Download App
60% Loving the Vampire King ( Tagalog ) / Chapter 3: Chapter three

Chapter 3: Chapter three

*Akina pov*

Nagpumiglas ako ng pilit sa mapangahas na kung sino man ito pero kulang ang lakas ko kumpara sa kanya wala siyang kahirap-hirap na nakaakap saakin mula sa likod. Diyos! ko mukhang mapapahamak pa ako naramdaman ko rin na malamig siya kaya kinilabutan ako bakit ang lamig niya hindi kaya multo ito?, pero imposible hindi naman nakakahawak ng ganito ang multo.

"Pwede ba wag kang magpumiglas hindi kita sasaktan" bulong saakin ng lalaking boses saka lang ako nakalma kahit papaano tao naman pala ito.

"Bibitawan kita pero wag kang sisigaw ok?" muli niyang bulong napatango ako dahil hindi narin naman ako makahinga.

Unti-unti niya akong binitawan tsaka ako napaupo sa sahig at naghabol ng hininga biglang bumukas ang ilaw kaya napatingala ako sa taong nagtakip sa bibig ko.

Nagulat ako ng mamukhaan ko siya kaya tumaas ang init sa ulo ko dahil sa inis kaya napatayo ako at sinugod siya.

"Nang-aano kaba ha! bakit ka nananakot ng ganon ha! Alam mo ba pasalamat ka wala akong sakit sa puso kundi kanina pa ako inatake!." Inis kong turan sa kanya habang pinagpapalo ko siya sa dibdib hindi ko namalayan na umiiyak na ako humahagulhol ako ng tuluyan sobra akong natakot dahil sa kanya.

"Im so sorry Babe." Naramdaman ko na yinakap niya ako naramdaman ko na rin na hindi na sya malamig, ang init na nang katawan nya napapikit ako habang hindi parin tumitigil sa pagiyak.

Nanatili pa kami sa ganoong posisyon hangang sa kumalma rin ako at tumingala sa kanya nakatingin din sya saakin kaya medyo dumistansya ako dahil kakaiba ang tingin nya.

"Ano ba kasi ginagawa mo dito Mr. De ville ha?" Mahina kong singhal sa kanya habang nagpupunas ako ng luha ko.

"I was following you because i saw you rushing out of our room" sagot nya na seryosong nakatingin saakin kaya napaiwas ako ng tingin.

"Sabihin mo natatakot kaba saakin?" Tanong nya umusog ako palayo sakanya sapat na para malaman nya ang sagot kaya napabuntong hininga sya, marunong din syang mag-tagalog at may pagka-slang ang tono nya na ang sarap pakinggan natigil ako sa pagiisip dahil kakaiba na ang pinupunto ng isip ko.

"Ok i am not bad person ok i just want to befriend you,wala kaming masyadong alam sa lugar na ito" malumanay nyang turan ang sexy ng tagalog accent nya may pagkabulol na ewan pero lalaking lalaki ang boses,tapos napansin ko rin na ang gwapo nya matangos ang ilong mapupulang labi atsaka ang kulay ng mga mata bughaw na bughaw napakaganda pero malalim din kung tumingin parang may nakapaloob doon na hindi mo gugustuhing malaman,may kahabaan din ang buhok nya parang ang lambot din nyang haplusin at malalaman mo agad na ibang lahi sya dahil sa kulay rin ng balat nya maputi parang mas makinis pa sya saakin.

"Are you done checking me?" Nakakalokong ngumiti sya my god! napayuko ako bigla sa dahil sa kahihiyan hindi ko naman kase napigilan na hindi sya tingnan.

"It's ok baka naman nakapasa ako sa standard mo" tumatango-tango sya kaya lalo akong napayuko medyo mahangin din ang isang ito.

"Hindi no ang kapal mo rin eh!" Lakas loob kong turan sa kanya. Natawa sya kaya lalo akong nainis medyo nawala yung takot ko sa kanya kaya ako naglakas ng loob na tumayo at naglakad palabas ng kwarto.

"Where are you going hmmm?" napalingon ako sa kanya nakahalukipkip sya kaya inirapan ko lang sya at pinihit ang doorknob pero hindi ko ito mabuksan.

"A..anong ginawa mo bakit hindi ko mabuksan ang pinto!" Sigaw ko sa kanya maya-maya pa ay bigla syang pumunta sa harap ko at bigla akong sinandal sa pinto nakapagpakaba saakin mariin syang nakatingin saakin dahil sa gulat ko ay nakatingin lang din ako sa kanya.

Nakita nang dalawang mata ko kung paano sya mabilis na pumunta saakin,diyos ko baka patayin nya po ako.

"I can't even read your thoughts Woman" madiin nyang turan nakapikit lang ako at nagdadasal na sana wag nya akong saktan.

"Tok..Tok...may,tao ba dyan?" Napamulat ako ng may kumatok akma akong sisigaw ng takpan nya ang binig ko hindi ako makagalaw dahil pinining nya ako kaya kahit anong piglas ko hindi ko sya kaya dahil malaki sya at malakas.

Maya-maya pa ay nawala na yung kumatok.

"Sigh" ok bibitawan na kita uli pero wag kang sisigaw ha,kundi lagot ka saakin" napatango ako tsaka na uli binitiwan ang bibig ko napahinga ako ng malalim.

"Ano ba talaga problema mo ha?! Kung hindi mo ako papatayin sa takot at kaba papatayin mo naman ako sa,kawalan ko ng hangin sa baga ko!" Madiin kong turan sa kanya inirapan ko sya.

Tsaka naalala ko na may dapat akong itanong sa kanya. Ang gago nakatingin lang saakin habang nakapamulsa.

"Ano ka ba? Killer? Ahmmm Vampira?" Natanong ko bigla pero napatakip din kaagad ako ng bibig dahil sa lumabas na salita sa bibig ko.

"Hmmm kung sasagutin ko ang huli mong tanong ano gagawin mo?" Tanong nya pabalik diyos ko! Eto na yun yung huli kong tanong.

"Sagutin mo muna tanong ko,ahhh basta please para makalabas na ako dito ok" napatawa sya ng mahina na nakapaglakas lalo ng tibok ng puso ko.

"Ok I am Vampire" napasingahp ako ng malakas as in literal akong napanganga sa sinabi nya tsaka ako tumawa ng malakas ang lakas din makabasagtrip neto hehehe.

"Seryoso ba yan tsss! alam mo walang Vampira no tsaka fiction lang yan ok hahaha" tinapik tapik ko pa sya sa balikat ng lumapit ako sa kanya nakatingala ako sa kanya dahil may kataasan sya.

Hinawakan nya bigla ang kamay ko kaya kinabahan ako dahil napahigpit hawak nya.

"Listen Woman! ok this is my first time to confess to a mortal like you so hear this out!. I am Vampire King so if you believe me or not that's not my problem anymore!" Bigla nya akong pinangko at tsaka sya mabilis na umikot sa buong library walang namutawing salita saakin dahil sa gulat ko grabe totoo ba ito napakapit ako ng mahigpit sa leeg nya at napasiksik doon dahil para akong nahihilo.

"Tama na Alaistair please..." Bulong ko sa unang pagkakataon ay tinawag ko sya sa pangalan nya.

Dahan-dahan syang huminto atsaka ako pinaupo sa lamesa na nakapagitan sya sa mga hita ko kaya napaka awkward tuloy ng posisyon namin.

"Naniniwala kana?" Bulong nya inilagay pa nya sa tenga ko ang nalugay kong buhok mula sa pagkakapusod ko.

"Oo ok na pero hmmm hindi ka naman yong pumapatay ng mga inosenteng studyante diba?" Oo nga pala alam kong uri rin nya ang mga nambibiktima ng mga kawawang babae ngayon. Hindi ko alam kung bakit madali para saakin ang mga rebelasyon nya pero alam ko rin naman na kung masama syang nilalang ay kanina pa nya ako pinatay oh kaya naman pinapatagal nya lang ng medyo lang naman.

Dahil sa mga naisip ko ay bigla na lang umikot ang paningin ko pakiramdam ko ay binibiyak ang ulo kaya napalaylay ako sa leeg nya at tuluyang nangdilim ang paningin ko.

*Alaistair pov*

Magsasalita na sana ako ng bigla na lang syang lumuyngoy sa balikat ko at doon ko napagtanto na nawalan sya ng malay tao. Napahinga ako ng maluwag dahil ang mortal na ito ay hindi man lang ngumawa o kaya ay naghisterikal sa mga sinabi ko,i was trying to scare her but here it is nawalan sya ng malay alam kong hindi sa takot kundi nahilo marahil sa pagikot ko sa kanya ng mabilis.

Inihiga ko sya sa ibabaw ng lamesa ay inayos ang ulo nya,napatingin ako sa makinis nyang leeg at napalunok ako hindi pwede to tulog sya at walang malay tsaka mahigpit sa batas ko ang muling tumikim ng dugo ng isang tao.

Pero ang babaeng nasa harap ko ngayon ay mayroong binuhay saakin na kakaiba at ang nakakapanibago saakin ay malaya kong masabi sa kanya kung sino ako, pumikit ako at tinawag sa isip ko ang kambal at si Thomas.

Maya-maya pa ay may nagbukas na ng pinto ng library.

"Wow! Ano ginawa mo kamahalan?" Bungad agad ng isa sa kambal. Tinaasan ko sya ng isang kilay at binuhat ko ang babae atsaka tumingin sa dalawa kina Fendrel at Fraden.

"Block all the way to exit here were going back to Mansion now!" utos ko ang kakayahan nilang dalawa ay pahintuin ang buong paligid gamit ang isip nila pero may hanganan iyon kada tatlong minuto lang ang kakayahan nilang dalawa.

"Ok King" yumukod sila at lumabas napatingin ako kay Thomas atsaka nagsasabing magpapaliwanag ako pagdating sa Mansyon kaya tumango sya tsaka kami lumabas ng lugar naito sa mabilis na kilos ay nakarating kami agad sa sasakyan ko atsaka ko sya inilagay sa backseat inayos ko pa ang pagkakahiga atsaka ko sinara ang pinto at pumasok sa driver seat.

"Kailangan mo talagang magpaliwanag Alaistair" mariin na turan ni Thomas napatango ako at nagsimulang magdrive.

Sa ngayon kailangan kong i-elaborate sa utak ko kung bakit ko nga ba ginawa,ito at nandito kami sa sitwasyong ganito na sa kauna unahang pagkakataon ay may isang mortal na kakaiba,hindi ko mabasa ang isip nya at hindi ko rin mabura ang alaala nya kailangan kong makagawa ng paraan para hindi niya na maalala ang mga nasabi ko.

Dyaran wahaha ang wierd ng update ko hihi pero pagtiisan na lang hehe :)

Sorry guiz pinipilit ko lang maitawid ang isang chapter na ito :)


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C3
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login