Download App
83.78% UNTIL WHEN / Chapter 31: Masarap

Chapter 31: Masarap

"Hmmm..." tuwang-tuwang pagnguya ni Chaika. Simula ng makasubo ito ay hindi na siya tumigil sa pagsubo at hindi na siya nagsasalita. Subo nalang siya ng subo.

Hindi ko na tinanong kong masarap ba dahil kita naman sa reaksyon nila lalong lalo na si Chaika na mukhang gusto atang kainin lahat ng linuto ko.

Si Kurt ay hindi pa rin nagsasalita pero masaya na akong nakikita na nasasarapan siya kahit hindi niya sabihin.

Wala pa si Tina kaya hihintayin ko nalang siya at sabay nalang kaming magmerienda, tinawagan ko kasi siya kanina nang dumating na ang mga bata para tawagin upang magmerienda.

Kukuha na naman sana si Chaika ng kakainin nang pigilan siya ni Kurt.

"That's enough, if you don't want to have stomachache" sabi nito kay Chaika at tinatanggal ang kamay nitong nakalagay na naman sa bowl kung saan magsasandok na naman siya ng spaghetti.

Tumingin sakin si Chaika na sinundan din ni Kurt. Nagmamakaawang nakatingin si Chaika sakin para pagbigyan ko siya. Si Kurt naman ay tinitignan ako na sinasabi sa mga niya na 'I am right, isn't?'.

Tiningnan ko ulit si Chaika na nagmamakaawang gusto pa niyang kumain. Gusto ko mang ngumiti dahil sa itsura niya na puro sauce ng spaghetti at pati ilong ay may sauce na rin pero pinigilan ko nalang ang sarili ko dahil totoo naman si Kurt.

Kanina pa kain ng kain si Chaika at baka hindi na ito makahinga sa sobrang kabusogan.

"Chaika tama na. Hindi ka pa ba busog? Gusto mo bang sumakit ang tyan mo mamaya dahil sa kabusogan?  Sige ka baka mamaya tumatakbo ka na papunta dito para lang mag cr." pananakot ko.

Effective naman dahil tinanggal na niya ang kamay niya at yumuko.

Mukhang nagtatampo na kaya linapitan ko at kumuha ng wipes para punasan ang mukha nito. Pati din pala damit niya ay narumihan na rin.

"Hindi sa kinakampihan ko si kuya. Ayaw lang namin na magkasakit ka. Don't worry.. lulutuan kita kahit kelan mo gusto" pag-alo ko dahil iba ata ang pagkakaintindi niya sa pananakot ko.

Tiningnan na rin niya ako sa wakas ng nakangiti.

"Talaga tita? Promise mo yan a" paniniguro nito na sinang-ayunan ko naman agad.

Saktong tumunog ang bell nila at hudyat na tapos na ang breaktime nila ay dumating na din si Tina.

**

"Hahanap hanapin talaga to ng dalawang bata panigurado ma'am" komento ni Tina habang linalagay sa isang lunch box ang natira naming pagkain. Kanina pa siya hindi makaget over. Muntik na din niyang maubos lahat pero naalala niya ang nanay niyang nasa canteen at gusto niya daw na matikman niya ito kaya linalagay niya ito ngayon sa isang lalagyan at ipupunta niya raw ito sa nanay niya bago kami umalis.

Dalawampu't minuto nalang ay lunch break na nila.

Half day lang daw talaga si Chaika pero pati na din si Kurt ay makakauwi ngayon ng maaga dahil nasuspend daw ang klase nila ngayong hapon.

Nakaupo kami sa sofa ni Tina at nanonood ng kdrama. Sa episode 9 ito nagsimula kasi dito daw siya nagtapos kagabi. Tinanong niya ako kung nanonood daw ba ako ng kdrama. Sabi ko hindi.

Sa totoo lang - sinabi ko sa sarili ko na lahat ng tatanongin nila sakin na hindi ko alam at walang kasiguradohan ay ang isasagot ko nalang ay HINDI/WALA.

Wala lang din naman akong magagawa kasi wala naman akong maalala.

Nakikinood nalang ako nang maalala ko si ma'am Clarenz dahil sa suot ng bidang babae na dress at kakulay mismo ng suot nito na kulay white.

"Tinanong kasi ako ni ma'am Clarenz kanina kung yaya daw ba ako ng mga bata kaya ko natanong kung may mali sa itsura ko kanina. Tinignan ba naman kasi ako mula ulo hanggang paa" wala sa sarili kong sabi at nakita ko sa peripheral vision ko na tumingin sakin si Tina.

"Naku mag-iingat kayo sa babaeng yun ma'am. Isa sa mga ex ni sir Jameson yun noong binata pa siya. Isa siya sa mga pinakamatagal kuno daw na ex ni sir Jameson. Siguro nga kasi umabot naman talaga sila ng isang buwan. Ah basta ma'am mag-iingat kayo kasi lahat ng mga yaya ng mga bata noon ay sinisisante ni sir Jameson o di kaya ay nagreresign. Kung anu-ano kasi ang sinusumbong at ginagawa nito para masira sila kay sir Jameson. Ang mga anak kasi ni sir ang pinakaimportante sa buhay niya kaya siguro ito ang ginagamit niya para makalapit kay sir. Lalo na kayo ma'am ang ganda-ganda pa naman ninyo. Pero sabagay ay huwag kayong mag-alala ma'am at anak naman kayo ng kaibigan ni madam kaya hindi niya naman siguro kayo aanohin. Isa kasi sa mga shareholders ang ama ni ma'am Clarenz sa paaralang ito at kasosyo nila sir Jameson sa negosyo. Maraming may alam na may gusto pa rin siya kay sir Jameson kaya siya naging guro para makuha ang loob ng mga bata dahil ito lang ang paraan para makuha niya ang loob ni sir Jameson" pagkukwento nito.

"Wala akong balak makialam sa kung ano man ang gusto niya. Huwag lang sana siyang tumigin ng ganun at nabastosan lang talaga ako kanina nang tignan niya ako" pangangatwiran ko dahil nakakababa yung tingin na ginawi niya sakin kanina.

"Ganiyan ang ugali niya ma'am kaya si madam Karen ang naghahatid at sundo sa mga bata kasi walang nakakatagal na yaya ng mga bata. Si Rita lang talaga ang nakakatagal kasi kaibigan siya ni sir Jameson at malapit ang pamilya nila kina señora Lija ang ina ni madam Karen. Pero naku, isa din yung si Rita at may gusto din kay sir Jameson kaya alam niyo ba nang dumating kayo ma'am. Kami lang ni ate Gina ang nag-ayos ng mga pinamili niyong gamit kasi ayaw ni Rita na tumulong ang iba at sinabing may mga nakatalaga ng trabaho ang ibang katulong kahit wala naman" pagsusumbong ulit nito na mukhang inis na inis na.

"Kung ganun siya ang parang namamahala sa lahat ng mga trabahador sa mansyon? Eh kayo ano naman ang relasyon niyo kina madam Karen at mukhang pinagkakatiwalaan naman kayo nito. Hinahatid niyo din ang mga bata" tanong ko dahil kung totoong nagreresign at tinatanggal sa trabaho ang mga nag-aalaga sa mga bata ay bakit narito pa din sila.

"A, yung tatay din kasi namin at ni Mayor Manuel ay matalik na magkaibigan. Siya ang pinakapinagkakatiwalaan ni Mayor Manuel pero nagkasakit si tatay at nagdadialysis na ito. Mabuti nalang at licensed engineer na ang kuya namin pagkatapos niyang hindi makapasa sa first take niya ng licensure exam kahit siya naman ang naging cum laude ng klase nila. Mabuti nalang at ngayon ay siya na ang isa sa engineer dito sa bayan. Kami naman ni ate Gina ay registered nurse na ngayong taon pa lang. Kaya din si ate Gina ang sumama ngayon kay tatay kasi boyfriend niya ang doctor ni tatay. Oh di ba nakajackpot ma'am. Sana all lang talaga" kwento nito na ikinatawa ko dahil nakakatawa ito kung magsalita at pati ekspresyon ay hindi pinatawad sa pagiging madaldal.

"Ai akala ko high school o first year college pa lang kayo. E bakit kasi wala ka pang boyfriend? Ang ganda ganda mo din kaya" pagpupuri ko kasi totoo naman. Akala ko talaga mga high school o first year college pa lang sila, at mas bata pa sila kesa sakin pero mukhang hindi ata.

"Naku ma'am. Kung hindi si sir Jameson ay huwag nalang. O kahit katulad man lang sana ni sir Jameson pwede na. Noong hindi pa nakikilala ni sir Jameson si ma'am Jessy na pumanaw ng asawa nito ay may gusto na ako sa kaniya. 9 years ko na din siyang gusto ma'am kasi 22 ko na at 13 years old ako noong nakilala ko siya, sinama kasi kami ni tatay noon sa birthday nito. Noon, ayaw ni sir Jameson na alagaan namin ang mga anak niya pero hinayaan na niya kami nang maging RN kami kahit na 22 pa lang namin" ani nito. Naawa tuloy ako at mukhang loyal na loyal ito.

"Napakaswerte naman niya at may nagkakagusto sa kaniya na tulad mo. Hindi ko pa kasi siya nakikilala kaya no comment muna ako" pagtukoy ko kay sir Jameson nito

Nagulat siya nang malaman niyang hindi ko pa nakikita ng personal si sir Jameson kasi ang alam daw niya ay magkakakilala na kami dahil magkaibigan ang mga nanay namin.

Sinabi ko nalang na hindi kami magkakakilala at si madam Karen pa lang ang nakikilala ko dahil kagagaling ko lang ng ibang bansa at dun kami nakatira, at dito ko naisipang magbakasyon dahil ayun na rin sa mga magulang ko.

Naniwala naman agad ito at nang matapos kong ipaliwanag ito ay dumating na rin ang dalawang bata kaya nandito na kami sa sasakyan patungong opisina ng daddy nila na si sir Jameson dahil tumawag si madam Karen at sinabing nacancel ang schedule ng daddy nila ngayong lunch time at gusto niyang makasama maghaponan ang mga anak nito.


CREATORS' THOUGHTS
dafloxe dafloxe

Like it ? Add to library! ?

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C31
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login