Download App
5.67% Maybe This Time Love Can Win (Tagalog) / Chapter 22: You Will Never See Him Again

Chapter 22: You Will Never See Him Again

Habang kumakain siya umupo ako ng lazy style. Nilagay ko yung dalawng kamay ko sa likod ng bench tapos idiniretso ko yung paa ko n naka ankle cross at tumingala sa langit. Ang ganda ng langit daming bituin, sa probinsya mo lang talaga ma eenjoy ang ganitong view. Napaka tahimik, napaka relaxing habang nakatingala di ko maiwasang mag kuyakuyakoy.

"Ang hilig mong tumingin sa langit, wala ka naman makita diyan kundi kadiliman!" Sabi niya sakin habang pinagmamasdan ako.

"Wag mo kasing tingnan yung dilim, tingnan mo yung maliliit ng liwanag. Di ba ang ganda nila!" Nakangiti kong sagot sa kanya.

"Tara na!" Yaya niya sakin para maputol yung pagkakatitinginan naming dalawa. Kaya agad narin akong tumayo at pinulot yung mga pinagkainan namin. Ako na yung nagbayad ng kinain namin. Nakaka hiya naman kung siya parin papabayarin ko isa pa barya lang naman ito.

Gaya parin ng dati di parin kami nag-uusap hanggang makarating kami sa hotel. Pag baba sa kotse agad akong naunang naglakad papunta sa kuwarto ko. Parang napaka haba ng araw na ito pagod na pagod yung utak ko. Pag kaharap ko si Sir Martin parang lagi akong nakikipag mind reading sa kanya. Kaya feeling ko drain na drain ako. Agad akong naligo para kumalma.

"Ting!" Tunog ng cellphone ko,na agad kong dinampot.

"I save your number, Thanks for the day! Good night!" from Sir Martin.

Bigla akong napahinto sa pagpupunas ng buhok ng mabasa ko yung text niya, masyado lang ba akong nag-iisip or may something talaga sa kanya.

"Hays! bukas nalang naman kami mag-sasama. Uuwi na ko sa susunod na araw. Kunting tiis Michelle kaya mo yan and you will never see him again!" Sambit ko at di ako nag-abalang replayan siya.

Pag-gising ko ng umaga agad akong naligo at nagpalit ng damit. Dumiretso ako sa security room. Pag dating ko dun andun na si Sir Albert.

"Hi Sir! Good Morning!" Magiliw kong bati.

"Morning din Ms. Michelle!" Ganting bati niya sa akin.

"Sir yung CCTV nalang check natin di ba po?"

"Yes Ma'am, yun nalang ti-test natin tapos yung kaunting adjustment nalang if ever may papabago si Sir Martin. Bakit Ma'am may pupuntahan ka ngayon?"

"Naku, wala naman Sir! Magpapa book na kasi ako para sa pagbalik ko Manila!" Agad kong paliwanag.

"Sumabay ka na lang saking pa Manila!" Sagot ni Sir Martin na kadarating lang.

"Sumama ka muna sa akin sa Pagudpod, may balak kasi akong bilhing hotel dun gusto ko sana makita mo para mabigyan niyo ko ng quote kung magkano aabutin sa paglalagay ng security system dun!"

"Naku Sir! Si Boss Helen na po yung gagawa nung quotation, more on finishing touch na po ako. Kung gusto mo Sir, tawagan ko si Boss para maka punta po siya!" Akma ko ng ida-dial yung phone ko ng bigla siyang muling mag salita.

"No need naka usap ko na siya sabi niya ikaw nga muna sumama sakin dahil meron daw siya imporatanteng business deal sa Manila kaya di siya makaka punta dito sa Laoag. Pero kung duda ka parin, Go ahead call her!" Paghahamon niya sakin.

"Okey po Sir!" Yun nalang ang nasabi ko. Pero sa isip ko di parin ako sumasang ayon. Tawagan ko nalang si Boss mamaya baka may ibang option. Kasi ayaw ko na talaga siyang makasama.

"Start na tayo"! Sabay lakad ni Sir Martin papunta sa harap ng 32" screen monitor para sa viewing ng mga CCTV sa buong hotel. Kaya agad narin akong tumayo at sumunod sa kanya. Magkatabi kaming tumayo sa harap ng monitor.

"As you can see Sir, Itong camera one ito yung nakatutukot sa entrance ng Hotel nakikita rin po ito ng guard dun sa guard house. Meron din tayong mga camera which is varifocal, nag zoom siya sa mga taong pumapasok sa lobby." Pagpapaliwanag ko.

Pagkatapos ng testing namin sa mga CCTV at kunting adjustment, agad kaming tumulak papuntang Pagudpod. Sa ngayon nakasakay kami sa kotse ni Sir Martin, di na siya ang driver. Sinama niya si Mang Kanor para ipag drive kami. Buti na nga lang din, ganun kasi kahit papano nakakahinga ako ng maayos.

Magkatabi kami sa likuran ng sasakyan niyang Land Rover Range Rover Sport na kulay maroon. Dumating kaninang umaga yung sasakyan niya na nasira pala sa La Union nung paakyat siya ng Laoag kaya napilitan siyang mag commute, yun yung time na nagkasabay kami sa VAN. Inabot din ng ilang araw bago nagawa pano yung piyesa sa Manila pa kinuha wala daw kasing stock sa La Union kaya medyo natagalan. Paliwanag kanina ni Mang Kanor ng humihingi siya ng pasensiya kay Sir Martin dahil kanina lang naka sunod sa Laoag.

Naisipan ko munang ipikit yung mata ko para kahit papano makapagpahinga yung utak ko sa kakaisip. Asang asa pa naman ako na makakauwi na ko sa Manila ngayong gabi at sa wakas di ko na siya makakasama. Pero ang ending magkatabi kami uli sa sasakyan at mukang aabutin pa uli ng two days ang pagsasama namin. Naalala ko pa yung sinabi sa akin ni Boss Helen nung nakausap ko siya sa phone kanina.

"Andiyan ka naman na sa Laoag kaya gawin mo na. I will send the form na kailangan mo fill-up para sa quotation. Don't worry I will add some allowance to your account. Plus kung mag go yung deal I will give you two percent commission on the total amount na ma close mo diyan." Di ba napakagandang offer, Paano ka naman nga makakatangi? Kaya ito magkasama kami uli.

Busying busy siya sa pagta-type sa laptop niya mukang nag check ng mga emails niya. Kaya tahimik lang ako baka kasi maistorbo ko siya. Bakit kasi dito pa ko sa likod pinaupo?

"Hays!" Buntong hiniga ko pano kasi kanina sa harap na sana ako uupo ng bigla niyang sinabi.

" Dito ka na sa likod umupo, di sanay si Mang Kanor na may katabi sa harap!"

Agad kong tiningnan si Mang Kanor na nasa harapan para ma-confirm sa kanya yung sinasabi ni Sir Martin pero ngiti lang ang itinugon sakin. Kaya wala akong nagawa kundi bumaba at lumipat sa likod.

"Kuya hanap ka muna ng pwedi nating makainan!" Narinig ko sabi ni Sir Martin.

Eleven o'clock kasi kami ng umaga umalis sa Hotel. Mag lunch hour na rin at medyo gutom narin ako. Di kasi ako nag breakfast kanina, kaiiwas sa kanya na magkita kami uli sa kitchen.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C22
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login