Download App
100% A Week to Remember / Chapter 6: Feelings

Chapter 6: Feelings

Kinabukasan ay maagang gumising ang dalaga at gumayak upang maghanda sa pagpasok sa paaralan.

Pagkatapos makapaligo at makapagbihis ay agad siyang nagtungo sa kusina upang maghanda ng pagkain.

Ngunit pagdating ng dalaga sa kusina ay napahinto siya nang makita niya ang binata na nagluluto.

Namangha ang dalaga sa bilis ng kilos ng binata sa pagluluto ng pagkain.

Agad na lumapit ang dalaga upang tulungan ang binata.

At kukuhanin sana ng dalaga ang baso ng magdampi ang mga kamay nila ng binata at nagkatitigan na lamang sila.

"You don't have to do this. You are the visitor here." Mahinang sambit ng dalaga sa binata. Sasagot sana ang binata nang magsalita mula sa kanilang likuran si Jenica.

"Tessa, pabayaan mo na si Brian. Sanay na ko sa kanya. Ganyan talaga 'yan pag nandito. Mauna na kayong kumain maya-maya na lamang kami ni Paulo kakain." At naghikab si Jenica na tumalikod sa dalawa upang bumalik sa kanilang kwarto.

At napatingin na lamang ang dalaga sa binata.

"Ah, Brian pala ang pangalan niya." Sambit ng dalaga sa kanyang isipan.

At sabay na kumain ang dalawa.

Habang kumakain ang dalawa ay lihim na pinagmamasdan ng dalaga ang binata.

"Bakit kaya ang taong ito halus di mo makita ang mukha sa kapal ng bigote sa mukha?" Tanong ng dalaga sa kanyang isipan.

"At ang mga mata niya na tila inaantok na lang lagi, parang pamilyar na di ko mawari kung saan ko nga ba nakita." Dagdag pang katanungan ng kanyang isipan.

Nang makatapos kumain ay nagpaalam na ang dalaga sa kanyang pinsan upang pumasok.

Nang araw din na yaon ay maagang umuwi ang dalaga dahil half day lang ang naging pasok nila. Sapagkat wala ang kanilang teacher dahil dumalo ito sa isang seminar.

Inabutan ng dalaga ang kanyang pinsan na nasa kusina na nagmimeryenda.

"Tessa, ang aga mong umuwi ah. Tamang-tama magmemeryenda pa lang ako. Saluhan mo ko." Alok ni Jenica sa dalaga. At ngumiti ang dalaga at tumabi kay Jenica. Hinalikan sa pisngi ng dalaga si Jenica.

"May suman na akap-akap, bibingka at salabat dito mamili ka lang." Sabay abot ng pinggan at tinidor sa dalaga.

Umiikot at lumilinga-linga ang mga mata ng dalaga na para bagang ito'y may hinahanap kung kaya't nakahalata si Jenica.

"Wala sila Kuya Paulo mo at si Brian. May inaasikaso sa Batangas, baka gabi na sila makauwi." Ang paliwanag ni Jenica sa dalaga.

"Nahihiya ka kay Brian hano?" Tukso ng pinsan sa dalaga.

"Mabait si Brian, bago ko pa makilala ang Kuya Paulo mo lagi na silang magkasama. Pilipina ang mother ni Brian at Canadian naman ang father niya." Patuloy na kwento ni Jenica.

"Noong huling uwi niya dito, palagi siyang nagpupunta sa Divisoria. Mayroon daw siyang gustong laging nakikita doon. Sa palagay ko ay chicks 'yon. Pero nagtataka lang ako bakit hindi pa sya ngagawi doon?" Pagtatakang wika ni Jenica.

"Baka nagbago ang feelings." Sagot ng dalaga.

"Baka may nakita dito." Tukso ng pinsan sa dalaga.

Pagkatapos nilang magmeryenda naisapan ng dalaga na maglinis ng bahay pati sa kwarto na tinutulugan ng binata. Nang may napansin ang dalaga na papel na nakapatong sa may unan, kinuha niya ito at binasa.

Tula pala na may pamagat na "Mata ng aking puso"

Sana ang puso'y natuturuan

Natuturuan, nababawalan

Nababawalang tumibok

Tumibok at magmahal

Magmahal at lumigaya

Lumigaya at masaktan

Masaktan sa nadarama

Nadaramang kaibahan

Kaibahang nakikita

Nakikita sa aking mata

Mata ng aking puso

Pusong may itinatago

"Nagbabasa siya ng tagalog?" Bulong ng dalaga sa kanyang sarili. "Siguro para ito sa gusto niyang babae." Ang nasa isip ng dalaga.

At ibinalik ng dalaga sa dating ayos ang papel at lumabas na ng kwarto pagkatapos maglinis.

Nakatapos na silang maghapunan nang dumating sina Paulo at Brian. Si Jenica na ang nag-asikaso sa dalawa na naghain at si Brian naman ang nagligpit ng kinainan nila.

Pumasok na sa kwarto ang mag-asawa.

Nagpalit lang ng damit ang binata at lumabas uli ng kwarto at naupo sa may sala. Tinatanaw niya ang gawing kwarto ng dalaga. Subalit nakapinid na ang pintuan nito. Naisip niya na baka natutulog na ito.

At nahiga na lamang ang binata sa mahabang sofa at itinutok sa kanya ang bentilador saka pumikit.

Hindi na niya alam kung gaano katagal siyang nakatulog. Naramdaman na lamang niya na may dumadampi sa kanya. At idinilat niya ang kaniyang mga mata. Nakita niyang kinukumutan siya ng dalaga.

"I'm really sorry, did I wake you? I thought you might be cold so I've brought a blanket." Pag-aalala ng dalaga.

Napabangon bigla ang binata nang marinig ang tinig ng dalaga at masigurong hindi siya nananaginip. Akmang tatalikod na ang dalaga nang tawagin siya sa kanyang pangalan.

"Tessa!" Mabilis na tawag ng binata at lumingon ang dalaga.

"Thanks." Ang nasambit ng binata. Tumango at ngumiti lang ang dalaga. Pumunta ng kusina ang dalaga upang kumuha ng tubig at isinalin sa baso.

Akmang iinom na ang dalaga nang maramdaman niyang may tao sa likuran niya, pag harap niya ay lumigwak ang tubig na malamig sa braso ng binata na sumunod pala sa kanya.

Agad na kumuha ng napkin ang dalaga sa lamesa at idinampi sa braso ng binata. Sabay pang nag-sorry ang dalawa kaya nagkatinginan sila at nagkatawanan.

"Would you like to drink?" Alok ng dalaga sa binata.

"Yes, please." Nakangiting tugon ng binata. At inabutan ng dalaga ang binata ng isang basong tubig. Habang umiinom ang dalaga ay hindi maalis ang tingin ng binata sa dalaga.

"Are you going to school tomorrow?" Tanong ng binata at tumango ang dalaga.

"Can I go with you? I would like to walk around here." Nahihiyang tanong ng binata.

"It's okay with me." Nakangiting tugon ng dalaga.

Pagkainom niya ng tubig ay nagpaalam na ang dalaga sa binata na papasok na siya sa kanyang kwarto at tumango naman ang binata.

Nang maisara na ang pinto ay napabuntong hininga ang dalaga.

"Hay, kinabahan ako dun ah." Ang nasambit ng dalaga sa nangyari kanina.

Nahiga siya sa kama at ipinikit ang kanyang mga mata ngunit mukha pa rin ng binata ang kaniyang nakikita.

"Ang ganda talaga ng mga mata niya." Nakangiting sambit ng dalaga.

Inabot na siya ng madaling araw na hindi nakakatulog. Bumangon na lang ang dalaga at iginayak ang isusuot na damit. Blouse na white at black skirt na semi-balloon at sandals na flat.

Paglabas niya ng kwarto ay nagulat ang dalaga nang makita niya ang binata. Nakaligo at nakagayak na ito. Naka white t-shirt at maong na pantalon na naka rubber shoes na adidas. At nakaupo ito sa sala  na naghihintay sa dalaga.

"What time are we going?" Tanong ng binata sa dalaga.

Tumingin ang dalaga sa wall clock na nakasabit sa dingding na malapit sa binata.

"It's only 5:30 a.m. but my school starts at 8:00 a.m. it was just a practice for graduation." Sagot ng dalaga.

"Ah, okay." Ani ng binata.

"Hindi rin yata ito nakatulog." Ang bulong sa sarili ng dalaga.

Hindi pa bumabangon ang mag-asawa kaya sila lang dalawa ang nasa harap ng lamesa na nagkakape. May nakalagay din na pandesal at palaman na butter, eggs at hotdogs sa lamesa.

"You look beautiful in your dress and your hairstyle suits you." Papuring puna ng binata sa dalaga.

"Oh, stop joking around maybe you want to feel the heat of this coffee... accidentally." Sabay irap ng dalaga sa binata.

"Oh, no, that would hurt. Last night it was cold, now it is hot." Natatawang sagot ng binata. Na napapangiti lang ang dalaga. At hinarap na lang ng dalaga ang pagkain. Maya-maya ay tumingin ang dalaga sa suot niyang wrist watch.

"7:00 a.m. pa lang may isang oras pa." Ang bulong ng dalaga sa sarili kaya tumayo siya na pumunta sa may terrace at diniligan ang mga halamang rose na nasa paso.

Sumunod naman ang binata at naupo sa bakal na upuan habang tinatanaw ang dalaga na nag-aalis ng mga dahon na nalanta.

"What's your favorite flower?" Tanong ng binata sa dalaga.

"Many." Sagot ng dalaga.

"Like?" Tanong muli ng binata.

"This one." Sabay turo ng dalaga sa pulang bulaklak na rose na nasa paso. Nang marinig nilang sumara ang pintuan.

"Gising na si ate Jenica." Ang nasa isip ng dalaga. Kaya pumasok ang dalaga sa loob ng bahay upang kunin ang kanyang bag at nagpaalam.

"Ate papasok na ako, sasabay daw si Brian." Paalam ng dalaga na nilingon naman ni Jenica at tumango.

"Ingat kayo." Bilin nito sa kanila.

Habang naglalakad sila papuntang school ay may bumati sa dalaga at tinatanaw ang kanyang kasama.

"Your classmate?" Tanong ng binata. At tumango ang dalaga.

Pagkahatid sa dalaga sa school ay nagpaalam na ang binata.

Nang nasa loob na ng school ang dalaga ay nagtanong ang kaklase nya.

"Tessa, boyfriend mo ba yung kasama mo kanina?" Excited na tanong ng kasama niya.

"Naku, hindi. Kaibigan sya ng Kuya Paulo ko." Sagot naman ng dalaga.

"Gwapo ha." Papuri ng kanyang kaklase. Tumango lang ang dalaga at ngumiti.

Agaw dilim na ng makauwi sina Paulo at Brian galing ng Batangas. May dala-dala silang mga prutas at bungkos ng mga bulaklak. Pasalubong nila kina Jenica at Tessa.

"Wow, ang gaganda ng mga bulaklak at ang bango." Natutuwang pahayag ni Jenica at humalik sa kanyang asawa bilang pasasalamat.

At lumapit naman ang binata sa dalaga at iniabot ang isang pumpon ng bulaklak ng mga rosas. Bagama't nahihiya man ang dalaga ay tinanggap niya ito at nagpasalamat sa binata.

"Thak you. What is the occasion?" Ang tanong ng dalaga.

"Nothing. I just want to give you flowers." Nakangiting sagot ng binata.

Maya-maya lamang ay pumasok na ang mag-asawa sa kanilang kwarto upang makapagpahinga na.

Samantala, pumunta naman ang dalaga sa terrace. Naupo sa bakal na upuan na tinatanaw ang langit. Nang matanaw siya ng binata ay sumunod ito at tumabi sa dalaga.

Maliwanag ang buwan at maraming mga bituin na makikita sa langit. Sinundan nang tanaw ng binata ang tinatanaw ng dalaga.

"How do you think it was created? The stars and the moon." Tanong ng binata sa dalaga. At tumingin ang dalaga sa mga mata ng binata.

"I don't know but there is someone up there who created it. We just don't see it but we know that it came from somewhere." Sagot ng dalaga.

"How's that?" Tanung muli ng binata.

"Like water, two atoms of hydrogen plus one atom of oxygen is equal to water. The things that we see came from the things unseen. (Yung nakikita nanggaling yan sa hindi nakikita.)

Magsasalita pa sana ang binata nang tumunog ang cellphone ng dalaga.

"Excuse me." Paalam ng dalaga sa binata. "My mother is calling." At tumango ang binata. Lumayo ng kaunti ang dalaga.

Bakas sa tinig ng dalaga ang kasiyahan na makausap ang kanyang Ina. Marami siyang gustong sabihin at ikwento sa Ina kaya lamang ay gusto niyang sa personal niya ito sabihin. Sa kabilang linya naman ay nararamdaman ni Aling Rosario na maligaya ang anak sa mga oras na yaon.


Load failed, please RETRY

New chapter is coming soon Write a review

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C6
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login