka ba nag so-sorry, wala ka naman dapat na ikapag-sorry,.. Tara na balik na tayo dun mukang nagkaka-siyahan na sila oh"

I just nod as a reply and followed him pabalik sa room.

Flashback Ends

"Apo?" my grandfather said

"nandyan po pala kayo lolo"

"oo, mukang malalim ang iniisip natin ah, may maitutulong ba ako apo?"

"wala lang po yun lo, di naman po mahalaga ang iniisip ko"

"ganun ba, pero apo kung sakali man na may gumugulo dyan sa isipan mo o kaya naman ay may problema ka, sabihin mo lang sa akin ha"

"opo lolo, promise po"

"good, anyway may gusto sana akong sabihin sayo apo"

"ano po yun?"

"I was planning na sa Japan na lang tayo mag-celebrate ng pasko at new year"

"TALAGA PO?!"

"oo apo" he said with a big smile on his face

"edi makakasama natin si kuya mag celebrate?"

"of course, I already told him to make sure that he shouldn't have any schedule that day, and he requested na kung okay lang daw sana, he want to invite your friends at school to come over there"

"pati po sila Cherry?"

"oo apo, kaya ang mabuti pa ay sabihan mo na sila para makapag paalam na sila sa magulang nila, ako na ang bahala kay Nice, tutal naman may meeting kami mamaya ng papa nya"

Kasama din sya?, No, I can't face him now, naguguluhan pa din kasi ako.

"Apo?, natulala ka na?"

"po?, di naman po lo, tawagan ko na po sila Cherry"

"kumain na muna tayo apo lalamig na ang pagkain oh tawagan mo na lang sila pagkatapos natin kumain"

"sige po"

Then after we ate pumasok na si lolo sa office at ako naman tinawagan ko na sila Cherry at Denise sila na rin daw ang bahala mag inform sa boys.

All day wala akong ibang ginawa kundi ang manatili sa kwarto ko at mag isip, ang isipin si Nice, I was too afraid to face him, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, natatakot ako na baka mauwi din ang lahat sa wala, ilang buwan na nga kaming magkakilala at masasabi ko na close na kami, he was one of my closest friend and just a day ago he confessed to me.

I know na walang maitutulong ang takot ko, pero ayoko lang na magkamaling muli ayokong masaktan ulit, at saka hindi ko maintindihan kung bakit nya ako nagustuhan. At higit sa lahat hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko para sa kanya.

- On the day of our flight to Japan -

We arrived at Narita Airport without any trouble, pagbaba pa lang namin ng eroplano ay sinalubong na kami ng tindi ng lamig ng panahon, medyo naulan rin ng snow nung dumating kami, mabuti na lang at makapal ang suot naming damit kaya hindi kami masyadong nilalamig.

"Nandyan na daw sila Kei, kaya bilisan na natin" lolo said after he finish his phone call

Bilisan?, hindi na kailangan kasi halata namang nagmamadali na sila na makalabas ng airport, hindi din naman kasi obvious na excited sila.

Sinundo kami nila kuya at nila Tito, on our way papunta sa bahay kung saan kami mananatili sa loob ng mahigit isang linggo we decided na sa iisang van na lang kami at sila lolo naman sa kabila kasama sila Tito tutal naman may pag uusapan daw sila tungkol sa business.

Kumain lang kami sandali ng brunch and then namasyal na kami agad. Walang kapaguran sila Cherry sa paglalakad at pag iikot sa Shibuya ang isa sa pinaka busy na lugar dito sa Japan dahil sa napaka dami nitong shops at di ka talaga mauubusan ng pupuntahan na shop.

The next day naman ay bumiyahe kami papunta sa Kyoto para pasyalan ang mga temple at palace doon. Maghapon kaming namasyal at nag-enjoy sa napakagagandang tanawin, nag punta din kami sa museum.

"Kasey may problema ba kayo ni Nice?" tanong ni Denise

Nakauwi na kasi kami ng bahay at kasalukuyan kami ngayong nasa kwarto ko para magpahinga na dahil bukas ay balak naming mamasyal sa theme park.

"Kami ni Nice?, wala naman bakit?"

"kasi kahapon pa namin napapansin na parang nai-ilang kayo sa isa't isa, hindi nga din kayo nag uusap o makatingin sa bawat isa, kaya yung totoo, nag away ba kayo?, inaway ka na naman ba nya?" saad ni Cherry

"hindi kami nag away okay"

Ang totoo kasi ay hindi ko talaga magawang tingnan at kausapin sya sa ngayon dahil sobrang naguguluhan pa ako sa nararamdaman ko, at siguro dahil alam nya at ramdam nya na nai-ilang ako ay sya na ang umiiwas na magtama ang mga tingin namin.

Pero sa paglipas ng dalawang araw na pananatili namin dito at sa pag iwas ko sa kanya ay may kung anong kakaiba akong naramdaman, na para bang ayaw kong mawala sya sa tabi ko, na nalulungkot ako sa sitwasyon namin ngayon at nakikisabay pa itong puso ko na walang tigil sa sobrang bilis na pag tibok sa tuwing nakikita ko sya.

"Kasey?, huy!" pasigaw na sabi ni Cherry, na siya namang nagbalik sa akin sa katinuan.

"tulala ka na dyan, ano na nga, sabihin mo lang kung may problema ka at tutulungan ka namin" sabi ni Denise

'Sasabihin ko ba sa kanilang dalawa?, sabihin ko na kaya? Silang dalawa lang naman ang makaka-tulong sa problema ko. Sige na, sasabihin ko na!' pakikipagtalo ko sa sarili ko sa isip

"ang totoo kasi nyan ay....."

"ay?" sabay na saad ni Denise at Cherry na ngayon ay naka upo sa harapan ko

"nagtapatan sa akin si Nice, na..."

"na?" sabay ulit nilang sabi

"na gusto nya daw ako" mahina kong sabi at saka ako bumuntong hininga

"talaga!?" sabi ni Denise

"sa wakas umamin din" masayang sabi ni Cherry

"alam mo?" sabay naman naming tanong ni Denise

"oo, pero di ko naman ine-expect na talaga ngang gusto ka nya, akala ko imagination ko lang, pero anong sinabi mo nung umamin sya?"

"wala" tipid kong sagot

"wala?" takang saad ni Denise

"as in wala?,wala kang sinabi?" eksaheradong saad ni Cherry

"oo" mahina ko muling sambit

"kelan sya umamin?" may kuryosidad na tanong ni Denise

"nung Christmas Party natin"

"ha?,nung isang linggo pa yun ah, at wala ka man lang sinagot, hanggang nagyon ba, wala ka pa ring binibigay na sagot kay Nice?" tanong pa muli ni Cherry

Tumango na lag ako bilang sagot.

"kaya naman pala ganun na lang ang kinikilos ni Nice ngayon, pero Kasey kung ako ang nasa sitwasyon ni Nice at halos dalawang linggo na simula ng umamin ako pero wala pa akong natatanggap na sagot ay baka isipin ko na lang na sumuko at subukan kang kalimutan, aba naman! Ang hirap kayang umasa sa walang kasiguraduhan" litanya sa amin ni Cherry

"tama si Cherry, ang maglihim pa nga lang ng feelings mahirap na ang magtapat at umasa pa kaya" sabat naman ni Denise na ngayon ay naupo na din sa tabi ko

"hindi ko kasi alam ang gagawin ko, hindi ko din maintindihan ang nararamdaman ko" pagtatapat ko

"ganito lang yan its either gusto mo sya o hindi" sabi ni Denise

"okay ganito kumpiramahin natin, kapag ba nandyan sya o kasama mo sya yung puso mo parang nakikipag karera sa bilis ng tibok?" tanong ni Cherry

"oo" may pagaalinlangan kong sagot

"kapag ba nakikita mo sya sumasaya ka, lalo na pag nakita mo syang naka ngiti?" tanong nama ni Denise

"oo"muli kong sagot

"kapag ba may ibang nalapit o kausap sya na babae naiinis ka?" tanong naman ni Cherry

"oo?" kunot noo kong sagot

"yung tipo na gusto mo syang makita palagi, yung halos araw-araw gusto mo syang makita, yung lumipas lang ilang minuto na di ko sya makita ay nalulungkot ka?" tanong muli ni Cherry

"oo"

"yung marinig mo pa lang ang boses nya na tinatawag ang pangalan mo ay napapangiti o napapalingon ka na?" tanong nitong muli

"oo"

Teka?, bakit puro OO ang sagot ko?, wala ba silang tanong na ikahi-hindi ko?.

"Confirm!" masiglag sabi ni Cherry

"anong confirm?" taka kong tanong

"confirm na, na may gusto ka na nga kay Nice, in denial ka lang" saaad ni Denise na may di maipaliwanag na mga ngiti sa kanyang labi

"ako?, gusto ko na sya?" taka ko tanong

Gusto ko na nga ba sya?

"Kasey naman, ano ka ba?, obvious na obvious naman na gusto mo na rin sya kaso yang utak mo ayaw tanggapin ang katotohanan na sinasabi ng puso mo, alam ko na sa pag ibig hindi lang puso ang dapat na pinapairal kundi pati utak, pero ikaw puro ata utak ang gamit mo" inis na sabi ni Cherry

"tama sya Kasey, pakinggan mo rin yang puso mo, at saka nasa iyo pa rin ang desisyon basta ang payo lang namin sayo ay wag mo ng patagalin ang paghihintay ni Nice dahil baka mag bago bigla ang nararamdaman nya sayo at baka isang araw ay tuluyan na syang lumayo sayo" sabi ni Denise

"saka ito para sa kaalaman mo, ikaw pa lang ang babae na nagustuhan nya, kaya alam namin na seryoso sya sayo at tiwala kami na hindi ka nya sasaktan at papaiyakin dahil mabuting tao si Nice" saad ni Cherry

"alam ko naman yun, naguguluhan lang talaga ako sa sarili ko" mahina kong sabi

"don't worry, sigurado naman na naiintindihan ka ni Nice, kaya sana pag isipan mo ito ng mabuti" sabi ni Denise

"hay naku!, tama na nga ang usapang pag ibig, matulog na lang tayo dahil di na keri ng mata ko, antok na ako"

Pag iiba ni Cherry sa usapan at saka sya nahiga sa kama ko.

"mabuti pa nga, matulog na tayo Kasey, bukas mo na lang pag iisipan yan, halika ka na, maaga pa ang alis natin bukas" sabi naman ni Denise na ngayon ay nakahiga na rin sa higaan.

Iisang kama lang gamit namin dahil king size naman ang kama ko at kasya naman kami, and I don't mind sleeping together with this two ladies.

NICE'S POV

Halos dalawang linggo na ang nakalipas mula nang umamin ako sa nararamdaman ko para kay Kasey, at simula ng araw na iyon ay hindi ko na tinangka pa na tawagan o i-text man lamang sya, dahil hindi ko alam kung paano ko sya kakausapin matapos ang ginawa kong iyo. Gusto rin kasi na bigyan sya ng panahon para mapag isipan ang mga bagay bagay, subalit sa bawat araw na lumilipas ay lalo akong kinakabahan at unti-unting naglalaho ang pag asa na meron ako. Sa tingin ko kasi ay wala syang nararamdaman para sa akin, na hanggang kaibigan lang ako, lalo pa at alam ko ang nakaraan nya, mahirap umasa pero kahit naman siguro paano ay may pag asa ako di ba?.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C17
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login