Download App
60.56% Maybe This Time Love Can Win (Tagalog) / Chapter 235: Accident

Chapter 235: Accident

"Mama mo!" Sagot ni Alvin sakin, na labis kong pinagtakahan kasi nga sa cellphone ko usually tumatawag si Mama.

"Kanina ka pa daw niya tinatawagan sa phone, busy daw!" Mukang nabasa ni Alvin yung iniisip ko kaya sinagot niya ito.

"Ah, okey! Pa-transfer na lang." Naalala ko nga pala katatapos lang ng usapan namin ni Anna kaya siguro sa land line tumawag si Mama. "Ano kaya kailangan niya?" bihira kasing tumawag sakin si Mama kung di lang importante di ako nito tinatawagan kaya di ko maiwsang mapa-isip.

"Ma?" Sagot ko kagad ng kumonekta yung tawag.

"Michelle! Huhu...Huhu...!" Tawag sakin ni Mama sabay hagulgol bigla akong kinabahan na di ko malaman.

"Bakit Ma?" Tanong ko uli, Ang bilis ng tibok ng puso ko pero pinipilit kong kumalma kasi ayaw kong mag-isip ng negative muna. Nagpatuloy lang sa pag-iyak si Mama sa kabilang linya at di ako sinasagot.

"Ma, Ano nangyari?" Muli kong tanong pero gaya kanina iyak lang naririg ko kaya lalo akong kinabahan. Dinampot ko yung cellphone ko na nakapatong sa lamesa at tinawagan ko si Mike.

Habang nasa kabilang tenga ko parin yung handset ng landline namin.

"Ate?" Sagot ni Mike sakin pagkalipas ng tatlong ring. Kalmado naman yung boses ni Mike na parang nagulat pa nga sa tawag ko.

"Asan ka?" Mabilis kong tanong, wala kasing pasok ngayon si Mike kasi ng Holiday break na nila kaya akala ko amay nangyari sa kanya kaya umiiyak si Mama.

"Asa court ako, nagbabasket ball. Bakit Ate?"

"Umuwi ka muna bilis?"

"Bakit?" Takang tanong niya.

"Ma, pauwi na si Mike kalma ka muna ha! Wag kang umiyak, Ano pa nangyari?" Dahan-dahan kong sabi kay Mama

"Bakit, Anong nangyari kay Mama?"

"Michelle yung Papa niyo.... yung Papa niyo... Huhu... huhu....!" Utal-utal na sabi ni Mama, kaya lalo akong nataranta.

"Malapit ka na ba sa bahay?" Sigaw ko uli kay Mike.

"Tumatakbo na!" Sabi ng kapatid ko na natataranta narin.

"Bilisan mo!" Sigaw ko.

"Ano nangyari kay Papa? Ma, kalma lang please di kita maintindihan eh!" Naiiyak ko naring sabi.

"Michelle yung Papa mo nasa hospital! Huhu...Huhu...!"

"Ma, ayusin mo para maintindihan kita!" Paki-usap ko kasi lalo akong naguguluhan sa sinasabi niya. Magkasabay lang kaming pumasok ni Papa at ayaw kong isiping may nangyari sa kanyang masama.

"Bakit Ma?" Narinig kong sigaw ni Mike mukang nakarating na siya sa bahay kaya binitawan ko na yung cellphone ko.

"Ano na yun Ma? Tahan na! Sabihin mo, Anong problema?" Pag-aalo ng kapatid ko sa nanay namin na lalong humagulgol.

"Inom ka muna ng tubig Ma!" Sani uli ni Mike na naririnig ko sa phone maliban sa patuloy na pag-iyak ni Mama.

"Anong nangyari?" Muli kong tanong.

"Hik...hik...!" Hikbi nalang ni Mama, halatang pinipilit niyang kumalma. "Si Papa nito naaksidente... hik...hik.. asa ospital siya ngayon!"

"Saang hospital?" Sigaw ko at tuluyan ng pumatak yung luha ko.

"Saan hospital Ma?"

"Ate!" Umiiyak na rin si Mike.

"Ano?" Tanong ko.

"Nasa Medical daw ate! Huhu... nabangga daw yung kotse niya kanina!" Iyak ni Mike.

"Paano?" Muli kong tanong na parang nababa-blanko yung utak ko.

"Pumunta ka muna dun, ate sa may medical! Susunod kami ni Mama para malaman natin yung kalagayan ni Papa!"

"Sino nagbalita niyan sayo?" Muli kong tanong kasi nga baka mamaya nanloloko lang. Pina-praning lang kaming pamily.

"Galing sa Medical yung text nagsasabi na sinugod daw dun si Papa dahil na-involve daw siya sa isang car accident at pinapapunta tayo dun." Sabi ni Mike na medyo kumalma na.

"Sige...sige... pupunta muna ako dun!"

"Okey, ate susunod kami ni Mama!"

"Hindi,wag kayong sumunod ako nalang muna. Tawagan ko kayo kapag alam ko na yung sitwasyon." Mabilis kong sabi, paano may sakit din sa puso si Mama at di ko siya pwedi dalhin dun na di namin alam yung sitwasyon.

"Pero Ate?" Protesta ni Mike. Alam ko nag-aalala din siya para sa tatay namin.

"Makinig ka Mike, di natin alam pa yung sitwasyon. Hayaan mo muna ako pumunta ha! Si Mama ang alalayan mo, ako muna bahala kay Papa! Naiintindihan mo?" Paliwag ko sa kanya.

"Okey!" Pag-sang ayon ni Mike makalipas ng matagal na pananahimik. mukang naintindihan naman niya yung point ko.

"Tawagan mo kami kagad ha!" Paki-usap niya.

"Oo!" sabi ko sakya saka ko binaba yung telepono. Mabilis kong ipinasok yung mga personal kong gamit sa bag pack ko at mabilis akong umalis pero bago pa ko makahakban ng dalawang beses pinigil ako ni Alvin. Kaya tiningnan ko siya na may pagkabigla.

"Hatid na kita!"

"Wag na, baka kasi!" pero di ko pa natapos yung sasabihin ko nung magsalita siya uli.

"Mas mapapabilis ang pagpunta mo dun kung hahatid kita ng motor, Isa pa mas amnda kung may kasama ka kasi nga di mo pa alam sitwasyon dun!"

"Sige!" Nasabi ko nalang, kasi nga may point naman siya. Agad kaming umalis pero di namin kinalimutang magbilin kay Dina na may emergency ako kaya need muna naming umalis. DI ko na pinaliwanag kasi nga nagmamadali na kami.

Makalipas ng ilang minuto, nakarating kami sa Hospital.

"Good Afternoon! May nagtext kasi sa Mama ko na dinala daw dito yung Papa ko?" Tanong ko sa Nurse na nasa reception area nung dumating kami ni Alvin. Di niay ko iniwan hanggat di niya nasisiguro yung sitwsyon na labis kong pinapasalamat.

"Anong name po ng father niyo?" Naka ngiting tanong ng Nurse na di alintana yung aligaga kong reaksyon.

"Mikael De Vera!" Mabilis kong sagot.

"Wait lang check ko!" Sabi nito sabay harap sa computer at hinanap yung pangalan ni Papa.

"Meron ba Miss?" Muli kong tanong pero tahimik akong nagdadasal na wala sana. Sana prank lang yung nagtext at tumawag kay Mama.

"Wala sa record namin pero wait lang ha!" Sagot ng Nurse, nabunutan na sana ako ng tinik nung sabihin niyang wala pero nung dinugtungan niya ng wait muli akong kinabahan.

"Lei, may pasyente bang dumating na Mikael De Vera?" Tanong ng Nurse na kausap ko sa isa pang Nurse na dumating.

"Yun yata yung na-involve sa aksidente yung sinabi ni Dok na tawagan mo kanina!" Sagot ng Lie na kausap ng Nurse. Bigla akong ng hina dahil sa narinig ko buti nalang naalalayan ako ni Alvin kundi natumba ako.

"Ay, Oo nga pala! Anak ka niya?" Mabilis na sabi ng Nurse at kinalkal yung folder sa harap niya at dun tumambad sakin yung ID ni Papa na suot-suot niya kanina di ko na napigilang umiyak.

"Asan na yung pasyente?" Si Alvin na yung nagtanong kasi di ko na alam paano tanungin yung bagay na yun kasi ayaw kong isipin kung anong posibleng nangyari sa tatay ko.


CREATORS' THOUGHTS
pumirang pumirang

Once Again... please add my othe novel

"Let's Start Again!" Kwento ito ni Edward at Ivy na dapat niyo ding subaybayan!!!

P.S. Maghanda ng panyo sa mga susunod na chapter kasi ako naiiyak din habang ginagawa ito.... Huhu...Huhu... kasi magtatapos na yung Volume 1.

Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C235
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login