Download App
10.82% Maybe This Time Love Can Win (Tagalog) / Chapter 42: Kiss Marks

Chapter 42: Kiss Marks

"Let me help you."

"Ha?" Bigla kong natanong sabay titig sa kanya.

"Ako na magtatangal ng bra mo." Sabay pasok ng kamay sa suot kong damit sabay tanggal ng hook ng bra ko. Halos wala pang isang minuto niyang ginawa.

"Wow! Expert!" Yun nalang masabi ko sakanya nung matanggal niya. Pano ba naman sa pamamagitan lang ng isang kamay natanggal niya yun kagad at sobrang bilis pa. Samantalang ako ilang year ng magsusuot nun eh kailangan pang gumamit ng dalawang kamay para lang maialis yun. Tapos siya ganun ganun lang naialis na niya kagad. Siguro ang daming bra na niyang natanggal kaya sanay na sanay na sa tanggalan ng bra.

"Anong expert?" seryosong tanong niya sa akin.

"Wala ang galing mo kasing magtanggal ng bra, para kang sanay na sanay!" Di ko naiwasang sabihin yung nasaisip ko lng kanina.

"Ilang bra na ba natanggal mo?" Inosenteng tanong ko sabay tawa.

"Haha...haha!"

"Wag kang tumawa!"

"Ha... bakit? Dahil di mo na mabilang kung ilang bra na natanggal mo?" Pang-aasar ko habang tumatawa.

"Ikaw!" Sabay kagat sa leeg ko.

"Uy…!" Sabay tulak sakanya. Pero di niya ko binitiwan sa halip lalo niya kong niyakap ng mahigpit habang nasa leeg ko parin ang bibig niya. Naramdaman ko na sinisip-sip niya yung balat sa leeg ko at minsan kinakagat.

"Martin! Anong ginagawa mo! Bitaw nakikiliti ako. Sa patuloy na pagtulak-tulak ko sa kanya tinigilan na niya yung leeg ko.

Agad kong kinapa yung bandang kinagat niya medyo basa pa iyon dahil sa naiwan niyang laway.

"Anong ginawa mo?" Pero sa halip na sumagot tawa lang ang iginanti niya sa akin.

"Haha...haha!"

Tiningnan ko siya ng masakit pero patuloy parin siya sa pagtawa. Kaya agad kong kinuha yung cellphone ko sa bedside table. Ginamit ko yun para makita ko kung ano yung tinatawa-tawa niya.

Nakita kong namumula yung parteng hinalikan niya kanina nanlaki yung mata ko at di ko mapigilang mapatanong sa kanya.

"Nilagyan mo ko ng kiss mark?

"Haha..Haha!" Muli siyang tumawa ng malakas.

"Kainis ka naman eh!" Sabay hampas sa dibdib niya.

"Ang ganda kaya."

"Ganda mo muka mo!" Sabay irap. Tuluyan na kong tumayo at dumiretso sa CR. Gusto kong makita sa salamin ng malinaw yung ginawa niyang kiss mark sa akin.

"Bwisit! Halatang-halata!" Yun ang nasabi ko nung makita ko yung reflection ko sa salamin. Pulang pula yung bahaging iyon korteng oblong kasing laki ng hinalalaki ko. Dahil nga sa maputi kong balat naging agaw pansin siya.

Agad ko yung kiniskis para kahit papano magmukang kinamot ko. Kasi nakakahiya kung sakaling makita ng ibang tao.

"Wag mo kiskisin! Magsusugat yan." Saway niya sa akin. Nakatayo na siya sa likuran ko habang pinipigilan yung kamay ko sa pagkiskis sa leeg ko.

"Tingnan mo nga yung ginawa mo! Halatang-halata oh… Ano nalang sasabihin ng mga taong makakapansin! Kainis ka naman eh!" Naiiyak na ko sa inis sa kanya samantalang siya nakangiti parin na akala mo inosente.

"Let me repair!"

"Anong let me repair?" tanong ko habang tinitingnan ko siya ng masakit sa salamin.

Sa halip na sumagot muli niyang kinagat ang leeg ko sa bandang ibabaw ng may kiss mark. Para siyang bampira na naka subsob sa leeg ko. Tatlong beses niya yung inulit ang pagkagat at pagsipsip ng balat ko. Pinalibutan niya yung unang kiss mark ng bagong tatlo. Halos pulang pula ang muka ko dahil dun at di ko na nagawa pang magpumiglas.

"Ayan di na mukang kiss mark." Proud pa siya sa ginawa niya.

Nakatingin ako sa kanya ng matalim samantalang siya tuwang-tuwa.

"Alis nga diyan!" Sabay siko sa kanya.

"Ouch! Haha...haha...!"

"Sayang-saya ka talaga ha!"

Sabay back-out ako sa kanya, agad akong nag marcha pabalik ng kuwarto ko. Samantalang yung ungas sumusunod sa akin na parang aso kung makatawa. Lakas ng loob sabihing let me repair ang putik lalong pinalaki. Bwisit talaga! Pagmamaktol ko hanggang makarating ako sa kwarto.

"Wag kang sumunod!" Sigaw ko sa kanya nung linungin ko siya. Di ko na siya hinayaang magsalita nung pagbaksakan ko siya ng pinto sa muka. Atleast kahit man lang doon makabawi ako.

Agad niyang hinawakan yung door knob para pumasok sana pero muli kong binuksan yung pinto.

"Sabi na nga ba di mo ko matitiis eh." Pagyayabang niya.

"Wag mong subukang buksan yung pinto sa pamamagitan ng susi. Bubugbugin talaga kita!" Pagbabanta ko. Sabay muling sara ng pinto.

Pagkasara ko ng pinto agad akong humiga ng kama at pumikit. Pinipilit kong pakalmahin yung utak ko talagang napaka shameless niya.

Samantalang si Martin di parin makapaniwala na pinagsarhan ko siya ng pinto. Nakatayo parin siya sa may harapan ng pinto ko. "Mukang nagalit talaga siya. Haha...haha...!" Iiling-iling siyang bumalik sa sarili niyang tulugan.

Nagising ako sa ng alas nuwebe na ng umaga. Agad akong tumayo at kumuha ng damit sa maleta ko at pumuntang CR. Sabado na ngayon at kailangan ko ng makabalik ng Manila dahil may schedule ako ng Monday ng implementation para sa isa naming project sa Laguna kaya agad- agad akong kumilos.

Paglabas ko ng kuwarto wala si Martin. "Baka tulog pa." Buti nalang nanahimik siya kagabi kaya nakatulog ako ng mahaba. Sabi ko sa sarili ko. Agad akong naligo at nagpalit ng damit. Pinili kong magsuot ng may kuwelyo para kahit papano matakpan yung ginawa niya kagabi. Nung lumabas ako ng CR nakita ko na si Martin naghahanda ng pagkain sa lamesa.

"Good Morning!" Masayang bati niya.

"Morning!" Matipid kong sagot. Dumiretso muna ako sa kuwarto para lagay yung hinubad ko at mga abubot. Muli akong lumabas para kumain.

"May pupuntahan ka?" Tanong niya sa akin habang nagsisimula na kaming kumain. Napansin niya kasi na nakabihis na ko pang alis.

"Oo, babalik na ko ng Manila."

"Oh!" Sagot naman niya habang tumatango-tango pa.

"Bakit?" Takang tanong ko alam ko kasi may hidden meaning yung reaksyon niya.

"Wala naman naisip ko lang pano ka makakauwi eh kanina pa umalis yung bus pabalik ng Laoag City!"

"Ha?" Takang tanong ko. "Bakit isang bus lang ba bumabiyahe dito papuntang Laoag?"

"Oo, isa lang at kanina pa yun umalis ng alas sais ng umaga. Dapat sinabi mo sa akin na uwi ka na di sana ginising kita kanina pa kong gising eh."

Tiningnan ko siyang mabuti para kung nagsisinungaling siya agad ko iyong mapapansin. Pero wala akong makitanog kakaiba sa kanya. Kaya pinagpatuloy ko nalang yung pagkain ko at di ko na siya pinansin. Naging tahimik yung pagkain naming dalawa hanggang matapos.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C42
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login