Download App

Serendipity

ser·en·dip·i·ty

/ˌserənˈdipədē/

noun

The occurrence and development of events by chance in a happy or beneficial way.

"a fortunate stroke of serendipity"

synonyms: (happy) chance, (happy) accident, fluke; luck, good luck, good fortune, fortuity, providence; happy coincidence

Bored na talaga ako, pati dictionary binabasa ko na. In-off ko ang tablet at lumabas na ng coffee shop. Oo, tanda ko pa. May ka-date ako dito kagabi. Nyay, walang gano'n!

Katatapos lang ng klase ko. Alas dos pa lang nang hapon kaya ayoko pang bumalik ng boarding house. Wala naman akong gagawin do'n kaya naisipan kong mag-gala na lang muna.

Sumakay ako ng taxi at nagpahatid sa lugar na madalas kong puntahan—sa Camp John Hay, sa may Bell Amphitheater.

Kapag gusto ko ng katahimikan, kapayapaan at world peace, sa Camp John Hay lang ako pumupunta. Nakaka-relax kasi do'n. Ramdam ko doon ang nature, ang lamig ng simoy ng hangin, ang tunog na likha ng nagki-kiskisang dahon ng mga puno at huni ng mga ibon. Sa Belle Amp naman ako madalas tumambay kasi kaunti lang ang pumupunta roon. Minsan nga mag-isa lang ako, kaya walang um-i-istorbo sa'kin lalo na kapag nagbabasa ako ng libro.

Pagdating ko sa Amphitheater, napansin ko agad ang mga dekorasyon sa paligid.

Puti. Halos lahat ng dekorasyon, puti. Nandyan ang mga puting kurtina at mga tela. Nakasalansan na rin sa paligid ang mga upuang puti. Kapansin-pansin din ang mga dilaw na bulaklak na inayos sa may hagdan pababa na pinagkonekta ng mga puting tela. Tingin ko, hindi naman kasi masyadong halata—may ikakasal dito, siguro bukas.

Naku naman.

Tiyak kapag pumunta ako sa baba, sa may stage, papaalisin lang ako ng mga nag-aayos. Napakamot na lang ako ng ulo dahil hindi pala ako makakatambay ngayon dito.

Mukhang kailangan ko na ngang umuwi, bulong ko. Hahakbang pa lamang ako nang may nakita akong pamilyar na mukha sa bandang taas ng Amphitheater.

Natigilan ako at napangiti. Nagtagpo na naman kami—ang babaeng lasing na sumapak sa'kin.

Pinagmasdan ko siya. Malayo ang tingin niya. Malamang hindi niya alam na naririto ako. Baka nga hindi niya ako natatandaan dahil nga sa lasing siya kagabi.

Malamang natatandaan niya ko.

Base sa karanasan ko, ilang beses na rin naman ako nalasing, naalala ko naman 'yung mga pangyayari. Isang beses nga no'ng minsang nalasing ako, nasukahan ko 'yung board-mate ko. Pagkagising ko sa umaga, natatandaan ko naman, nagpanggap lang ako na 'di ko maalala dahil sa hiya.

Katulad no'n, tingin ko, naalala rin ako ng babae kaya naisip kong lapitan siya.

Habang naglalakad ako palapit, napatingin siya sa akin. Sandaling nagtama ang mga mata namin. Kaagad rin naman siyang nag-iwas ng tingin, nagsimula naman siyang maglakad.

Mukha ngang 'di niya ko naalala. Natigilan ako. Hayaan na nga.

Pero biglang may naglaro ulit sa isipan ko. Hindi sinasadya na magkita kami kagabi. Lalong hindi rin inaasahan ang pagkikita namin ngayon.

Serendipity? No.

Sabi nga ni Oxford, Serendipity is the occurrence and development of events by chance in a happy or beneficial way.

Ang pagkikita namin hindi pa masasabi kung beneficial nga tulad na lang ng pagkadiskubre ng penicillin dahil sa aksidente. 'Yun talaga ang serendipity.

Good job, Sir Alexander Fleming.

Pero ito, serendipity?

Who knows? Napangisi ako at tumakbo paakyat, palapit sa kaniya.

"Miss!" tawag ko.

Tumigil siya. Bahagya siyang lumingon. Pagkatapos, sinusuklay niya ng mga daliri ang kaniyang buhok para maitago mukha.

"Bakit po, may kailangan po ba kayo?" mahinhin niyang tanong.

"'Di ba ikaw 'yung kagabi, sa may coffee shop?"

Umiling siya.

"Ikaw 'yun e," pangungulit ko.

"Nagkakamali po ata kayo." Tumungo siya at tumalikod sa akin.

"Sandali."

"Sige po, maiwan na kita diyan." Humakbang siya papalayo. Hindi normal ang paglakad niya. Halatang nagmamadali. Napansin ko ring sandali jiyang sinapo ang noo niya.

"Miss Lasing!" sigaw ko.

Ewan ko ba, parang bigla na lang akong ginanahang mang-trip. Sobrang bored na nga yata ako.

"Uy, Ms. Lasing." Pag-uulit ko.

Tumakbo ako papunta sa harap niya at naglakad ng patalikod, "Ikaw 'yun 'di ba? Ikaw 'yun."

Iniwas niya ang tingin niya sa'kin.

"Ikaw nga 'yun. Si Miss Lasing."

Tumigil siya sa paglakad. Tumingin sa akin. Magkasalubong ang kilay.

Ooops. Sumobra yata kakulitan ko.

Nagulat na lang ako nang bigla niya kong tinulak. Naalala ko may pagka-bayolente nga pala 'to. Sinuntok niya nga pala ako kagabi. Layo-layo nang konti.

"Ano bang problema mo ha? Para sabihin ko sa'yo hindi ako lasing no'n. Kaya tigilan mo na ko!"

Tumango-tango ako. "Hm, kaya pala pagewang-gewang ka maglakad."

"Nakainom lang ako pero hindi ako lasing." Tinitigan niya ako habang nakakunot ang noo niya.

"Okay, kalma." Sabi ko habang nakataas ang mga kamay ko kapantay ng dibdib ko.

Hinawi niya ang mga kamay ko at dumiretso siya ng lakad. Mukhang sumobra nga ata ako ng pang-aasar.

Ano ba naman kasing pumasok sa isip ko, close ba kami?

Parang bumigat ang pakiramdam ko. Na-realize kong mali talaga ang ginawa ko. Sabi nga nila magbiro ka na sa lasing 'wag lang sa bagong gising. Sa situwasyong ito: magbiro ka na sa lasing 'wag lang sa stranger—sa 'di mo naman kaibigan o barkada.

Muli akong tumakbo at hinabol siya.

"Miss, sorry. Nagulat lang kasi ako nang makita kita ulit. Medyo na-excite lang."

"Na-excite sa ano?"

"Na makausap ka. Gusto ko kasing malaman kung naaalala mo ko. I guess, mali 'yung way ng pag-approach ko. Kaya, sorry na," sabi ko habang magkalapat ang aking mga palad.

Tinitigan niya lang ako. Pinagmasdan niya ang mukha ko na gaya nang pagtingin ni Ms. Rodrin sa klase—mapanuri—kaya 'di ko inasahan ang bigla niyang pagngiti.

"Naku Gordon. 'Di ka pa rin nagbabago. Maloko ka pa rin." Ngumisi siya.

Natulala ako. Bumagsak ang panga ko at mababasa sa bibig ko ang letter O.

Sinuntok niya ang braso ko pagkatapos tumingin siya sa'kin at muling ngumiti.

"Long time no see," banggit niya.

Hindi ko pa rin magawang makapagsalita. Nagka-amnesia ba ako? Teleserye ba 'to?

"O, anong nangyari sa'yo, Gordon?"

Paanong . . . kilala niya ko?


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login